Archive for September, 2006

sinesinukob # 23: miami vice

Thursday, September 21st, 2006

Pang-bente tres na pelikula ko laang ito sa taong ito? Natigang talaga ko sa sine sa halos anim na buwang pagtigil ko sa Indonesia.

Anong meroon sa Alexander na nasa Miami Vice rin? Parehong kilala ang direktor ng dalawang pelikulang ito (kung hindi mo kilala, anong puntong ipaliwanag ko pa sa iyo ang kahalagahan ng direktor ng pelikula?), pero bakit ganun ang kinasapitan ng lahat?

Sagot: Collin Fuckin’ Farell. 

Hindi ko na talaga maalala ang TV series (na ang nagdirek e yun ring nagdirek nitong pelikula) kung saan nakabase ‘to. Mas naalala ko pa ang theme music nito (na hindi naman ginamit sa pelikula) at ang parody nito sa TODAS ang Marikina Vice. Pero sa pagkakatanda ko e hindi naman ganito kaseryoso yung series.

Kung yung Batman ni Bob Kane sa comics at Adam West sa tv na pinaastig ni Frank Miller sa comics(ewan kung meron pang mas nauna sa kanya) at Tim Burton sa pelikula, e umubra, ito e hinde. Dahil ke Collin Farell. 

At saka… ewan. Wala na kong ganang sumulat pa tungkol sa letseng ‘to. Basta, walang kwenta. Itambak mo na laang ‘to sa gitna ng Disney na pelikulang pinagbidahan niya at iba pa niyang basura.

ang twalya

Monday, September 18th, 2006

Noong isng araw sa Carrefour e naggrocery ako. Merong dalawang bundok ng mga binebentang produkto na pinagkakaguluhan ang mga Indonesian -twalya at tsinelas. Naka-sale pala kaya…

Ngayon lang ako nakakita ng ganireng sistema ng sale kung saan ang mga tsinelas at twalya e binebenta ng por kilo! Ang twalya e hindi per yarda. Ang tsinelas, kahit ano pa man istilo’t yari niyan, e tinitimbang. Nakabili ako ng twalya sa halagang Rp 8,500. Panghalinhin ko sa isang twalya ko.

Sana deodorant at sabon na lang ang pinopor kilo nila-baka bumango pa bansa nila.

ang bakasyon

Sunday, September 17th, 2006

Ang isa sa mga dahilan kung bakit ko pinatos ang bansang ito e dahil sa ideyang maraming bakasyon dito. Mas marami pa kesa sa Pinas. Tulad ngayon. Bakasyon kami ng isang linggo dahil sa term break. Meron kaming apat na terms. Kaya’t sa gitna ng una’t pangalawa at gitna ng pangatlo’t pang-apat na term e ganito. Yung sem break e Disyembre. At school break e June.

Ano planong bakasyon ng isang dayuhan sa ganitong bansang urong?  Hmmm…

Nabalitaan kong merong tren dito sa Medan sa isang Indonesiang tindero ng sate (bbq) na marunong mag-Inggles (o Inggris sa Bahasa). Siempre e gumana ang pagka-Lonely Planet ko. Naisip kong magbyahe sa tren papuntang kung saanmang sulok ng naspabayaang bansang ito. Baka sa Mierkules ko to gawin. Marunung-runong na rin naman akong magbahasa kahit papano. Kaya na rin sigurong magtanung-tanong.

"Berapa harga satu loket pergi _________?" (Magkano isang tiket papuntang _________?)

Kung hindi man makagala, okey-okey na rin sa king manood ng mga DVDs. Nakabili na ko ng isang Indonesian movie na merong English na subtitle. Pano magtanong ng ganun? Naku, kahirap. Laging akala e itinatanong kung Inggles ang salita nung movie. Ang ituturo sa akin e English movie, tulad ng pelikula ni Pierce Brosnan tungkol sa magnanakaw ng alahas.

At ganito pala dapat tanong. Ituro mo yung palabas na gusto mo. Tapos, itanong, "Apa ada teks Inggris?"

Hehe. Isang araw sa linggong ito e panonoorin ko to.

Dami kong gustong i-blog tungkol sa mga kaurungan ng bansang ito. Malamang ngayong bakasyon e magawa ko na. May mga larawan yun. Hayaan na kung natutunaw mga litrato dito sa friendster account ko. Kahit tatlnog araw laang makita, pwede-pwede na rin.

Kasarap ng Linggo kung walang Lunes na sumisilip at naghihintay!

ang larawan ng pokpok

Sunday, September 10th, 2006

Hindi naging malinaw ang lahat noong ipinost ko noong August 4 yung pagtikim ko ng pokpok. E ang buong silbi ng post na yun e umaasa sa larawang kaakibat nito. Pero dahil bano ang computer sa urong na bansang ito e hindi lumabas yung larawan. Ngayon, sa pagkakataong ito, e ilalabas ko itong muli. Kung bakit natagal, iyon e dahil hinanap ko pa ang file ng larawang ito.

At heto na ang larawan ng pokpok. Malamang, mapapa "aaahh… yun laang pala. Letse." kayo, e sige’t ilalagay ko na rin. 

ang landas sa pagka-iron chef 2: sweet and sour fish

Sunday, September 10th, 2006

Isa sa mga napili kong tahaking landas e ang pagka-iron chef. Pag ganitong wala ka na rin lang magawa sa bansang ‘to e di mag-aral ka ng mga bagay-bagay. Naisip ko dati e martial arts. Kaso ano ba sikat na martial arts ng bansang ‘to? Wala namang sikat. Gym? Kakabuset na ideya. Pawis + Indonesians = panget na ideya. Bike? Umabot na ko ng trenta nang hindi natututo nito, ngayon pa ba ko magsisimula?

Kaya’t ang ito ang naisip kong matutunan. Isang bagay na magagamit -pagluluto. Nung isang araw e nagkaldereta ako gamit ang ketchup na kung tawagin nila e tomato sauce. Ito namang ngayon e sweet + sour fish.

Pero sa pagkakataong ito e ako lahat gumawa, mula pagtatadtad ng mga rekado, hanggang pagpiprito ng isda, pagtitimpla ng sauce. Pinakitaan laang ako ng halimbawa ng hiwa, at ako na gumawa ng lahat.

Kumpara sa kalderetang aking niluto dati na andaming tulong kong tinanggap, itong isang ito e maipagmamalaki kong  aking likha.

Ngayon kung nagtataka kayo kung bakit parang iba itsura nito, yun e dahil hindi kasya yung isda sa kawali. Hinati ko tuloy sa gitna.

Resulta ng paghihirap magluto: noong oily.

At ang finished product: sweet + sour fish.

Hatol: Ayos na rin!

Kaso ang gusto ko talaga sana e yung fillet na breaded, parang yung sweet + sour pork sa Chowking (Hi JP!), pero ok na rin ‘to.