Kahapon e nagpagupit uli ako. Dahil maganda ang kinalabasan ng gupit ko nung huli e dun uli ako nagpagupit. At hinanap ko yung barberong gumupit sa kin dati.
At natandaan niya naman ako -ang banyagang ginupitan niya halos isang buwan ang nakakaraan. Magiliw niya akong binati. Noong huling nagpagupit ako sa lalaking ito e meron siyang binabanggit na cantik (tsanti) o maganda. Akala ko ang sinasabi niya e magaganda raw ang mga Indonesians. E di sinabi kong magaganda nga ang mga Indonesians, siempre, hindi na ko kokontra. Sinabi ko ring magaganda rin mga Pinay.
Nakakaintindi ako ng konting Bahasa, gayundin siya sa Inggles. Pero parehong limitado ang aming bokubolaryo para magkausap nang matino. Ang hindi maipaliwanag ng lenggwahe e pinupunan ng mga pagmumustra ng kamay at pagsha-charade. Ewan ko, kahit papano e nagkakatawanan namin kami noon.
At ito ang sinenyas niya sa kin noon.
Pero nitong pagpapgupit ko kahapon e mukang naiiintindihan ko na ang gusto niyang sabihin sa akin tungkol sa mga cantik (maganda). Ito e nung nakapagsimula na syang maggupit at natabasan na ang buhok ko. Inaalok niya yata ako ng mga pokpok, at sa pagkakataong ito e hindi ito yung nanggaling sa isang pakete, kundi yung tunay na ibig sabihin ng salita sa ating bansa.
At para kumpirmahin ko kung tama ang hinala ko e tinanong ko siya, "Berapa harga?" na ang ibig sabihin e ‘magkano?’.
"Rp 500 000," sagot nang barbero.
Bago kayo himatayin sa presyo nito e tandaan ninyo ang conversion ng salapi. Pero hindi man ganun kalaki ang halaga, e ganun pa rin ito -mahal, halos kapresyo na ng cell phone kong binili dito. Biglang kambyo si hijo at sinabing pwede na raw ang Rp 400 000.
Palpak ang desisyon kong magtanong. Oo’t nakumpirma kong pokpok pala ang pinag-uusapan namin, pero ayaw niya akong tantanan sa pokpok. kala niya siguro e interesado talaga ko kaso e namamahalan. Sabi ko, "Tidak (hindi)." Pero ayaw paawat.
Gang sa naisip ko na laang na kunwari e ihahanap ko na laang siya ng ibang kostumer. Sabi ko meron akong kaibigang baka magkainteres sa pokpok. Tinanong niya ang pangalan. Naala ko si Joseph, ang housemate kong naghatid sa kin noon sa kanyang scooter. Madali kasing imustra ang scooter. Kaya’t sabi ko, "Joseph," sabay arte ng nagpapandar ng scooter.
Ewan ko kung papano ko nakumbinsing itigil niya ang pag-aalok sa kin ng mga pokpok. Pero naawat naman siya. Pero kung anu-ano naman ang inaalok niya sa kin na ang sagot ko e "I don’t understand," sabay kunot ng noo at taas ng kilay ala- Collin Farrel.
Parang ganito:
Barbero: Jauhfye?
Ako: "I don’t understand." (Huwag kalilimutan ang kunot ng noo sa bawat sagot)
Barbero: Dkfgjhiye?
Ako: "I don’t understand."
Barbero: Hukfgjotj?
Ako: "I don’t understand."
Nakailang ulit rin yun pero yung huli e nakilala ko ang sinasabi niya.
Barbero: Ganja?
Ako: "Ha? Tidak (No)! Tidak merokok ganja (I don’t smoke marijuana)"
Barbero: Heroin?
Ako: Tidak!
Heroin? Di ba yun e yung iniinject? Ewan ko siguro cool para sa iba yung ganung nirorolyo mo ang sleeves mo, tinatalian ng goma ang braso, at merong itinuturok sa ugat. Pero muka ba kong taong nagheheroin? At muka rin ba akong nagbabayad ng laman?
Natatakot man ako sa mga maiitim na ideya ng taong ito e ano ang magagawa ko para umalis? Nasa kalagitnaan pa laang ako ng aking gupit, ewan ko kung san ko ipareretoke ang buhok ko kung sakali.

Nasa larawan: Ako. Sa likod ko, ang barberong kamuka ni Lashley.
Nasa larawan: Lashley, ang wrestler na kamuka ni Abdi ang barbero.
Nagswap na laang kami ng Bahasa at Tagalog lessons. Ano raw sa Philippines ang ‘darling’? Sa Bahasa e ’sayang’. Sabi ko sa atin e ’sinta’. Yun na kasi ang pinakamalapit na Tagalog. Wala mang gumagamit na nito, e ito ang tagalog kaya ito sinabi ko.
"I love you".
"Mahal kita."
"Aku cinta (tsinta) kamu."
Inulit-ulit nya yung ‘mahal kita’ at ’sinta’. Tapos e, itinigil niya ang paggugupit, itinikom ang kamao, inunat ang gitnang daliri at minustra sa ‘kin ang katagang gusto niyang matutunan. "Fuck!"
"Kantot!" sagot ko.
"Ssssh!" sabi sa kin ng barbero. Yun rin pala ang tawag sa kanila nun. At tawa kami ng tawa.
"Mahal kita. Kantot!" sabi ni pare.
At kung saan-saan pa napunta ang usapan namin. Nagustuhan niya yung t-shirt ko ni batista. Sabi ko magnegosyo kami sa Enero pagbalik ko. Sabi niya mahina raw ang negosyo pag Enero,. Malakas raw e November.
"November Rain," sabi niya.
"Yeah, November Rain! Kamu mau Guns N’ Roses? (Do you like Guns N’ Roses?)," tanong ko. "Saya mau GNR!"
"Saya mau Guns N’ Roses."
Gitarista pala siya. Sabi ko kumakanta ko sa Pinas. At ayun sabi niya siya raw si Slash at ako si Axl Rose. Sige na, Slash at Axl. Nung inaahitan na niya ko gamit ang labaha e gamunggo ang pawis ko. Baka gilitan na laang ko ng leeg nito.
Pero buhay pa naman ako para maisagawa ang entring ito. Ewan ko knug panahon na para maghanap ng iba pang barberya. baka pagbalik ko run e lagyan na laang ako ng ganja sa bulsa at singilin ng mas mahal sa Rp 10 000 sa gupit.