Archive for January, 2007

ex-men # 1

Saturday, January 27th, 2007

I-enjoy ninyo na ang mga pahinang ito bago ko lapitan ng mga abugado ng Marvel Comics.

Exmen_1_cover_1

1st_panel

2nd_panel

3_rd_panel

4th_panel

6th_panel_20

6th_panel

8th_panel_20

End_panel

Abangan ang mga susunod na pakikipagsapalaran ng grupong Ex-Men sa mga susunod na posts ko.

ang mga puntod

Monday, January 15th, 2007

Para sa kaarawan ko e ito ang gusto kong gunitain -ang mga libingang nakita ko sa Medan, Indonesia. Pumunta ako run noong Todos Los Santos pero hindi nagkaoras na mag-update ng entry.

Sementeryo_eskwelahan_40

Ang sementeryo nila e hindi tulad ng sa ati na merong bakod. Kaya kung gabi’t lasing kang uuwi sa daan e pwede kang magkamali’t sa sementeryo mapadpad at mapagaya sa Thriller ni Michael Jackson. Itong partikular na sementeryong ito e nasa gilid ng isang eskwelahan at harapan ng isang masjid (o moske sa Tagalog).

Simulan natin sa pinakakaraniwang puntod sa lugar. Nga pala, ito e puntod ng mga Kristyano at hindi ng mga Muslim. Kaya’t hindi maja-justify ang mga hitsura nito sa pagsasabing gawang Muslim kasi kaya ganyan.

Ang ordinaryong istilo sa kanila e puntod na yari sa bathroom tiles na sa gitna e merong tanim. Ewan ko siguro simbulo ito na kahit patay na sila e namumuhay ang kanilang alala sa mga halaman. Maaring iyon o gumawa sila ng isang malaking flower box na pwedeng ihian.

Pagmasdan ang gradient effect ng tiles.

Puntod_flowerbox_40

At mukang nasobrahan sa ideya ng simbu-simbulo ng buhay ‘tong isang ito na mas nangangailangan ng hardniero kesa sepulturero.

At nasunod naman ang kahilingan ng isang ito na "Mommy, gusto ko pink".

Eto naman ang lapida nitong isa. Basahin ang nilalaman: ‘Born’ ____ Tapos, ‘Dead’. Labo e.

Tapos e S. Marianus pa pangalan.

Hindi na ninyo itatanong kung anong trabaho nito nung nabubuhay pa.

Puntod_weird_40

Hindi ko talaga maintindihan ang ideya ng disenyo ng isang ito, ang kauna-unahang puntod na nakita ko sa sementeryong ‘to. Puntod_pooh_40

Puntod_poo_cu_40 

Kung ‘yung isa e naigiit ang kanyang hilig sa musika, ito namang isa e naipilit ang paboritong cartoon character. Bata pa pala ‘yung namatay (Makikita sa lapida ang edad). Nakakaloko nito e nakakoboy na porma si Pooh. Nagyoyosi pa!

Marami-rami pang mga puntod doon na nakakaloko mga itsura. Itong mga da best na laang pinili ko.

ang eternal life

Monday, January 8th, 2007

Nung isang araw e tuwang-tuwa si Oslac sa ideya ng eternal life na itinuro sa kanila ng kanilang pastor. Pagdating sa relihiyon, kami ni Oslac e laging nagdedebate sa puntong maaring ikapikon ng iba, pero sa kanya e hinde.

“Sarap siguro ng eternal life. Ang gusto ko sa eternal life e maging piloto ako,” sabi niya. Tuwang-tuwa si loko.

“Bakit ka pa magpipiloto, e di lumipad ka na laang. After life na ‘yun e. makakalipad ka na nun,” sagot ko.

“Hindi. Parang ganito rin ang after life,” sabi niya sabay mustra sa kabuuan ng park ng Tanza.

“Makakalipad ka nun. Sa after life e naglalakad ka na laang sa ulap, kumakalabit ng kwerdas ng harp.”

“Ganito rin ang after life. Parang narito tayo sa lupa, kaso habang-buhay ka nang buhay. Hindi ka na mamamatay.” Ewan ko kung nakinig nang ayos ‘tong si Oslac o nakatingin sa cleavage ng katabi habang tinatalakay nung pastor ang after life. O baka naman ganun talaga ang sinasabi ng pastor nila na sa after life e parang buhay rin natin dito sa mundo kaso e imortal tayo.

“Teka…ibig mong sabihin e hindi tayo parang mga kaluluwang multo? Na tayo e meron pa ring laman?”

“Oo. Parang ganito nga lang rin e.”

“E ‘di kung tayo e laman pa rin e ‘di tinitigasan pa rin tayo. Alam o gagawin ko? Yayayain ko ang lahat ng mga babaeng makisayaw sa akin nang makamundo.”

(Note: I-search ninyo sa yahoo search ang keyword na ‘heaven’ at itong larawang ito ang susulpot.)

“Hindi pupwede ‘yun.” “Bakit hinde e sabi mo e laman pa rin tayo? E ano pa’ng ikakatakot nila e nasa langit na nga sila e? Sasabihin ko lang na, ‘relaks nasa langit ka na, bakit ka pa natatakot?”

“Oo nga, lilipad na laang ako. Hindi na ko magpipiloto.”