Archive for June, 2006

ang finger food

Friday, June 30th, 2006

Isa sa mga sinabi sa ‘kin ni Clyde Rebadulla e masarap ang pagkain rito sa Indonesia. Nakapagtrabaho siya rito ng ilang buwan rin.

(Nasi soto -squid)

Sa orientation namin tungkol sa pamumuhay Indo e normal sa kanila ang magkamay sa restoran o fastfood. Makikita mong merong mga puswelo ng tubig kung saan sila naghuhugas bago kumain.

"Walang big deal," sabi ko. Ganun rin naman ang mga Pinoy sa bahay. Okey laang. Pero nung sinabihan kaming, dito e ayos laang yung merong maligaw na daliri sa ibabaw ng plato pag nagserve at dumutdot sa pagkain, e medyo napa-ugh ako. Pero sa isip-isip ko e ayos lang rin siguro. Massanay rin.

Noong unang gabi ko e pinadalhan kami ng eskwelahan ng nasi goreng seafood (fried rice with seafood). Kaputang kasarap!

Noong ikalawang gabi, matapos naming mag-internet ni Jun, e dun sa malapit sa warnet (internet shop) kami kumain ng nasi goreng. At kamputa, yung naglulutong lalaki e kumukurot ng kanin sa kawaling pinaglulutuan niya at tinitikman ang pagkain on the spot. At yung mga tsitsaron na ibinubudbod sa ibabaw e kinakamay.

"Pwede bang subuan mo na laang ako? Tutal, ganun rin naman," sabi ko.

Nung sumunod na gabi e sumubok naman kami sa GP Mart, grupo ng mga tindahan, malapit rin sa warnet, pero iba pa sa kinainan namin nung isang gabi. Si Jun e ayaw nang sumubok at bumili na laang ng instant noodles.

Ako, mala-Ian Wright ng Lonely Planet, e sumige pa rin. Namputa, mas brutal kung humawak ng pagkain yung aleng nagbenta sa ‘kin. Mas malaking bahagi ng daliri niya ang pinanghawak niya sa tsitsaron at ibang sahog. At hindi uso ang pasu-paso sa mga ‘to. Umuusok pa yung itlog na pinrito e hinahawakan na at sinasalansan sa ibabawa ng pina-take out (bungkos) kong nasi goreng. Da best na regalo sa mga ‘to e gwantes na plastik.

Habang kinakain ko ang nasi goreng (nasa itaas) iniimagine ko na laang na hindi ito namolestya ng isang bubaeng hindi ko kabisado ang hygene practices. 

Heto ang naisip naming gimik ni Jun, bumisita sa mga kasamahan namin, para makikain at luto. Hehe. Pero pagdating ng mga housemates namin sa July 2 e mamalengke na kami at papaluto sa maid. Sana e hindi rin hawakan.

ang pananalaping rupiah

Friday, June 30th, 2006

Pag nawalan ka ng 1000 rupiah (rp) e balewala rito. Mawalan ka ng P1000 e ikasisira na ng budget mo sa isang payday.

Dito e milyunaryo ako sa sweldo ko buwan-buan. Pero kumustahin mo naman ang halaga ng salapi rito. Ang isang dolyar e P54 (estimate na laang para divisible by 9) sa atin. Sa kanila ang $1 e 9000 rp. Kaya ang 1000 rp, e P6 laang sa ‘tin. Hindi pa sapat para makapasahe nang minimum sa jeep, kahit magpanggap kang estudyante, tulad ng gimik ko noon.

Ang internet rito e 5000 rp kada ora. Ang becak (kanilang tricycle) mula sa bahay namin sa Blok Enam Nomor Enam (Block 6, Number 6) hanggang warnet (internet shop) e 5000 rp rin. Ang pagkokonvert ng pera. Tanggalin mo yung tatlong zero sa hulihan. Imultiply mo ng anim. Iyun iyon sa piso.

Dito e nagawa ko ang isang hindi ko nagawa sa buong buhay ko sa Pinas, ang bumili ng bagong cell phone. Pag nagpalit ako, yun e pinaglumaan ni Meina. Nakaroaming ang aking Globe (kaya yung mga namimiss ako e piso laang text ninyo, mga hayup), pero mahal ang reply ko sa halagang P25. Ang ginawa ko e bumili ako rito ng Nokia 1100 na pag kinonvert sa ‘tin e mura. Ang text ko gamit ang Indonesian sim ko (Telkomsel) e 600 rp.

Bigyan ko kayo ng Math word problem. Magkano ‘to sa Pinas?

Kaya kung mailulusot ko sa customs, e alam na ninyo negosyo ko sa Pasko, pag uwi ko. Itabi ninyo na ang mga 13th month at bonus ninyo. Order laang kayo sa akin. Mas murang di hamak dito ang cell phone.

Ilang mga katagana natutunan ko na me kinalaman sa pangangalakal, atbo.

Magkano? -berapa harga?

Mahal- mahal

Eto ang ilang mga bagay at ang presyo sa kanila:

nasi goreng -fried rice 6000 rp (sa average)

kandilang spermang puti (brown out kagabi) -500 rp.

itlog na hilaw -1000something rp (tangkamahal!)

pulsar (load) -merong mga tig-20000 rp, pataas

Paglaon e matutunan ko rin ang sistema ng pananalapi ng mga ‘to. Medyo mahirap pang magbudget dahil hidni ko pa kabisado. Sa oras na mabihasa ko ‘to e kakambyo ko sa kuripot mode.

ang medan

Tuesday, June 27th, 2006

ang binili ko sa salaping ibinigay sa akin ng briton

Sa natitirang pera sa ‘kin ng Briton e bumili ako ng keychain sa airport ng Malaysia bago lumipad patungong Medan.

sa airport ng medan

Nalibang ako sa pagtingin-tingin sa magasin ng Malyasia at hindi ko napunang papalanding na pala kami ng airport ng Medan. Bacao! Unang pumasok sa isip ko e ang lugar na ‘to kung saan dumadaan ang mga taga-Tamzang umiiwas sa traffic sa Salinas. Puro puno at damo ang paligid. Ang airport nila e yung tipo ng mga airport na uupahan ni Indiana Jones ang lasenggong piloto para makapunta sa isang bansa ng kanyang adventure. Namputa, parang bus terminal laang ng Bicol ang itsura ng airport. Hindi ako magugulat kung me makikita akong gumagalang aso sa paligid. Tangkagulo yun. Malasabungan. At ang officer sa immigration, kamputang kasunget. Yung mga passport kung isoli e iniitsa sa ‘yo na para laang lumang dyaryong isinosoli. At ang bagahe, nako, huwag kang magdadala ng babasagin at kung ilapag e mas me ingat pa ang mga skwater na nagtatapon ng basura sa ilog. Ang mas maganda e huwag ka nang magdala ng kahit ano, babasagin man o hinde, dahil manatili ka na laang sa Pinas. Wala kang mapapala sa lugar na ‘to.

Bote ng softdrinks pa laang e hindi ka na gaganahan sa buhay. Namputang tansan yun, parang pangbote ng patis.

Mga isang oras pa kaming naghintay sa sundo namin sa airport. Ito ang labas. Kala mo laang LTO sa Noveleta ang labas nito.

Pero sa simula laang naman ang ganitong pagkabad trip dahil okey naman ang lugar namin sa housing comples. Magaganda’t malalaki ang mga bahay rito. Mga ganito ang bahay rito at nagpi-feeling taga-Alabang Village ako rito.

ang sulpakan ng mga gadget sa indonesia

Alam ninyo yung mga sulpakang bilugan ang dulo, yung tipong manghihiram ka pa ng adaptor at hassle pag naiwala? Meron palang mga bansang gumagamit ng mga ganung ploug. Indonesia. Nadeadbat ang baterya ng kamera ko, mp3, at cell phone. Nanghiram pa ko sa katulong namin ng charger para maicharge ang cell phone ko.

Pero nasolusyunan ko yan nung pumunta kami sa town proper. Nabili ko to sa halagang P60 sa ‘tin. Bukas, ipapaliwanag ko ang pananalapi ng mga Indones.

ang indonesian big brother

Ang bahay na ‘tong mala-Pre-school ang itsura ang tinitirhan ko. Me mga kasama akong apat na lalaki rito. Housemates ko. Yung tatlong datihang guro e mga hindi pa dumarating galing bakasyon. Yung isa, si Jun, e gabi dumating. Badinger-z ang kasama ko, pero okey laang. Ayos yun, para me nagpapatawa. Na-creep out nga laang ako nung nanood siya ng Brokeback Mountain sa mga naiwang DVDs dun nung unang dating niya nung gabi.

Yung tatlong darating e hindi ko pa namimeet. Sa July 2 pa raw ang dating ng mga yun. At mukang isa sa mga yun e katribu ni Jun, yung me-ari ng Brokeback at Transamerica.

ang medan

Tuesday, June 27th, 2006

ang binili ko sa salaping ibinigay sa akin ng briton

Sa natitirang pera sa ‘kin ng Briton e bumili ako ng keychain sa airport ng Malaysia bago lumipad patungong Medan.

sa airport ng medan

Nalibang ako sa pagtingin-tingin sa magasin ng Malyasia at hindi ko napunang papalanding na pala kami ng airport ng Medan. Bacao! Unang pumasok sa isip ko e ang lugar na ‘to kung saan dumadaan ang mga taga-Tamzang umiiwas sa traffic sa Salinas. Puro puno at damo ang paligid. Ang airport nila e yung tipo ng mga airport na uupahan ni Indiana Jones ang lasenggong piloto para makapunta sa isang bansa ng kanyang adventure. Namputa, parang bus terminal laang ng Bicol ang itsura ng airport. Hindi ako magugulat kung me makikita akong gumagalang aso sa paligid. Tangkagulo yun. Malasabungan. At ang officer sa immigration, kamputang kasunget. Yung mga passport kung isoli e iniitsa sa ‘yo na para laang lumang dyaryong isinosoli. At ang bagahe, nako, huwag kang magdadala ng babasagin at kung ilapag e mas me ingat pa ang mga skwater na nagtatapon ng basura sa ilog. Ang mas maganda e huwag ka nang magdala ng kahit ano, babasagin man o hinde, dahil manatili ka na laang sa Pinas. Wala kang mapapala sa lugar na ‘to.

Bote ng softdrinks pa laang e hindi ka na gaganahan sa buhay. Namputang tansan yun, parang pangbote ng patis.

Mga isang oras pa kaming naghintay sa sundo namin sa airport. Ito ang labas. Kala mo laang LTO sa Noveleta ang labas nito.

Pero sa simula laang naman ang ganitong pagkabad trip dahil okey naman ang lugar namin sa housing comples. Magaganda’t malalaki ang mga bahay rito. Mga ganito ang bahay rito at nagpi-feeling taga-Alabang Village ako rito.

ang sulpakan ng mga gadget sa indonesia

Alam ninyo yung mga sulpakang bilugan ang dulo, yung tipong manghihiram ka pa ng adaptor at hassle pag naiwala? Meron palang mga bansang gumagamit ng mga ganung ploug. Indonesia. Nadeadbat ang baterya ng kamera ko, mp3, at cell phone. Nanghiram pa ko sa katulong namin ng charger para maicharge ang cell phone ko.

Pero nasolusyunan ko yan nung pumunta kami sa town proper. Nabili ko to sa halagang P60 sa ‘tin. Bukas, ipapaliwanag ko ang pananalapi ng mga Indones.

ang indonesian big brother

Ang bahay na ‘tong mala-Pre-school ang itsura ang tinitirhan ko. Me mga kasama akong apat na lalaki rito. Housemates ko. Yung tatlong datihang guro e mga hindi pa dumarating galing bakasyon. Yung isa, si Jun, e gabi dumating. Badinger-z ang kasama ko, pero okey laang. Ayos yun, para me nagpapatawa. Na-creep out nga laang ako nung nanood siya ng Brokeback Mountain sa mga naiwang DVDs dun nung unang dating niya nung gabi.

Yung tatlong darating e hindi ko pa namimeet. Sa July 2 pa raw ang dating ng mga yun. At mukang isa sa mga yun e katribu ni Jun, yung me-ari ng Brokeback at Transamerica.

ang toothpaste

Saturday, June 24th, 2006

ang manibelang malaysia

Pagdating namin sa Malaysia Airport e merong sumundo sa amin na magdadala sa min sa hotel na titigilan namin para sa gabi. Kasabay ko si Jamie na mag-iindonesia rin, isang Vietnamese, at isang Chinese na bakasyon sa kanilang eskwela. Tinulungan nung driver yung mga estudyante sa paglalagay ng kanilang mga bagahe sa likuran ng kotse. Sa harap sana ako sasakay. Nung binuksan ko ang pinto e sa kanan pala manibela. Gulat yung driver. Kala siguro itatakas ko yung kotse.

Mga 20 km rin pala ang layo nung hotel. Pero walang trafik dahil express way yun. Para akong nag-Coastal Road. Kaso nasa kabilang side kami ng kalsada. Naranasan ko na rin to sa Hong Kong dati, pero iba pala pag katabi ka ng driver. Weird.

Maganda naman yung hotel. Buffet sana ang dinner namin, pero dahil late ang dating namin e tapos na ang setup. Siempre nag-insist kami sa dinner. Binigyan nila kami ng dinner. At set pa nga. Veggie salad muna na merong thousand island dressing. Tapos, cream of chicken soup. Fish and chips sa main course. Sundae pagkatapos. Kape. At sa buong meal e dada nang dada si Jamie, ang kasama ko. Ang dapat sana e pagdiriwang ko ng dinner with Meina, e napaltan ng kakatamad at dada nang dadang ‘kadeyt’. Buset.

At naglakad-lakad kami sa palibot ng lugar. At hindi natahimik ang tenga ko dahil kasama ko si Jamie.

Eto ang isang ad ng McDo dun. Kakaiba yung isang pagkain. Lapar? Ano kaya yun, "hungry?"

Nung bumalik kami ng hotel e lumabas uli ako para makagala nang matino. 

- - -

Hindi pala kasama sa usapan ng hotel na tinutuluyan ko sa Malaysia ang toothbrush at toothpaste. Meron akong sipilyo, pero ubos na ang toothpaste ko.

Baba ako sa lobby

"I didn’t find a toothpaste and toothbrush in my room. Isn’t that included?" tanong ko sa attendant sa front desk.

"It isn’t."

Tinanong ko kung pwedeng bumili dun sa kanilang shop na sarado na.

"It is already closed."

"But I need one. Isn’t there another place where I can buy?"

"7-Eleven, sir. Ten to fifteen minute walk."

"Could you tell me the direction?"

"It’s far. You might get lost."

"Could you skecth a map for me?"

"I’ll just send a taxi for you."

"I don’t wanna pay for taxi fare to buy a toothpaste."

"I’ll send a shuttle for you then."

"Okay…."

"You don’t need to pay."

"And how much for the internet again? 10 RM/ hour, right?"

"Yes."

At nagkwentuhan kami saglit tungkol sa paigin Filipino ko at sa aming mga lenggwahe. Sabi ko merong mga salitan halos pareho, tulad ng buka (open), kaso sa Filipino e bukas. Sakit is the same.

"So everything ends with ’s’? Sakits."

At pinaliwanag kong hindi gayon. At dumating at shuttle.

"Buy me a Coke."

Yun pala ang presyo ng pagtulong niya. At sa kanila ang Coke na 500 ml e 2 RM na parang P14 yata pag kinonvert mo sa peso.

Sa 7-Eleven e nangangapa ako sa apgbabayad, Hindi ko na-add agad nang tama ang 3.60 RM at 2 RM.

"Lima na," sabi ng crew.

Lima? Pareho sa ‘tin. Lima na. Pagtinin ko e 5.60 RM pala. So, yung na e sisenta sentimos.

Pagbalik ko sa lobby e iniabot ko sa kanya ang Coke.

"Here’s a Coke for you my friend."

"Thanks."

"How about the internet?"

"That way. Second door."

"How about if I just use it for thirty minutes? Will that be just 5 RM?"

Yun pala kaya libre e computer ng opisina nila yun at walang tao. Gagarnatsahan pa sana ko nito. Pero dahil ibinili o sya n Coke e libre na.

Dito ko nagamit ang pera ng Kano. Me natira pa. Papakita ko ang nabili ko sa natirang salapi sa susunod na entry.

062406

Friday, June 23rd, 2006

Ngayon ang araw ng pag-alis ko. Ngayon rin ang 4th anniversary namin ni Meina.

I love you, Meina. Happy 4th anniversary. Lam ko magkakalayo tayo… Yada yada.

Eto ang aking itinerary:

1:00 pm -check in sa NAIA

3:00 pm -pagsakay

4:40 pm -paglipad patungong Kuala Lumpur, Malaysia

8:30 pm -pagdating sa KL

6:00 am -gising

6:30 am -kain, ligo

7:00 am -layas

8:55 am -lipad papuntang Medan, Indonesia

ang espesyal na siopao sa airport

Siempre e hindi na kelangang ipaliwanag na mahal ang bilihin sa airport. Sa halagang P65 e espesyal na siopao ang binili ko. At ito na ang espesyal. Pano na kaya yung hindi? E di kasingkapal ng encyclopedia ang puting tinapay nun.

ang pangungubkob ng kanong actually e briton

Pinareserba ko noong nagpabook ako ang upuang 9F para nasa tabi ako ng bintana. Pero aba, pagdating ko e merong Kanong  naglilimlim sa hiniling kong upuan. At siempre e tinawag ko ang atensyon ng stewardess para ilagak ako sa wasto kong pwesto.

"That’s my seat," sabi ko sa stewardess at sa Kano (actually e Briton pala).

"I got 9F," sagot ng Briton.

At pinakita ko ang aking boarding pass bilang patunay na ako ang nararapat na may-ari sa naturang upuan. At tumingin laang ang stewardess. Papaboran niya ba ang kapwa Asyano o maninikluhod siya sa isang taga-Kanluran?

"For the meantime, sit on 9E first while I straighten this out," sabi niya sa ‘min.

At masama ang loob na iniupo ang aking sarili sa pagitan ng Briton at Instik. Napagmasdan ko yung Kano at base as kanyang suot na shirt na pang-soccer e Briton ito at hindi Kano. Kamuka pa ni Jason Statham.

"I got 9F," sabi ng Briton. At pinakita niya ang boarding pass niya.

"How can that be? I got 9F, too. They screwed up the numbers."

Dapat e tingnan nila sa kanilang rekord kung sino ang nagpareserba ng 9F, at makikita nilang ako ang ang nararapat na may-ari.

"If there’s another guy who got 9E, I will take that seat. I don’t want anybody sitting on my lap."

"Do you want to swap?"

"It’s okay. Let’s wait for the stewardess to straighten things up."

At nagpakitaan uli kami ng boarding pass. Mukang 9E yung sa kanya, kaso e natakpan ng stamp ang ‘E’ niya. Hindi na bumalik yung stewardess. Narealize siguro nung Brit na sa kin talaga ang upuan.

"You wann swaP? I don’t like this seat anyway."

At nagpalit kami.

Naisagawa ko na rin yung sinasabi kong magdadrama ako sa bintana ng eroplano.

Nung lumaon e nagkakwentuhan kami nung Briton tungkol ke Pacquiao, Singapore, Malaysia, mga kalamidad sa Indo, at yung girlfriend niyang Pinay na taga-Las PiƱas. Nanganak pala to kaya siya pumunta ng Pinas.

Maya-maya e kinuha niya ang wallet niya at dumukot ng mga peso. P380 rin lahat yun. Iniabot niya sa kin.

"Are you giving this to me?" tanong ko nung naisip ko ang gusto niyang mangyari.

"Got no use for it anyway."

"Thanks."

Pagbaba ko sa airport ng Malaysia, e pinapalita ko sa ringgit ang P300 ko. At ano mabibili run? Nasa susunod na blog entry ang storya.

ang bagong kotse

Friday, June 23rd, 2006

Malamang e meron sa inyong nag-iisip kung ano nangyari sa kotseng nawarat. Dapat noon ko pa naipost ‘to kaso lagi kong nalilimutan/ napapabayaan. Baka curious kayo, kung ano ang binili ng ama ko.

Merong nagbebenta sa kanya ng mga second hand. Okey rin yung mga deal. Meron ring pwede sa pamamagitan ng loan sa school. Ngayong paalis na ko e bad trip namang hindi ko maituloy ‘to. Nasa bahay ang file ng larawan. Oras na umalis ako e wala nang pagkakataong iblog ‘to. 

Ito ang kanyang napagdesisyunan.

Kung nagtataka kayo kung bakit parang kapareho rin, e yun e dahil pinaayos niya ito, pinapalitan ang kulay dahil malas raw ang itim, sa halagang pwede na sanag ipang-down paymeny sa isang second hand. Akala ko e makakupo na pwet ko sa ibang sasakyan. Hindi rin pala.

ang peste

Thursday, June 22nd, 2006

At bukas e lilisanin ko na ang bansang ito para sa isang bansang binaha’t ni-landslide kelan laang. Dagdag pa to sa listahan ng mga kalamidad na pumepeste sa kanila.


Cue: Music na Granada ni Yoyoy Villame.

Lindol, bulkan, baha, tsunami, landslide, granada!

At hindi laang ‘yan ang bibisitang peste sa kanilang bansa. Ito:

Sasakupin ko ang kanilang sansinukob at aangkinin ito bilang akin. Indonesia, humanda kayo’t malalasap ninyo ang sakunang higit pa pinsalang inabot ninyo sa lindol, bulkan, baha, tsunami, landslide, at granada. Pinsala sa kukote at moralidad.

sinesinukob # 21: take the lead

Wednesday, June 21st, 2006

"I think I’m not made for dancing," sabi nung babaeng magdedebu na nagpapaturong sumayaw ke Banderas.

"Do you love dancing?" sagot nito sa porma ng tanong rin.

"Yes."

"Then, you’re made for dancing."

Kung ganun laang sanang kadali. Gusto kong sumayaw, pero di ko magawa (ala kanta ng Death Threat). Si Meina e magaling sayaw. Pag nakita ninyo siyang sumayaw e para na rin kayong nakakita ng diyosang lumakad sa lupa, parang apoy na nagngangalit sa kandila, parang silk na kurtinang na umaalon pag pinapagpagan ng alikabok (Huwag ninyo laang pakakantahin dahil kahit yata Happy Birthday e isasablay niyan)… Alam ninyo na ang ibig kong sabihin.

Sa pagkakaron ng Meinang ganito e para na ring naging kapatid mo si Michael Jordan. Natural laang na magpaturo ka, di ba? At sa mga pagsubok kong sumayaw sa ilalim ng kanyang pagtuturo, ang tanging natutunan ko laang e mabawasan ang pag-apak sa paan ng katambal ko. Hindi ito masisisi ke Meina. Wala sa guro ang problema, nasa estudyante.

"Para kang Worm Voltron," sabi niya.

Palitan ninyo ng bulate ang bawat isang sasakyang leon at maiiintindihan mo ang ibig kong sabihin. Bawat bahagi ng katawan ko e malabulate sa likot. At ang mala-apoy na pagsasayaw ni Meina e pinapatay ng malayelo kong pag-indayog na sablay.

"Yey! Tingnan mo ang palabas," sabay turo sa poster ng Take the Lead.

"Nako, mangungulit ka laang sa sinehan niyan."

At ang ibig niyang sabihin e noong huli kaming nanood ng Havana Nights kung saan binuksan ko ang tatlong tuktok na butones ng polo ko dahil ginagaya ko si Diego Lunang bida nun. At laging sa bewang at hita ang hawak ko sa kanya na para bang isasayaw ko siya lagi. Nagmakaawa ako sa laylayan ng pantalon niya at nakiusap na manood kami.

"O sige. Pero sa isang kundisyon. Huwag mong bubuksan ang polo mo para magpakita ng dibdib. At huwag mong gagayahin ang accent ni Antonio Banderas."

"Sige. At saka baka naka-t-shirt naman ako pag nanood niyan."

Ano ang solusyon para sa mga estudyanteng laging nadedetention? Sagot ni Pierre (Banderas) e ballroom dancing. Panong tuturuan ng gayong sayaw ang mga taong ito na malamang e madalas mag-cutting classes, magmarihuana sa banyo, etc.?

Parang Dangerous Minds + Dirty Dancing pala ‘to.

Sabi ko malabong mangyari ‘tong maturuan mo ang grupong ito ng mga kabataang hindi mo magagawang mapakinig sa Nat King Cole ng sampung segundo. Para mo na ring sinabing matuturuan mo ang mga estudyanteng ‘to ng Media Arts na magpakatino sa pamamagitan ng animationg walang drawing table.

Pero, base pala sa isang tunay na tao’t pangyayari ito kaya’t posible pala nga.

Ito e tungkol sa propaganda ni Pierre Dulaine, isang guro, mananayaw, at kumpetitor sa mga paligsahan ng sayaw. Habang ang iba e maiiisip na magkostyum at magmaskara at sugpuin ang krimen pag merong libreng oras, pinili niyang baguhin ang moral ng kabataan sa pamamagitan ng sayaw.

Minichelle Pfiffer ni Pierre ang mga kabataan at natuto silang gumalang, magmahal, magteamwork, etc. sa panahong sila e nasa detention at nagsasayaw.

Ang isa sa dalawang paborito kong sayaw rito e yung pangfinale nung mga bida sa paligsahan kung saan nag-menage a trois na sayaw ang mga bida (kasama rito yung Pinoy na si Dante Basco) laban sa kalulupit na sumayaw na kalaban. Threesome sa sahig ang drama nung mga bida.

At simpre ang da best e yung ke Banderas at kung sinumang napakahusay na mananayaw na bubaeng yun (na siyang kalaban ng mga bidang estudyante). Ika nga nila nung nakita kung gaanong kainit sumayaw ng dalawa, "sex on hardwood!" Ito ang lebel ng sayaw na guto kong maabot.

At tinanong ko si Meina, "Am I made for dancing?"

"Do you like dancing?"

"Yes."

"Hindi ka pangsayaw. Ni hindi ka nga marunong magbisikleta e."

Ang naisip ko e mag-imbento na laang ng inflatable dance doll para makakapagsayaw pa rin ako kahit walang kapartner. Siguro bebenta rin yun kung ima-mass manufacture ko.

ang sapatos

Monday, June 19th, 2006

Bakit inaabot ng maghapon ang mga bubae sa paghanap ng sapatos? Ito lagi ang tanong ko tuwing sinasamahan ko si Meinang mamili ng sapatos.

Pag nakita ninyo ang mga muka ng mga boyfriend/ asawa ng mga babaeng namimili ng sapatos sa mga mall, matatawa kayo e. Alam ninyong iyon na ang pinakanakakabagot na bagay na kanilang nagawa sa kanilang buhay. Sa susunod na me makita kayong magshota/ mag-asawang naghahanap sa shoes sections, masdan ninyo ang muka ng lalaki. Mas bugnot ang muka ng boyfriend/ asawa, mas matagal na ang relasyon.

Pag ganitong sitwasyon e naiisip kong umupa ng lady sitter (galing sa The Man Show -iclick ninyo para mapanood ang video). Kaso hindi available to sa Pilipinas. Kahit nga sa West Virginia, Tenessee, at Utah, hindi rin e.

Pag nasa mall kami’t ganitong naghahanap kami ng sapatos, bawat hakbang ko e parang hakbang papuntang silya elektrika e. Buti sana kung nakakatulong ako sa pagpili ng sapatos. Kasi sa pagpili ng mga blouse, skirt, at pantalon e nakakatulong ako (uno grade nung fashion sketch book ko sa Uste sa Costume and Fashion Design) sa kanya. Pero sa sapatos -ugh! Amoy pa laang e sapat na para magtrigger sa akin ng masasamang alaala ng pagkabagot na tanging ‘feminine misery’  laang ang makapagdudulot.

Sa dalawampung minuto nakapili agad ako ng sapatos na leather na gagamitin ko sa pagpasok. Ganun kasbilis.

Sa babae kasi, parang napakaraming basehan sa pagpili. Nariyan ang itsura, kaalwanan sa paa, saan gagamitin, size (siempre), presyo, etc. 

E di makakakita siya ng maganda, kaso walang size niya. Tapos, meron pang mga shoe stores na walang half size. Pag merong okey ang sukat at hitsura, hindi naman pala komportable. Mabigat. Masakit ang tama sa daliri. Pag okey naman ang lahat nang ‘to, sobra pala sa budget.

Pag pumasa ang sapatos sa lahat ng nabanggit na basehan, sa tingin ninyo ba e bibilhin na niya? Aba’y hindi.

Kala mo namang magbabago hitsura mo sa sapatos laang.

Ang maganap ang pagkakaron ng mga katangiang hinahanap ni Meina sa iisang pares na sapatos e katumbas na rin ng pag-uugnay ng lahat ng mga planeta sa solar system sa isang tuwid na linya.

At bakit mas mura ang mga sapatos ng mga bubae kesa sa mga lalaki? Sa halagang P250 e makakabili ka na ng matino. E sa mga lalaki e baka kahit dila ng sapatos e hindi ka makabili. Laging lilibuhin. Siguro dahil laging bumiili ang mga bubae ng sapatos kaya nama-mass produce ito.

Bawat babae e isang Imelda Marcos. Ang pinagkaiba e broke ang mga ito, siya hindi.

"Wala namang masama kung mga 2000 na pares meron si Imelda. Meron naman siyang perang pambili. At saka yung iba run e regalo ng mga amiga niyang alam na mahilig siya sa shoes," paliwanag ni Meina.

At ano yung mga kalyo sa sapatos? Narinig ko sa mga kasamahan kong mga pawang babae ang usapan kung saan nagrereklamo sila sa mga kalyo at problemang beyong kalyo sa paa.

"E bakit nga ba problema ninyo yan? Wala pa kong naririnig na lalaking nagreklamo tungkol sa mga tama sa paa," tanong ko.

"Kasi nagmemedyas kayo."

"E di magmedyas kayo."

"Masagwa sa leather."

E di, magrebolusyon kayo! Ipauso ninyo ang medyas sa sapatos. Noon nga nag-burn the bra pa kayo sa ngalan ng women’s lib. Tapos, ‘tong simpleng pagmemedyas e hindi ninyo maisulong? Aba’y iligtas ninyong mga paa ninyo. Nasa gitna kayo ng paghahabol sa isang pelikula e titigil muna kayo para bumili ng band-aid o kaya e bunion guard (kung yun man ang tawag dun). Tapos, high heels pa. Pagkatapos ng araw, magrereklamo.

Nasa larawan: Elaine Benes (Julia Louis-Dreyfus) ng Seinfeld, ang dapat gawing bagong icon ng mga babae. Masdan kung paanong ang isang pares ng puting medyas e magiging maganda kung ikaw ay smarte’t witty tulad niya.