ang anibersaryo ng kamatayan ni eddie guerrero
Monday, November 13th, 2006
Matagal na kong hindi nakakapag-update ng blog ko at yung mga iilang nasulat ko e mga wala pang kwenta. Pero hidni ko mapapalampas ang araw na itong hindi maisulat ang entring ito para sa unang anibersaryo ng kamatayan ni Eddie Guerrero.
Dapat sana e suot ko ang t-shirt kong "I’m Your Papi" sa trabaho. Kaso ayoko namang mabembang (ang term namin sa mabungangaan) ng principal namin kaya’t bago mag-sign out ko na lang ito naisuot, bago mag-alas kwatro. Sana e tubuan ako ng bayag ng tulad ke Austin na kayang mamakyu sa authority. Kaso huli na rin ang lahat pag nangyari yun.
Kaya’t eto isang entring basta laang ang naialay ko (at kandila mamaya). Isang entring ninakaw ang mga larawan sa kung anu-anong website. Ang napili ko e itong panahong magshota pa sila ni Chyna. Kakulit ng panahong ito sa career ni Latino Heat e.
Hindi na rin ako gaano nakakapanood ng wrestling dito sa bansang urong. Kakatamad e. Sa dami ng patalastas, pag bumalik ang palabas e hindi ko na matandaan kung ano pinapanood ko. Pero pag-uwi ko ng Pinas, manonood ako sa SM ng Survivor Series.