Archive for May, 2006

ang isyu ng tule (oo replay ‘to)

Wednesday, May 31st, 2006

Merong nagtanong sa ‘kin kung kelan raw ba nila dapat ipatuli ang anak nila. Grade 4, 5, o 6 raw ba? Dalawang linggo na laang e pasukan na naman kaya kung meron mang oras magpatule e ngayon na. Last stretch na ‘ika nga.

Nung Nobyembre e me sinulat na kong ganito, pero dahil wala pang maisulat nang matino e magrereplay ako ngayong summer. Sa mga matagal nang kasama sa sansinukob ko rito sa friendster at nakakapagbasa noon e replay sa inyo ‘to. Sa mga bago e para sa inyo ‘to.

Pero mala-Star Wars, ireremaster ko ang mga pictures nito. (Tagal matapos nung X-Men 3 na sinusulat ko. Di ko malaman kung saan ako magsisimula sa kalapastangan ng pelikulang iyon.) 

pagpapatule

Malayo pa ang summer break pero merong nagtanong sa ‘kin sa e-mail ko. (hardcorepoetry@yahoo.com). Si Mr.Scorpio 18 uli.

"Is it cool not 2 b circumsised? I watchd a uncircumsised porn star on DVD."

Papasensyahan uli ang mga wrong spelling at grammar ng ating one-armed computer user. Maraming nasusulat sa bibliya tungkol sa pagpapatule. Pero talakayin muna natin ito sa Pihilippine context.

Sa atin pag supot ka pa pagdating ng high school e malaking kahihiyan. Sa henerasyon ko ang pagpapatule e ginagawa karaniwan sa summer break ng grade 5 o 6 para merong malaking oras para magpagaling. Huwag kang magpapaabot ng 1st year high school nang hindi pa nababalatan sa tubo. Kumbaga e dapat nang sumulpot ang ulo ng ahas bago pa magsitubo ang mga damo. So, uncool talaga yun. Hindi mo na kelangan ng bible para sagutin ‘yan.

Nasa larawan: Mga batang bagong tule.

Pero kung supot ka pa’t naghahanap ng kakampi sa bibliya para hindi ka na magpatule e pag-aralan muna natin kung ano ang sinasabi ng Dios. Kelangan mong magpatule sabi sa Gen. 17:11. Malinaw?

Kelan ba dapat magpatule? Ilang taon ka ba dapat?

Dapat ay walong araw pagkapanganak sa iyo (Gen. 17:12) e patasahan mo na ‘yan.

At ang supot e hindi lang sa Pilipinas nakakahiya, sa bibliya rin. "Kung ikaw e hindi sumusunod sa mga alituntunin ikaw e para na ring supot. (Romans. 2:25)" At iiwasan ng lipunan ng mga tule ang mga taong supot (Gen. 17:14). Sa atin sa ‘Pinas ang iiwas lang sa ‘yo e ang mga babae kasi turn-off, pero gagawin ka namang tampulan ng pang-aalaska ng mga lalaki at kung anu-ano ang itatawag sa ‘yo. Kung ang pangalan mo e Santiago, baka tawagin kang "San-tago-ulo".

Kelangan palang magpatule habang baby pa. Pero teka, naiwanan na ba akong ng bus? Dahil 18 years old na ko.

Huwag kang mangamba. Kung tutusin e halos lahat tayo e huli na nang natule kung ang pagbabasehan e ang eighth day na kagustuhan ng Dios ng Lumang Tipan. Pero kung ikaw e naasiwa na at nahihiya dahil disiotso ka na, ito ang isipin mo, si Abraham e 99 years old na noong natule (Gen. 17:24)!

Nasa larawan: Abaham habang tinuturan ng anghel kung paano itule ang sarili.

"Patalasin mong mabuti ‘yang talim at baka tumalbog e mabulag ka pa," payo ng anghel.

Pero wag ka nang paabot ng 99 dahil ayon sa statistics noong 2000 ang average life span ng Pinoy e 67.5 years. (Nakaalphabetical order yun kung me panahon kang basahin). Mga me forty years ka nang patay kung papaabot ka ng 99.

Masakit yata. Baka naman mas madali pang mamatay na laang. Baka naman pwedeng ‘wag na? Madalas akong maglinis ng gilid ng ulo ko. At isa pa, mabait naman ako at nagsisimba.

Kung si Hesus nga nagpatule (Luke 2: 20-22), ikaw pa? Pero ‘wag mag-agam-agam kahit na ang Anak ng diyos e nagpatule rin, e hindi na ‘to gaanong sinusunod. Meron kang kakampi sa bibliya -ang Bagong Tipan. Hindi na mahalaga kung ikaw e tule o supot ang mahalaga e ang sumunod sa kanyang mga utos, etc.

Ha? Nakakalito naman. Akala ko ba sabi sa Lumang Tipan e dapat magpatabas ng balat ng ari. Ngayon naman sa Bagong Tipan e pwede nang wag na. Ano ba talaga?

Ang paraan para maintindihan iyan e ang pumasok ka sa isang relasyon sa isang babae -magkaroon ka ng girlfriend. By that, ang ibig kong sabihin e actual na girlfriend at hindi yung poster laang ni Carmi Martin.

Ganito ‘yan. Teka, me girlfriend ka ba? Meron ka bang mga pagkakataong hindi kayo magkaintindihan sa mga gusto’t ayaw niya? Kung gayon dapat e alam mo na ‘to.

Halimbawa: Sabi niya dati okey lang mag-inom ka paminsan-minsan. Isang beses nalaman niyang nag-inom ka. Nagalit siya sa ‘yo at sabi niya bawal mag-inom. Pero sabi mo, "Di ba sabi mo pwede?" Pag sinabi niyang hindi -hinde! Pag oo, oo! Ituring mo na lang na "the customer is always right".

Nakakalito ba? Ganito ‘yan. Ang Dios sa Lumang Tipan e parang girlfriend mo pag merong PMS, ang Dios sa Bagong Tipan e yung medyo sweety pero laging nanggi-guilt trip sa ‘yo.

Paano kaya? Parang hindi mo rin ako nasagot. Magpapatule ba dapat tayong lahat o pwedeng magtago na lang sa karimlan ang ulo ng Manoy ko na parang ostrich?

‘Wag ako o ang bibliya ang tanungin mo dahil ano’ng pakelam namin diyan? Babae ang tanungin mo dahil silang gagamit niyan.

Gandaarlene2 "Supot? Yuck! Uncool ‘yan. Hindi naman iyan bote ng Gatorade na "Do not accept if seal is broken. Ayoko ng anak na puro kupal."

Nasa larawan: kung sino mang babae.

bakit bano ang the davinci code

Friday, May 26th, 2006

Hindi mo ba maalis sa kukote mo ang disappointment sa panonood ng The Da Vinci Code? Tanong mo, paanong ang isang ‘magandang libro’ e hindi nagawa nang ayos sa pelikula?

Ito ang mga dahilan kung bakit sablay ang diskarte sa pelikula.

1. Direktor Ron Howard. Kanino ninyo pa isisisi ang pagsablay ng sandok sa palayok kundi sa taong ito? Dinarag niya tayo sa dalawang oras at kalahating pelikulang walang nagawang kundi ipakita sa ang The Last Supper sa mas advance na slide presentation kesa Power Point.

Kung si Quentin Tarantino siguro ang nagdirek nito e baka mas nabigyan niya ng buhay ang necrophiliac na palabas na ‘to.

Sampol:

Habang tumtugtog ang Jungle Boogie sa stereo ng kotse e nag-uusap sina Robert Langdon at Sophie Neveu…

Robert Langdon: You know what the funny thing about Europe is?

Sophie Nevue: What?

RL: The little differences. A lotta the the same shit we got there, they got here, but here they are a little different.

SN: Example.

RL: Well, in Amsterdam you can walk in a theater and buy a glass of beer. And I don’t mean any paper cup either. They give you a glass of beer, like in a bar. In Paris, you can buy beer at McDonald’s. Also, d’you know what they call a Quarter-pounder with Cheese in Paris?

SN: Royale with Cheese. I’m French.

Listen, you know what the funny thing about the US is? I was asking for a fag and somebody introduced me to a bloody transvestite.

RL: Yeah. Yeah. You don’t call cigarette a fag in the US. Listen, we gotta crack this clue.

Etc…

2. Tom Hanks. Nakalusot siya sa pagganap sa isang role ng isang mala-Russian na tumira sandali sa Terminal, pero dito sa The Da Vinci Code e nagmuka laang siyang cardboard standee na nakikita ninyo sa sinehan sa mga pinakitang pag-arte na muka siyang nag-iisip.

Sa libro e inilarawan ni Dan Brown ang bida bilang Harrison Ford in a harris tweed jacket. Malamang e Indiana Jones fan itong si Dan Brown at sa ke Ford niya ito inihulma. Habang binabasa ko itong libro e puro Harrison Ford na muka ang nakikita ko.

Nasa larawan: Harrison sa Indiana Jones.

E tanga ka pala e, nubenta anyos na si Harrison Ford.

Narinig mo na ba ang ideya ng prosthetics o kaya special effects? Kung kaya nilang patandain ang isang artista, kaya rin nilang pabatain.

Kaya nga nilang gawing mataba si Martin Lawrence sa Big Momma

at gawing mukang bubae si Robin Williams sa Mrs Doubtfire, pero gawing mukang bata si Harrison Ford e hindi?

Kung napanood na ninyo yung X-Men 3 kagabi e alam na ninyong nagawa nilang pagmukaing bata si Magneto dun sa flashback. (At naalala ko -shet! Buset na X-Men yan.)

Kungsabagay, malilito ang mga tao kasi nakita na nilang natagpuan ni Indiana Jones yung Holy Grail sa The Last Crusade, tapos hahanapin niya pa uli yung ‘tunay na Holy Grail’. Anong susunod, hindi pala si Magdalena ang Holy Grail, kundi si Mary na kanyang nanay?

3. Kontrabida. Masyadong give-away ang pagkukutsaba nina Magneto at Dr Octopus para ilabas ang katotohanang si Hesus e nagkaanak ke Magdalena. Kahit grade 2 e maiisip na magkakampi sina Magneto at Dr Octopus. Isama pa ninyo si Darth Silas bilang assassin. Kulang sa subtlety. Maamoy mong Hudas si Magneto, at kakampi niya si Octopus na merong kasamang assassin sa Star Wars.

Dr Octopus na nakadisguise bilang obispong nangmomolestya ng bata. Tinatawagan niya si ‘Teacher’ Magneto.

Dr Octopus na hindi nakadisguise habang nasa aktong mangungulangot.

Si Magneto na ginaya ang gimik ni Prof. X na kunyari e pilay. Ipinapaliwanag niya ke Sophie kung gaano siya kasikat sa paglalaro ng Rubik cube noong 80s.

Si Magneto sa costume niya habang nag-iisip kung paano uutakan si Langdon.

Dahil hindi gaanong maputi ang damit na kanyang pinalaba, pinarusahan niya ang membro ng Priory of Scion sa pamamagitan nang pangma-Magneto sa iron content ng dugio niya.

Si Darth Silas pagkatapos magpolbo sa muka sa costume niyang monk.

Si Darth Silas pagkatapos maghilamos at tanggalin ang polbo sa muka at nagawang ibahin ang kanyang monk costume sa isang Jedi assassin costume. Pagkatapos maghilamos e makikita ang mga peklat sa muka na kanyang pinakakatagu-tago. kaya pala laging naka-hood.

Sino ang hindi magsususpetsang magkakasabwat ang tatlong ito?

Kungsabagay, bakit gagandahan mo pa e kikita rin naman ‘tong pelikula kung bawat isang bumili ng libro e manonood?

sinesinukob # 18: the da vinci code

Friday, May 26th, 2006

Sa tingin ko naman e napanood na ninyo ang The Da Vinci Code, taga-Maynila man kayo o hinde. Sampung araw na yata ‘to sa sinehan e. At aba -maraming tao. Pila sa Alabang Town Center kung saan kami nanood.

Ganun kasi sa ATC, dapat maaga pa laang nandun ka na para bumili ng tiket dahil nagkakaubusan. At kung meron ka namang tiket, e maghahanap ka naman ng upuan. Ngayon kung ikaw e handang manood na tigsasampung upuan ang pagitan mo at ng mga kasama mo, e pumasok ka sa eksaktong oras. Ito ang natutunan namin sa mga karanasan namin doon. Kaya trenta minutos bago magsimula e nakapila na kami na para bang inaabangan namin si Hesus para magpainterbyu kung totoo nga ang mga bintang o hine.

Ang Upuan sa Sinehan

At yes, sa ika-labintantlong upuan ako nakaupo. Bente-siete ang upuan sa gitna, kunin ang median, at iyon ang pinakagitnang upuan -ang upuang magbibigay sa iyo ng pinakamagandang view pwera na laang kung uupo sa harapan mo si Marge Simpson.

Pero malas rin ang pagkakaupo ko dahil ang tumabi sa akin e isang lalaking mukang enrolled sa Fitness First. Sino ang me oras mag-gym? Pag me trabaho ako at me perang pang-gym wala akong oras. Pag wala akong trabaho at san tambak ang oras ko sa mundo, wala naman akong perang pang-gym. Kaya ganto ang katawan ko.

At ano na nga bang sinasabi ko? A… yung lalaking malaki ang katawan. Ewan ko knug pinaglihe sa gunting ang taong iyo pero nagsi-seat trespassing na siya nang hindi niya namamalayan. Encroachment ng air space yun. Lampas sa invissible na linya yung hita niya. Tuwing mapapagalaw ako nang konti sa kanan e nakadaiti na agad ang hita niya. Grrr… Kung hindi laang mahrap humanap ng upuan.

At anong mapapala mo sa panonood nitong librong nabasa mo na? E di wala. Yung mga nakapanood ng mga pelikulang binase sa linro e alam ang sinasabi ko. Hindi naman ganap na mawawala ang ’suspense’ o thrill sa panonood ng pelikula kahit alam mo na ang storya. Yung mga diehard ng Harry Potpot e naiiintindihan kahit papano ang sinasabi ko.

Halimbawa:

Alam na alam mo na maghihirap at mamamatay si Hesus sa The Passion of the Christ, pero bakit nagandahan ka pa rin? E alam na alam mo na ang tamang pagkakasunod nito. Dasal sa hardin, aresto, paglilitis, paghahagupit… krusipiksyon, pagkabuhay. Pero kahit ganoon e nagagandahan ka pa rin, di ba?

Sa average na tatlong page kada chapter e hulmang-hulmang sa isang pelikula ang kwento -pangHollywood crap talaga. Ito ang akala mo. Dahil sa oras na mapanood mo ‘to e iisipin mong, "Ha? tapos na eksena nila sa The Louvre?" -ang tanging dahilan para panoorin mo ‘to.

Dahil sa banong pagkakalarawan ni Dan Brown sa mga lugar sa libro e hindi mo maiiimagine ang itsura ng mga ‘to. Yung mga lugar na nakita ko sa website niya e kaga-grand ng mga itsura. Pero dahil sa kabanuan niyang magdescribe (subukan mong basahin ang unang chapter ng Pere Goriot ni Balzac at maiiintindihan mo ang ibig sabihin ko ng magaling maglarawan) e papaltos ang imahinasyon mo.  Iyon na nga laang ang mahihita mo e hindi pa magaling pagkakagawa.

Nasa larawan: Tom Hanks at Audrey Tatou sa harap ng Mona Lisa para ipaalala sa ating Oo nga pala, The Da Vinci Code nga pala pamagat nito.

Audrey: Tom, look. Who do I look like?

Tom: I don’t get it.

Audrey: Mona Lisa.

Tom: Hey stop clowning, I see Ron yelling "Let’s shoot, ye sons of bitches".

Tapos sina Tom Hanks at Audrey Tatou pa e hindi magaling rito. E hindi mo rin masisisi e talagang ganun laang ang pinakapwede nilang gawin sa buong pelikula, hindi dahil sa kakulangan sa kakayahang umarte, kundi sa kakulangan ng IAARTE. Ilang beses kumunot ng noo si Tom Hanks para magkuwang nag-iisip?

Sa Shooting ng The Da Vinci Code

Direktor Ron Howard: Tom, furrow your brow.

Tom Hanks: You mean like this?

RH: Not like that -that’s what you did for the Madonna-of-the-Rocks scene. Try another way of doing it. You know calibrate it a little, like temperature on an air conditioning unit. Not everything is on super cool. You got fan, and low cool.

TH: This scene demands what?

RH: This is the part you discover Magdalene’s alleged grave. Give them super cool.

TH: Wait. By super cool, do you mean cool is low-key acting, and fan is high-key acting.

RH: No, low is high, and high is low.

TH: What?

RH: Never mind, Tom.. Just do it your way. Never mind. The fans won’t notice any way. I’ll just shoot below the ground because you looking like you figured it out isn’t clear enough. The stupid fans will miss it. Remember there are illiterates who will watch this. So what I’ll do is show Magdalene’s tomb underground -that it’s there all the while. For the sake of the illiterates.

TH: Whatever you say, Ron. Wait, you mean Magdalene’s tomb is there all along? I didn’t understand it in the book. Or the script. 

Para ka talagang maeengot sa ending na yun e.

Ang problema kasi e nawala yung thrill nung kasabay kang nag-iisip para sa clues, isang bagay na nagpaganda sa libro. Tapos ang mga diskusyon e maikli laang kaya mabibitin  ka laang. Ang ending nito e babasahin mo uli ang libro kung nabasa mo na ‘to at bibili, hihiram, magnanakaw ka naman kung hindi mo pa nababasa. Kung a/illiterate ka naman (O wala ka laang oras na maaksya), e papakwento mo na laang.

Suma tutal: Ang The Da Vinci Code e dalawang oras na advertisement ng libro -basahin mo na laang. Tutal tatlong page kada chapter laang naman ‘to, matatapos mo agad kung hindi ka manonood ng NBA playoffs. 

051906

Friday, May 19th, 2006

May 19, 2006!

Medyo matagal-tagal rin akong hindi nakapanood ng WWE. Nung isang linggo e napanood ko ang Backlash at aba -magkalaban na pala sina Kane at Big Show. Sayang, bakit kaya hindi pa sa Wrestlemania 22 yun ginawa? E dun naman talaga sa pagtutuos ng dalawa mauuwi yung tag team nilang iyon. Sayang.

At ang kwento pala nila e napapraning si Kane na naging dahilan para saktan niya si Big Show. At ito pala e kunektado sa pelikulang ito ni Kane: See No Evil. Tuwing merong nagbabanggit ng May 19 e sumasakit ang ulo niya at nagwawala.

Ang weird na makita si Kane na nakasuot ng t-shirt. Ewan ko laang kung ipapalabas sa atin ‘to.

ang pagpapalabas ng the da vinci code

Wednesday, May 17th, 2006

Sino ito taong ‘to para magdikta kung ano ang pwede kong panoorin at hinde?

At eto pang isa. Pinagbawal na nila sa kanilang tangang lugar ang pagpapalabas ng The Da Vinci Code, e gusto pang idamay ang ibang bahagi ng Pilipinas.

Teka, lilinawin ko. Hindi naman ako ganoon ka-fan ng libro, at nitong pelikulang ito. Pero nakakaurat ‘pag merong taong nag-aalis sa ‘yo ng opsyong mamili ng panonoorin, papakinggan, babasahin, etc.

Ano ba’ng problema? E halos lahat na naman e alam na ang nilalaman ng libro?

SPOILER WARNING: Sa libro e sinabing nagkaanak si Hesus ke Magdalena at hanggan sa ngayon e buhay pa ang kanyang binhi. Big deal pa ba yun?

Hindi na naman bago ‘to. Sa Holy Blood Holy Grail na sinulat nina Leigh at Baigent (na pinagkunan ng pangalang Leigh Teabing na isa sa mga karakter sa libro) e tinalakay na ‘to.

Mga sampung taon na ang nakakaraan nung nabas ko ‘tong HBHG. Meron akong dine-date noon. At dahil estudyante’t wala akong salapi e kelangan kong pangasiwaan ang aking salapi nang tama. Sa madaling salita, magkuripot at maging masinop sa mga paggagastusan. Kaya kinainalangan kong mamili kung bibilhin ko ang librong nabanggit o iti-treat ko yung bubae. Dahil alam na ninyong nagkalibro ako e alam na siguro ninyo ang pinili ko.

Pinahiram ko ang libro sa kabarkada kong si Rizvi at ilang taong nahimlay sa kanya ito. Akala ko e sinunog na ng nanay niyang Odette Khan ang libro. Pero sa kabutihang-palad e nabawi ko nung 2005. Naitago niya rin pala.

Ngayon flash forward sa panahong ito. Kahit siguro dentista o kung sinumang nag-aaverage ng isang libro bawat limang taon e nabasa na ‘tong The Da Vinci Code. At ngayong ipapalabas sa sine e ipagbabawal? Anong sense nun e pinayagan nilang ibenta sa National Bookstore ang libro at mukang best seller pa at laging nilalagay bilang paboritong libro ng kung sinu-sino sa friendster. Sino pa ba ang hindi nakakaalam sa ideyang baka:

MAY ANAK SI HESUS KE MAGDALENA!

Teka, baka merong hindi pa naiisip ang ideya. Baka…

MAY ANAK SI HESUS KE MAGDALENA!

Anong ibig sabihin nitong pagbabawal na ito sa ‘tin? Pinapayagan nilang bilhin, manghiram, magbasa ng librong The Da Vinci Code, pero bawal nating panoorin?

Isang konklusyon laang ang nakikita ko rito. Ang assumption dito e: Me utak-utak ang nagbabasang tao at kaya nilang limiin para sa kanilang sarili kung tatanggapin nilang katotohanan iyong ideyang baka NAGKAANAK SI HESUS KE MAGDALENA o itututing nila itong basura’s panghahamak sa Panginoon.

Pero para sa isang manonood ng sine, siya e isang hangal na tatanggapin ang lahat ng ibinubulwak sa kanilang mga mata bilang katotohanan. Kungsabagay pag inisip mo ang pagkakaroon ng mga pelikulang tulad ng Mulawin at Saksi Driver (na si Bonel Balingit ang bida -nakita ko sa Video City -inhit ako ng tawa), alam mo na kung anong klaseng utak ang ipinagpapalagay nila sa manonood nito.

Ang dapat gawin ng mga kongregasyong Kristyano, lalo na sa mga Katoliko, e turuan nila ang kanilang mga nasasakupang mga tupa, isang bagay na hindi ginagawa ng Simbahang Katoliko para makapag-isip-isip. Kelan pa nagkaron ng talakayan ng mga doktrina sa misa o kung anumang pagdiriwang? Wala. Meron bang nagbubuklat ng Bibliya sa mga Katoliko? Konti.

Hindi sa kumakampi ako sa mga hindi Katolikong Kristyano, pero sila e nag-aaral ng Bibliya. Kung ito man e binabaluktot ng kanilang mga pastor, e hindi iyon ang punto. Ang sinasabi ko e meron silang pagsisikap na turuan sa pangunahing babasahin ng kanilang relihiyon ang kanilang mga membro.

Sa Katoliko, hindi. Kaya meron kang makikitang mga nagdarasal nang naglalakad nang paluhod sa gitna ng simbahan. O kaya mga nagpupunas ng rebultong kahoy na santo sa kanilang panyo at hinahalik-halikan. Ito e dala ng kaignorantehan sa kanilang reliyon –na ang mga magulang naman nila ang pumili.

Ignorance. Ito ang pinakamalaking sandata ng Simbahang Katoliko sa kanilang mga miyembro. At ito rin ang kinatatakot nila sa pagpapalabas ng The Da Vinci Code dahil baka ang mga ignorante e madaling ‘mapaniwala’ sa binebentang ideya ng pelikula.

Hindi ko sinasabing totoo ang nilalaman at ideya ng The Da Vinci Code na baka NAGKAANAK SI HESUS KE MAGDALENA, pero hindi ko rin sinasabing mali. Pero me karapatan ang mga taong makapagpahayag at nakinig o magbasa ng gusto niya. Kung ikaw nga nagbabasa ng isang walang kwentang lathalang tulad nitong sansinukob ni lupisan. Ipagbabawal na rin ba ‘to dahil nakakabawas ng IQ ninyo ito? Ipagbabawal na rin ba ‘to dahil sinasabi ko ritong baka NAGKAANAK SI HESUS KE MAGDALENA? Kungsabagay konti laang nagbabasa nito -anim yata.

Ang mga pulitikong tulad ng mga nasa link e merong iniingatang interes sa pagboto at suporta ng mga grupong reliyoso (o kaya naman e reliyoso rin) kaya naman tumutuwad sila sa mga hiling ng mga ‘tong ipagbawal ang pelikula.

Dahil ano? Masama raw sa moral ng manonood? E bakit ang yosi hindi maipagbawal -e masama ito sa kalusugan? E di lahat na laang ng tingin nila e masama e ipagbawal.

Sinusulat ko to habang nag-aabang ng oras ng time out sa bundy clock/ Pupunta ako sa Alabang Town Center kung saan ang aming solon e hindi kami pinagpapalagay na mga tangang hindi makakabuo ng sariling paniniwala sa aming panunuorin. Sa mga taga-Maynila, manood na laang kayo ng Poseidon o para mas safe e Aquamarine -pwera na laang kung ituturing nga inyong solon na ang maniwala sa sirena e pagsuway sa tinuturo ng Simbahan.

sinesinukob # 17: aquamarine

Monday, May 15th, 2006

Aquamarine? Nanood ka ng Aquamarine? Anong susunod, makikita kitang nagbabasa ng Candy?

Kung Mulawin nga nahatak akong manood sa kabila ng mahigpit kong pagtutol, ito pa kayang isang ‘to na siya naman ang magbabayad, ako hindi mapapapayag? Magkaron ka ng open mind at ibagsak mong macho side mo’t baka matuwa ka na rin dito kahit papano dahil kunektado ‘to sa Poseidon.

Mas maiintindihan ninyo ang Poseidon kung mapapanood ninyo ito. Ipinapaliwanag dito ang penomena ng malalaking alon na tinawag ng egot sa Poseidon na ‘freak waves’. "Be calm, we don’t know how this happened. We were hit by a freak wave. We’ve got hte situation under our control. Let us not panic." Kung nagtataka kayo knug bakit at saan nanggaling ang mga higanteng alon na kinatamarang ipaliwanag sa Poseidon, dito ninyo malalaman sa Aquamarine ang dahilan.

Ang Runaway Merbride

Si Aquamarine e isang sirenang tumakas sa kanyang kasal. Sa galit ng kanyang ama (na kung hindi man si Poseidon e isang makapangyarihang nilalang na hari rin ng karagatan) e pinaalon nito ng napakalakas ang dagat. At habang sina Kurt Russell e nagkakandamatay sa pagtakas, e itong Runaway Merbride e napalapag sa isang swimming pool sa isang beach resort. Doon e naging kaibigan siya ng dalawang nerdish na teenager (o parehong teenager) ala 80s na pelikula. Para makabalik siya sa kahariang dagat nila e kelangan niyang patunayang merong ‘love’. Meron siyang tatlong araw para patunayan ‘to dahil kelangan na niyang bumalik. Isang guwapo’t machong lifeguard ang kanyang natipuhan -ang crush ng dalawang bida. Sa tulong ng dalawang bida e pai-in -love-in nila ang lifeguard na hindi naman sila gaanong napapansin.

Kung ikaw e isang babaeng tween e malamang matuwa ka na rin. At kung ikaw naman e trenta anyos na’t nakapanood rin naman ng mga pelikulang Weird Science noong 80s, e isipin mo na laang na parang ganito ‘to (kahit na me bias ka sa panahong kinalakhan mo’t iisipin mong wala to kumpara run) at libre naman kaya okey na rin.

sinesinukob # 16: poseidon

Monday, May 15th, 2006

Tamang-tama sa panahon ng bagyo noong pinanood namin ang Poseidon. Ang reaksyon ko nung idineklara ni Meina sa aking panonoorin namin ‘to ay, "Ha? Poseidon ang panonoorin natin? Umarkila ka na laang ng Titanic at baligtarin mo ang TV set ninyo."

Kung napanood ninyo ang trailer o nakita ang posters e alam na ninyo ang ibig kong sabihin. Para sa kapakanan ng hindi nakakaalam e ganito yun: Ang Poseidon e disaster movie ng paglubog ng isang barko. Parang Titanic ba? Pero nakataob yung barko dito sa pelikulang Kurt Russell (ang isa sa top five na pinakanakakabagot na artista para gawing bida) ang bida. Kaya kung gusto ninyong makatipid ng pera, baliktarin na laang ninyo ang TV set ninyo.

Oo nga pala maliban sa ilang eksenang nakita ko sa trailer at sa bus, e talagang hindi ko napanood ang Titanic kaya wala akong basehan para pagkumparahin ang dalwa.

Pero sa kung anumang dahilan, ang istupidong palabas na ‘to e nakakaliw. Ansarap manood mga taong winawalis ng alon, nadadaganan ng kung anu-anong mabibigat, nahuhulog, etc. Nung hindi panahon ng Betamax at wala pa kami nun, ang libangan ko e patakan ng nasusunog na tsinelas ang mga langgam sa mga anthill. Ganitong kaligayahan rin ang natatamo ko sa panonood ng Poseidon.

SPOILER WARNING: Mga 1/5 pa laang kami sa pelikula e naamoy na ni Meina ang mangyayari sa ending nito.

"Alam ko na mag-aArmageddon si Kurt Russell."

"Hayaan mo na si Kurt Russel naman yan. Kung si Patrick Swayze yan mas nakakalungkot pa. Kakatamad na artista yan e."

Nasa larawan: Ang mga iilang maliligtas sa paglubog ng barkong Poseidon. Nakaputing lalaking nasa gitna -Kurt Russell.

At tama nga siya. Nag-ala Bruce Willis sa Armageddon si Kurt Russell sa pagliligtas sa anak niya’t magiging asawa nito. Kelangan kasi ng magsu-switch ng mga higanteng elisi na hihigop at gugutay sa mga katawan ng gustong dumaan dito. Puno na ng tubig ang baligtad na barko. Kelangan na nilang makalabas knug hindi e malulunod sila. At dun sa elisihan (turbine ba tawag dun?) sila dadaan. E mahaba yung lalanguyin, mahirap pumunta run. Malamang e malulunod ang taong gagawa nun bago pa makabalik. At nilangoy na yun ng bidang Kurt Russell. At ayun nga, kumisay ang katawan ni Kurt Russell nung nasa tapat na siya ng switch. Pero tulad ng isang samurai na kayang gumawa ng isang huling akto (one last act of certainty in the face of death, even if his head is severede from etc. -Hagakure), e nai-switch niya ito na siyang naging hakbang para makaligtas ang mga bida.

At hindi laang dito nag-ala Bruce Willis ang mga tao rito. Dumaan sila sa air vent at sa sirang elevator, etc.

Teka, sila laang bang nasa picture ang naligtas?

Aba e oo. Tulad ng The day After Tomorrow na isa ring disaster movie, ang tanging me silbeng buhay laang e yung mga buhay ng mga taong binigyan ng pagkakataong hingan o bigyan ng buhay at katauhan sa screen. Kaya yung mga tinatawag na ‘extra’ dahil hindi sila nabigyan ng katauhan sa sa pelikula e wala nang silbe. Sa The Day After Tomorrow e halos kalahati ng populasyon sa mundo ang napawi ng pagbabago ng klima, ng panibagong Ice Age. Pero dahil yung mga bida e nakaligtas, para na rin nilang sinasabi sa ating, "Okey laang dahil nakaligtas ang mga bida."

Wala ang pangalan ng mga ‘to sa credit, sa cast. Ang tawag nga sa kanila e extra. At kung meron kang extra, pwedeng mawala sa ‘yo. Me extra shirt ka? Okay lang mabasa ang suot mo ngayon. Ganun. Hindi naiiba ang pananaw na ‘to dito sa mga tao sa pelikulang ‘to.

Pakelam ba natin na kung itong blonde na babae sa bandang gitna sa ibaba ng lalarawan e isang Red Cross volunteer na cancer survivor na merong mga anak na naghihintay sa kanyang pagbabalik. Pakelam ba natin dun sa lalaking kasayaw niya na divorcee at nakakita ng babaing mamahalin sa katauhan ng babaeng Red Cross volunteer.

Ika nga ni David Wong sa teorya niyang Monkeysphere, ang mga tao e me kakayahan laang na magmahal, magbigay kalinga at pakelam sa mga halos dalawandaang tao lamang. Ito laang ang kaya ng iyong utak para maramdaman ang gayon sa kanila. Ito ang iyong ‘monkeysphere’. Sa labas ng monkeysphere mo e wala ka nang pakelam.

Halimbawa: Susot na susot ka dahil biglaang umulan at nabasa ang bagung-bago mong sapatos at nasira dahil sa pagkasawsaw nito sa baha. Naisip mo bang sa nawala mong P250 na sapatos e merong nawalan ng mga anak, ina, asawa, tatay, etc. sa bandang Bicol? Hindi.

Tuwang-tuwa ka at bumagyo dahil maipoporma mo na ang iyong jacket. Iisipin mo ba yung mga magsasakang nawawalan ng ani habang ikaw e nagfi-feeling Neo sa Matrix?

Nagke-care ako sa mga taong yun. Kawawa sila. At oo nga pala, hindi p250 laang ang sapatos ko at pano mong nalamang meron akong ala-Matrix na jacket/ trenchcoat.

Hindi ka pa rin kumbinsido sa ideya ng monkeysphere. Eto pa’ng isa. Alin ang mas me impact sa ‘yo, ang kapitbahay mong batang namatay sa dengue o yung daan-daang o libu-libong mga batang nangangasimatay sa kabilang panig ng daigdig? Natural laang na ang isasagot mo e yung kapitbahay mong bata na dati e nakikita mo pang nagba-bike, ngumingiti-ngiti sa ‘yo, at magalang, kumpara run sa mga butu-t balat na mga batang namamatay sa ibang kontinente na sa mga larawan mo laang nakikita.

Kung ikaw e maawa sa lahat ng mga taong kawawa sa buong mundo malamang e maparalisa ka na ng awang ito at hindi ka na mabubuhay nang ayos dahil matitigatig ka na laang nang matitigatig tuwing me pictures na ilalabas ang UNICEF at ibang organisasyon. Naiisip mo ba sila tuwing nagtatakaw-mata ka’t hindi nauubos ang pansit na ibinalawbaw mo sa pinggan mo sa isang handaan? O kaya e yung gilid ng pizza na hindi mo kinakain.   

Alam ng gumawa ng Titanic, Dawn of the Dead, The day After Tomorrow, at Poseidon ang Teoryang Monkeysphere ni David Wong. Kung bawat isa sa mga taong ito e bibigyan mo ng istorya, e TV series na ang kelangan mo at hindi pelikula. Kaya ang ibinigay nila sa ‘yo e mga pitong tauhan na ang isa e parang karakter ni Matt Dillon sa There’s Something About Mary.

Pinapakita ritong ‘tong manginginom at kupal na lalaki e ayos laang mamatay. O kaya e pahaging nila yun sa There’s Something About Mary na dadaigin nila ang gross income ng naunang palabas. O baka naman desperado silang magkaron ng elementong komiko ang palabas kaya nila sinahugan ng ganitong karakter.

Nasa larawan: Sa kaliwa, Matt Dillon sa There’s Something About Mary at sa kanan, Kevin Dillon sa Poseidon. At magkapatid pala ang dalwang artistang ito.

Sinu-sino ang mg pangunahing tauhan dito?

Ang bawat tauhan e sinulat para timbugin ang bawat isa sa mga manonood para masabi nilang, "Parang ako ‘to at ano ang gagawin ko sa sitwasyong ‘to."

  • Yung sugarol e pinakitang nagja-jogging sa simula para sabihin sa yong physically fit siya. Ito e para run sa mga manonood na feeling Wolverine na loner na "I do things on my own", para magfeelnig bayani rin sila.
  • Yung bading na matanda e magpapakamatay na sana dahil iniwan siya ng lover niya. Ni hindi man laang siya tinawagan para batiin ng Happy New Year. Para ‘to sa mga feeling kawawa sa isang break-up, hindi pambading laang.
  • Yung magtatay at mamanugangin e hinulma sa Armageddon -tamad na pagsusulat. Bakit kelangan pang magsulat? Buhusan ninyo ng effects, ayos na.
  • Yung Mexicana e gustong makita ang kapatid na may sakit. Para sa mga manonood na malapit sa mga kapatid.
  • Merong magnanay para merong mga nanay na manonood na maawa sa anak nila.

Sa ganung koleksyon ng mga tauhan e iniisip nilang nahuli na nila ang lahat ng mga posibleng maaawang manonood at iisipin nilang, "parang ako rin yun, parang ako rin yun", na hindi naiiba sa linya sa kantang "Liar" ng Rollins, "And I’ll tell you things that you already know/ So you can say/ I really identify with you, so much….

E ano, nakakantig ba ng damdamin ang Poseidon? Dahil gusto kong manood at maantig ang damdamin ko.

Hinde. Masayang panoorin ‘to at ang kaligayahang natamo ko rito e tulad ng sinasabi kong nararamdaman ko sa panununog ng mga langgam at When Disaster Strikes, Wildest Videos, at kung anu-anong mga disaster na nahuli sa amateur video. 

sinesinukob # 15: mission impossible 3

Sunday, May 14th, 2006

Anong qualification ng isang tao para maging agent ng Impossible Mission Force? You must:
1. have a driver’s license
2. be gorgeous (or at least be black)
3. have excellent oral proficiency in English and seven other languages
4. have black belt in at least three martial arts disciplines
5. have a basic knowledge of lip-reading
6. be an expert in computer and bomb technology
7. have a great acting skill (for the digsuises, etc.)
8. be very good in Mathematics
9. not be afraid of heights
10. have the same bone structure as Wolverine’s
11. (10-365) etc.

Nasa larawan: IMF agents na nagpapakita ng kanilang qualification # 2 of 365.

Aba e san ka hahanap ng ganitong tao ngayon? Kung susumahin mong IQ ni Ethan Hunt malamang e ilampaso niya si Leonardo da Vinci. Hindi ko mapigilan ang matawa habang nanonood dahil sa kaimposiblehan (kaya nga Mission Impossible e). Kala ko nanonood ako ng Naked Gun.

Nasa larawan: Ethan Hunt (Tom Cruise) na pinapakita ang kanyang qualification # 10 of 365.

Sa kasikatan ng The Da Vinci Code (meron ba ‘tong The?), e naglagay sila ng eksena sa Vatican, kesa sa mga gamit na gamit nang mga casino, o kaya kung anumang bisyuhan. Parang sinasabi nilang, "Fuck you, Tom Hanks at Dan Brown, makaka-Vatican-Vatican rin kami".

Tapos, nag-math-math pa siya nung bababa siya mula sa isang gusali papunta sa kabila. Trigo yun di ba? Kasi me triangle at mga anggulo. Physics (?) pa sa parachute, gravity, aerodynamics, etc. At alam ninyo kung san nagkompyut? Sa salamin rin, tulad ni Nash ng A Beautiful Mind. Para na ring sinasabing, "Fuck you, Russell Crowe, kaya ko ring magsulat-sulat sa salamin na parang tama ang equation."

eka, tama ba yang equations mo? Di ba dapat tayong kumunsulta sa Mathologist o Mathenatologist?… Mathematicist… o kahit Math teacher para malaman nating tama ‘yan?” tanong ni Tom Cruise sa kanyang direktor.

“Yaan mo na, hindi na yan malalaman ng mga manonood. Mga engot naman manonood nitong MI3. Imbe-imbentuhin na laang yan. Lagyan ng number at letter, mukang tama na rin ‘yan. At oo, huwag kalilimutang kumunot ang noo para kunyari pinag-iisipang mo nang magaling ‘yan,” sagot ni J.J.

At wala na bang maiisip na masamang gawain ang mga masasamang tao at puro weapon of mass destruction (na hindi dapat mapunta sa mga maling kamay) na pang-world domination ang iikutan ng istorya? Ito yata ang imposible ngayon ang makaisip ng ganitong pangkontrabidang goal. Ito o kaya revenge. O kumbinasyon ng dalwa.

At kung hindi rin laang nagkaubusan ng istorya ‘tong MI3, e bakit ‘to nanghiram ng premise ng True Lies (na kasalukuyang iginagawa ng sequel) na pelikula ni Arnold Schwarznegger? Sa True Lies kung kayo e mapalad na nakaligtas sa panonood nito sa sine o HBO, e tungkol sa isang mahusay na agent. Problema: Dahil ayaw niyang malagay sa peligro ang kanyang asawa, e hindi niya sinasabi rito ang katotohanan ng kanyang trabaho. Medyo pamilyar ba? Dahil ganito rin yung MI3 na ‘to.
Ang totoo niyang e hindi dahil ayaw nilang ilagay sa peligro ang asawa nila, kundi ayaw laang nilang ikwento ang detalye ng kanilang mga operasyon dahil malamang e ikwento ng mga asawa nila ito sa ilalim ng truth serum pag nahuli ng mga kalaban o kaya e itsismis sa kapwa nanay sa Parents-Teachers Conference habang naghihintay ng card ng anak nila.

Halimbawa ng pag-uusap ng mag-asawa:

Mrs: O kumustang araw mo?

Mr Agent: Okey lang.

Mrs: Okey lang? Baka may chicks ka sa opisina kaya hindi ka nagkukwento.

Mr Agent: Ang totoo niyan e meron kaming hinahanap na isang taong merong kinalaman sa isang weapon of mass destruction. Magdi-disguise nga akong pari sa Vatican para mahuli ‘to.

Susunod na eksena:

1. Yung bubae tinatarakan ng truth serum ng mga kalaban para ikwento ang detalye ng operasyon o

2. Nakikipagkwentuhan sa parlor ang babae sa isang babaeng doon lang niya nakilala. “Yung mister ko nga magpapanggap na pari para hulihin ang isang taong may kinalaman sa weapon of mass destruction. Pupunta sila sa Vatican. Marunong mag-Italian yun!”

Maya-maya, magtatanggal ng maskara ang babaeng kausap niya -si Philip Seymour Hoffman palang nakadisguise at yung bading na nagkukulot sa buhok niya e bodyguard niya. Pagkatapos makuha ang impormasyon, e io-on ang ang power ng upuang silya elktrika pala talaga.

Hindi yung kamatayan ng babae ang inaalala nila, sa kapogian ng mga agent nat makakahanap sila uli, kungdi yung nasabotaheng operasyon nila dahil MAGPAPAKWENTO ang mga misis nila.

Hindi ba ganito rin ang dilemma ng mga superheroes, tulad ni Superman? Si Batman nga (na hinihinalang bading ng ilang mga kritiko), hindi na nag-asawa dahil dito.

Bakit ito ang naisip na kwento? Ala lang, nagkaubusan na.

Ang mga Pinoy nga tumigil na sa paggawa ng mga pelikulang aksyon dahil naubusan na ng mga kamag-anak na papatayin.

High-tech gadgetry, hudasan, weapon of mass destruction, diguises, espionage, etc. Anong mapapala mo sa susunod na Mission Impossible?

Ang huling Mission Impossible na ipinalabas e nung nakasabay ko pa sa sinehan si Christian Tandoc, yung John Woo na diniriheng pelikula. Nagtawanan pa kami ng sabay nun dahil sa underground lair e meron na namang kabklaang kalapating lumilipad na signature ng Hong Kong direktor. E ilang taon na yun?

Anong bagong maibibigay? E di wala. Kaya nga tuwing halos pitong taon bago sila gumawa ng sequel para malimutan mo nang iyon din yung kwento.

ang pagsasalpukan ng dalwang sansinukob

Sunday, May 14th, 2006

Ayokong maging parang Seinfeld fan site ‘tong blog ko, pero ibang klase kasi ‘tong episode na ‘to dahil merong nasaging bahagi sa ‘kin ‘to. Sa "The Pool Guy" e naghahanap ng maisasama si Elaine sa isang pupuntahan niya. Niyayaya niya si Jerry at George. Hindi niya niyakag si Kramer. At narealize ni Elaine na wala na siyang natitirang kaibigang babae. Ang sabi ni Kramer na yun ay dahil siya ay a Man’s Woman. Galit siya sa kapwa babae, at galit rin naman ang mga ito sa kanya. At nagmamadaling umalis si George para makipagkita ke Susan. At iminungkahi ni Jerry ke Elaine na yayain niya si Susan, ang GF ni George. 

Narito ang excerpt ng naturang pag-uusap na galing sa seinfeldscripts.com:

JERRY: Hey, why don’t cha ask Susan?

ELAINE: George’s Susan?

JERRY: Yeah.

ELAINE: Yeah. Why not Susan. I should be friends with Susan. (smacks
her forehead with hand) Of course! Susan! Oh! OK, I’ll see you
guys. Huh. (rushes out the door.)

KRAMER: That’s gunna be trouble.

JERRY: Why?

KRAMER: Jerry, don’t you see? This world here, this is George’s
sanctuary. If Susan comes into contact with this world, his world’s
collide. You know what happens then?

(Kramer raises his hands into the air and slowly brings them together in
an explosion. He’s holding some food in one hand, so when his hands
come into contact food flies all over)

KRAMER: Ka shha shha shha Pkooo (exploding sound)

- - -

Ang Teoryang Pagsasalpukan ng Dalawang Sansinukob (O George Costanza’s Worlds’ Theory)

New scene.
Inside Jerry’s apartment — Jerry sits on the couch listening to George.

GEORGE: Ah you have no idea of the magnitude of this thing. If she is
allowed to infiltrate this world, then George Costanza as you know him,
Ceases to Exist! You see, right now, I have Relationship George, but
there is also Independent George. That’s the George you know, the
George you grew up with — Movie George, Coffee shop George, Liar
George, Bawdy George.

JERRY: I, I love that George.

GEORGE: Me Too! And he’s Dying Jerry! If Relationship George walks
through this door, he will Kill Independent George! A George, divided
against itself, Cannot Stand!

(Elaine enters)

GEORGE: You’re Killing Independent George! You know that, don’t you?

ELAINE: George I don’t even want to get –

GEORGE: You know what word Susan used last night? Hnuh. Vault! hu,
hu, hu.

ELAINE: So?

GEORGE: She got that from you!

ELAINE: Well, I didn’t tell here to say it.

GEORGE: What is she the only girl in the whole world? Why can’t you get
find your own girl?

ELAINE: I Like Her!

GEORGE: You see (to Jerry). You see. You see what I’m talking about.
It’s all just slipping away. And you’re letting it happen. (exits –
slamming the door)

- - -

Napatay ko na ba ang Independent Jerome?

Dalawang sansinukob ‘to, Sansinukob ng Independent Jerome at Sansinukob ng Relationship Jerome. Nagkaron ba ‘ko ng pagsasalpukang dalawang sansinukob, tulad ng nangyari ke George? Hindi. wala namang ganun. Pero sa tingin ko masyado akong namalagi sa isang sansinukob at inagiw na yung isa. Kungsabagay lahat ng mga kabarkada ko naman e bumili na ng lupa sa oblo kaya wala na rin talaga yung isang sansinukob na yun.

Ang tanong e napatay mo na ang Independent Jerome?

Hindi naman. Pero sabihin na laang nating version 2.0 na Jerome na ‘to. Nafilter at naedit na version ng Indie Jerome ang kasalukuyang Jerome na ‘to. Kung para sa mas mabuti o masama ewan ko.

Ang natitirang sansinukob ng Independent Jerome e itong sansinukob ni lupisan, kung san pinamumunuan ko ang Iglesia ni Dimas at ‘pinakikinggan’ ng anim na tao.

sinesinukob # 14: silent hill

Sunday, May 14th, 2006

NIlalaro ko dati ang Silent Hill sa PS 1 tuwing alas dose ng gabi. Ang mga imaheng lumalabas at tugtog na e mas nakakatakot pa kesa Resident Evil. Hanggang sa ospital laang ang nalaro dahil nagkatrabaho ako (Lintek na trabaho yan pasira sa bisyo.) at nasira na yung PS 1 namin nang hindi ko natatapos.

At eto ngayon, sa pinilakang tabing, ipinalabas ang nakakatakot na laro na gawa ng mga Kano. Magtatransalate kaya ang katatakutang mula sa video game papuntang sine? At makagawa kaya ng horror ang mga Kano sa level ng mga toyong Hapon?

Unang mga eksena e magiging pamilyar sa mga fans ng laro:

  • A oo, sa car accident nagsimula ang lahat.
  • At nahati yung lupa.
  • Astig yung fog -parang tulad talaga sa laro.
  • A oo nga pala, hahanapin niya muna yung eskwelahan.
  • A ospital pa nga pala.

Nasa larawan: Nanay na naghahanap ng anak sa fog.

Okey dahil naging totoo sila sa storyline (dun sa inabot ko sa laro) at nakuha-kuha naman nila yung itsura. Pero anong parang mali dito? Ito: Dahil pamilyar ako sa itsura at sumusunod naman sila storyline, ang dating e para akong batang naghihintay ng aking ‘turn’ para maglaro ng video game. Mabagal yung pacing nung simula dahil puro tumatakbo’t naghahanap na bida ang makikita mo -na maganda kung ikaw ang naglalaro. Kung ikaw e nanonood, kakabagot ‘to.

At pano naman nung sumulpot na yung mga ‘kakatakot’ na nilalang? Wala e. Bano talaga sa horror ang mga Kano. Hindi naman ako horror-frigid kasi natatablan rin ako ng mga Hapong horror (Tulad ng Ringu, Dark Water, etc.), talaga laang walang appeal ang Kanong horror sa ‘kin. 

SPOILER WARNING: Sasabihin kong ending. Meron ka pang pagkakataon para hindi basahin ‘to. Simula ngayon. HUwag mo nang basahin ang susunod na talata.

Patay na ang bida mula pa sa simula, tulad ng nasabi ni Christian Tandoc (may his soul rest in peace) noong nagkukwentuhan kami tungkol sa mga video games sa PS 1. Sayang, di na siya umabot sa PS 2, etc.

Ngayon, kung patay na sila, e ano pang silbi ng lahat ng aksyon at katatakutan? Ewan ko. 

At naiisip ko sa PS emulator sa PC ko na laang lalaruin ‘to.