Archive for March, 2006

sinesinukob # 10: goal!

Friday, March 31st, 2006
Okey rin yung Goal! kahit na masyadong formula movie ito.
  1. May talent ang bida sa sports. Rocky:boxing; Munez: soccer.
  2. Magkakaroon ng break para sumikat. Rocky: binigyan siya ng title shot ni Apolo; Munez: nakita siya ng isang scout.
  3. Magtetraining under sa isang mahusay na triner. Rocky: Mickey; Munez: ex-pro socccer player turned scout na nalimutan kong pangalan.
  4. Merong kokontra sa pangarap. Rocky: Adrian; Munez: tatay niyang ahit ang kilay.
  5. Tikim ng tagumpay. Rocky: labang ke Apollo; Munez: try out.
  6. Pagkabigo. Rocky: natalo ke Apollo via split decision (sa Rocky 2 pa siya makakabawi); Munez: santambak na setbacks sa pagpasok sa team ng Newcastle (hika, kupal na kakampi, masamang panahon -ulan, madulas na putik, maliit na katawan kumpara sa mga Europeo).
  7. Tagumpay: Rocky: na-knockout niya si Apollo; Munez: nakalaro na sa regular team at hindi bilang reserve, etc. etc.

Ang pinagkaiba laang e ang bida sa Rocky e si Stallone, samantalang sa Goal! ang bida e kamuka ko.

Medyo hindi maganda ang lighting dito. Pero sa susunod e heto ang kamuka lalo.

backwardmasking

Wednesday, March 29th, 2006

(Note: Mas okey kung ichecheck ninyo yung mga link sa backwardmasking/ reverse speech dahil merong mga sampol ng ganun dun. At yung mga Jack Chick e nakakatawa naman.)

Ilang buwan na ang binilang noong huli ako merong ipinosteng obscure bible verses. Dito e tinatalakay ang mga verses na hindi gaanong naririnig lalo na sa simbahan. At mukang merong nakamiss dahil merong nag-email sa ‘kin. Ang verse ngayon e hindi gaanong obscure na verse per se (parang matalino pag gumagamit ng salitang yun) at sa katunayan nga e ginamit pa tong panghirit ng isang webvangelizer, tulad ko. Pero dahil bible verse pa rin ‘to kaya sige na nga rin. Eto ang tanong niya:

Totoo bang nagpapadala ng mensahe si Satanas sa mga rock music sa pamamagitan ng backward masking sa casette tape. Kunyari yung Stairway to Heaven ng Led Zep meron raw mensaheng nakapaloob pag binaligtad mong lyrics.

Ha? Pagkakatanda ko e 2006 na ngayon at parang wala nang gaanong gumagamit ng casette tape. Puro CD na at mga downloaded na music.

Kelan ka ba pinanganak? Siguro noong kabataan mo e pinintahan ng nanay mo yung pinto ng bahay ninyo para maligtas sa mga "Satanista". Tama? Sinabihan ka rin noon sa eskwelahan ninyong huwag makinig ng heavy metal music -na akala mo e musikang puro brass instrument (yun ang akala ko dati) at me pinaikot na mga pictures ng simbolo ng mga Satanista, tulad ng mga pentagram, Baphomet, swastika (na pangNazi talaga), anarchy sign, etc.

Hinanap ko sa bibliya ang ideya kung saan hayagang sinasabing ginagamit na kasangkapan ni Satanas ang musika, pero wala. Ito laang ang panghirit ng mga konrta-rock music.

Pero suriin natin ang bersong kanilang ginamit sa komiks na ‘to ni Jack Chick ng chick.com, ang website na akala ko dati e puro mga chicks ang nilalaman. I-click ninyo laang ang link para sa mas malakihang print nitong komiks.

"Do not bring a detestable thing into your house or you, like it, will be set apart for destruction. Utterly abhor and detest it, for it is set apart for destruction." -Deuteronomy 7:26.

Balikan natin ang bersong pinagkunan ng pastor sa komiks. Basahin ninyo ang buong konteksto at malalaman ninyong inuuto laang nila tayo. Actually, ganyan talaga style ng mga ‘yan. Kukuha ng kapirasong berso, tapos e mamanipulahin nila sa gusto nilang interpretasyon.

Ang backwardmasking, kung hindi ninyo binasa yung link sa ‘taas, e ganito raw gumagana. Yung mga pakawala ni Satanas e nagsisingit ng mga subliminal messages sa mga kanta, lalo na sa rock music. At pag bilaigtad mo ang tape mo e maririnig mo yung mensaheng talagang gustong iparating nito, sa tunog na akala mong merong retard na merong gustong ipaliwanag sa ‘yo pero mahirap intindihin, tulad ng mga halimbawa sa link. Sa Help ng Beatles, merong mensahe raw na Now he uses marijuana. Pwede ninyong mapakingggan doon ang mga halimbawa ng merong ganung mga mensahe raw.

Okey, so ganoon pala ang backwardmasking. Gawa ba ng demonyo yun?

Huwag na nating gamitin pa ang bibliya para sagutin ang tanong mo. Lohika na laang. Kahit ikaw magrecord ka ng boses mo ng isang oras, eventually e makakatsamba ka ng mensaheng "nakakatakot." Ang tyaga rin mga pastor na naglabas ng "expose" kuno sa Yano at iba pang banda ilang taon na ang nakakaraan. Ilang oras kaya ang ginugugol niya sa isang araw para makatsamba ng mga tunog "nakakatakot." Sana yung oras na ginagamit nila run e ginamit na lang nila sa paglilinis ng kalsada, nakatulong pa sila.

Ano ba talaga dapat ang magagawa ng mga mensaheng iyon?

Kaya nag-iiwan ng message sa backwardmasking ang demonyo e para sirain kuno ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng subconcious.

At tingnan natin kung paano ito ginagawa ng isang karakter na "Lew Sifer" sa komiks na ‘to, na napakatanga namang hindi pa alam ng banda na ang ibig sabihin nun e Lucifer. So ang style pala niyan e kukuha ng isang bandang nag-iistruggle. Tapos, ibi-build up, pasisikatin, kapalit ng kanilang kaluluwa -parang Michael Jackson. Kapalit ng kanilang kasikatan e kanilang kaluluwa at kasabay nun e yung mga kaluluwa nung mga fans nila.   

Magandang taktika para sa isang nilalang na makapangyarihan pero hindi kasing-kapangyarihan ng Dios. Kumbaga e hindi lantaran. Pero mukang walang utak advertising si Satanas. Kung balak niyang lipulin ang lahat ng kaluluwa sa mundo, advertiser ang kailangan niya, hindi abugado, dahil obviously e hindi marunong pumili ng ito ng vehicle.

Tingnan ninyo, kung marunong ng advertising si Satanas, hindi rock music ang pipiliin niya dahil maramig naiingayan dun, kungdi yung mga malimit na naririnig ninyo sa 90.7 Love Radio na hindi ninyo matatakasan kung kayo e nagkokomyut laang.

Kung hindi siya makapag-run ng epektibong advertising campaign, paano siya makakapag-rule the world?

Halimbawa, may sapat kang kakayahang magpadala ng malademonyong mensahe at gusto mo e buong sanlibutan ang magantso mo, anong klaseng kanta ang pipiliin mo? Rock? E ilang porsyento laang ang nakikinig nun. Para mo na ring sinabing gusto mong mag-advertise na lahat ng Pinoy e maiiinteresadong mag-apply, pero sa Chibugan Na ikaw nag-advertise samantalang anlakas ng Eat Bulaga.

E di sana e mga national anthem na laang ng bawat bansa ang pinagsingitang ng mensaheng It’s fun to smoke marijuana! E di mula flag ceremonies sa eskwelahan hanggang Olympics awarding ceremonies e sakop ni Taning.

At saka isa pa, bakit titigil sa pagpapadla ng mensahe sa musika lang? At sa rock pa. Bakit hindi isali yung ibang senses. Halimbawa tuwing kakagat ka pala ng Big Mac e meron yung mensaheng "Patayin mo ang mga magulang mo" ala invisible na fortune cookie.

O kaya e sa TV. Isingit nila sa audio ng Pinoy Big Brother. O kaya e sa amoy -sa mga perfume. Sa aircon. At kung anu-ano pang pwedeng pagsaksakan ng subliminal message.

Sa tagal ng panahon, hindi pa rin nasasakop ni Satanas ang sanlibutan dahil hindi wala siyang alam sa advertising. Siguro sa imbes na mga pinuno ng kulto ang pinapadala niya sa sanlibutan e mga mga magagaling na advertisers dapat ang inuupahan niya. 

ang buntis

Tuesday, March 28th, 2006

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang pagkatao ko. Bad trip ako sa mga matataong lugar, tulad ng Star City, SM kapag merong Mall-wide Sale, at mga bahay na merong lampas limang miyembro ng pamilya. Pero palangiti ako sa mga kakila. Pag me nakasalubong akong janitor, bumabati ako. Pero hindi ako gaanong nakikisalamuha’t nakikipag-usap sa mg taong hindi ko gaanong kapalagayang-loob. Para sa isang palabati e napaka-antisocial ko.

Pero dahil sa nakitang kong karisma ni Iron Chef e naisip kong okey rin pala yung ikaw e magaling kang mambullshit ng tao, tulad ng napatunayan ko sa ginawa ko sa porter ng Nasaan na si Francis.

(Nasa laraawn: Ang kapeng binili ko. Bahagyang nakikita sa larawan: ang buntis)

Yung binibilhan ko lagi ng kape e buntis. At kung maniniwala ako sa sabi-sabing ‘pag panget ang nanay e malamang lalaki ang pinagbubuntis, e masasabi kong Mr. Universe ang magiging anak nun. Nangamatis ang ilong niya, at basta ewan. Maaaring mang-alipusta ako ng pelikula pero hindi ko style ang mangdusta ng muka. At saka hindi naman siya ganun nung hindi buntis. Noong nabuntis laang.

At nawala siya ng mga dalawang linggo. Tapos noong bumalik e napansin kong humupa na yung tiyan. A nanganak na. At ang mga nanay e tuwang-tuwa ‘pag binubusisi tungkol sa anak kaya naisip kong mangbullshit mode, ala Iron Chef. Kahit siguro meron kayong tinatakasang mudslide e titigil iyon para ikwentong naghihikab na ang anak niya.

"Aba, lumabas na pala ‘no?"

"Oo."

"Kelan pa?"

"Two weeks ago."

"Ano babae?"

Gusto kong ihula e lalaki dahil nga sa itsura niya noong buntis pa laang kaso baka maisip niyang kaya yun ang hinula ko e dahil ampanget niya nung buntis. So para kunyari e hindi siya swaggart ang itsura noong buntis siya, e babae ang ihinula ko.

"Oo."

"Ayos yan!"

"Namatay."

Namputa, malak ko bang nakunan. Hindi naman niya sinabi agad. Wala nang pagbangon sa ganoong klase ng nakakailang na sandali.

"Okey tong Maxwell, no? Sige thank you," sabi ko sabay alis.

haruki murakami

Sunday, March 26th, 2006

At sa wakas e hindi na kami gaanong busy.

Mula sa ganitong babasahin…

e balik ako sa usual ko. Noong isang buwan ko pa nabili ‘to pero ngayon ko laang mababasa.

At isa sa mga paborito kong istoryang sinulat ni Haruki Murakami ay ang on seeing the 100% perfect girl one beautiful april morning na part ng mga koleksyon ng maiikling kwento sa The Elephant Vanishes.

sinesinukob # 9: nasaan si francis?

Saturday, March 25th, 2006

At sa wakas nakakahinga na rin ako. Natapos na rin sa mga pagawa sa PNU. At heto balik sa pag-inog ang aknig sansinukob.

At oo, isang lumang pelikulang napanood ko ang ipoposte ko. Icheck ninyo rin yung mga nasa baba. Kahit na yung petsa e luma, ngayon laang napublish kaya in essence e bago na rin.

Yup. Support indie flicks, right? Para magkaron ng rebolusyon at matapos ang mga pesteng Mulawin, di ba?

Nasaansifrancis01a
So kaya nung nakita yung poster na Nasaan si Francis at nakita kong walang nakasulat ng GMA Films o kay Regal, sabi ko sige panoorin. Okey naman yung Big Time so baka makaiskor uli rito ng okey.

E di papasok na ko sa sinehan. Dadaan na naman ako sa security check. Lagi kasi akong me dalang camera (obviously kaya meron akong kuha noongLitong yun). Siempre namimilgro na naman ang pagpasok ko. Ayoko namang icheck-in yun. At tulad ng script na sinusundan ng mga porter (oo, yun pala ang tawag sa mga nag-iinspect ng at pumupunit ng tiket ninyo) e tinanong niya ako, "Nasaan na si Francis?"

"Aba e ewan ko rin."

Umepek ang patawa dahil hindi na niya ko ininspect. Lusot.

Nasaan na ang istorya?

Bernies
At entra na ang pelikula. Ilang minutong mga droga-droga para nakakatawa’t cool raw. Tapos nadedo si Francis. ang karakter ni Epi Quizon. At ang buong pelikula e doon umikot sa itinatago si Francis, hinahanap, pinagmumukang buhay at natutulog laang kunyari. In short -Weekend at Bernie’s na sinaksakan ng shabu at ecstasy. At tinapos na laang nila sa pamamagitan ng shootout sa huli. Yun na yung palabas. Pagkatapos ang pelikula e pakiramdam mo e meron kang hindi mo gustong bisitang umuwi na. Mukang hindi si Francis ang nawawala, kundi istoryang matino. Baka frustrated laang magsulat para sa Palibhasa Lalake yung gumawa nito.

Mas okey pa siguro kung school play laang yun (at talaga palang hinango sa play ‘to -ngayon ko lang narealize nung naghahanap ako ng pics). Ibang medium yun at tingin ko mas epektibo ‘to dun.

Siguro kung ang kinuhang artista sa dalawang lead role e mas magaling baka mas umokey pa.

Paglabas ko ang tanong ko e Nasaan na ang pera ko?

ang pagkabangga ng kotse

Saturday, March 25th, 2006

Oo, naibangga ko ang kotse namin. Wasak. Sobrang warat e iisipin mo na laang na ipang-down ng bagong kotse yung pera mo kesa ipangrepair.

Teka, di ba expired na ang lisensiya mo? Paanong nangyaring ikaw ang nagdadrive ka?

Tama, expired na ang lisensya ko noon pang 19something. Merong panahon noon na sinikap kong magkaroon ng lisensya para makapagdrive. Ito e noong nasa kolehiyo pa ko. Kung alam ninyo ang developmental psychology ninyo e alam ninyo kung bakit gustong magdrive ng kotse ang mga tao sa ganoong edad.

Madamot magpahiram ng kotse ang Daddy ko. Ang nahihiram ko laang noon e owner-type jeep namin. At noong panahong napagdesisyunan niyang pahiramin na ‘ko, ito e ilang taon na pagkalipas noong nagkalisensya na ko. So ang nangyari noon e si Rizving kabarkada ko ang pinagkakatiwalaan niya.

Preo bihira yun at halos iyakan pa bago mahiram.

Nakakahiram ka naman pala. Sana ni-renew mo yung lisensya mo para pahiramin ka.

Merong pangyayari. Huwebes Santo yun. At kung kilala ninyo ko nang ganap e alam ninyong mas gusto ko pa ang Holy Week kesa Pasko (ibang topic na yun). So bigdeal sa akin ang hindi ako pahiramin noon dahil wala kaming magagamit na sasakyang pangbisista Iglesia kasi hindi pwede sasakyang nina Rizvi noon yun. Last resort na nga laang yung manghiram ke Daddy. Pero hindi ako pinahiram.

Doon sa Burger Machine sa Salinas, sa kaisa-isang simbahang dinayo namin dahil walang kwentang magbisita Iglesia ng komyut, e isinumpa kong hinding-hindi ako magda-drive kung hindi rin laang akin yung kotse.

Fast forward sa panahong ito. Hindi pa rin ako nagkakakotse. Okey laang. Kung tutuusin makakapagloan ako para makabili -tingin ko o kaya e kahit yung mga second hand second hand laang. Ang punto ko, knug gutso kong makabili ng kotse e makakaya naman.

E bakit hindi ka bumili?

Sa ganitong uri ng traffic sa Pilipinas?! Dapat e binabayaran ka para magpaandar ng sasakyan! Sinong me ganoong kahabang pasensya ang makapaghihintay sa ganoong klase ng traffic? At pano ko matutulog sa byahe kung ako ang nagmamaneho. Tapos nariyan pa yung hassle nung parking. Maintenance. Etc.

Teka, kung hindi ka pala nagdadarive, bakit ikaw ang nakabangga?

Ganito yun. Tong si Daddy e tuwing darating ng SISC e doon ihinihinto ang sasakyan sa tapat ng rampa ng basement parking. (nasa larawan: basement rampa papasok ng basement parking)

Bababa kami, handbrake niya, time in niya sa bundy sa bandang kaliwa, mga sampung hakbang mula rito. Ganoon. Itong umagang ito nang Biyernes e nalimutan niyang ihandbrake. Dumusdos tuloy yung sasakyan. At ako, sa aking bagong gising na estado (sa mga kasamahan ko sa trabahong nakita kung pano ko pag bagong gising e alam na nila ‘to) at impluse, instinct, e sumugod papasok ng kotse para iligtas ang sasakyan.

Nakapasok ako sa loob ala-action star. Kaso hindi maabot ng paa ko yung brake. Bumulusok pababa yung kotse kasi dumusdos na. At nakita kong sa kanan ko e naiwan ko palang bukas ang pintong pinasukan ko. Tumama yung pinto ng kotse dun sa kanang base ng arko. Sumambulat yung bintana’t napulbos yung salamin. Ibinawi ko sa kabila kaso sumalpok rin yung kotse sa kaliwang bahagi ng entrance dun sa parang ikalawang beam ng pader.

Parang pinball ang nangyari.

  1. Tumama yung kanang pinto (na nakabukas) ng kotse dun sa kanan ng arko.
  2. Sumalpok yung nguso ng kotse sa dun sa pader sa kaliwa kung saan ito ay tumigil sa pag-andar.

Sugod si Daddy at tiningnan kung ano nangyari.

"Anong ginawa mo?"

"Iniwan ninyong hindi naka-handbrake ang kotse! Pinilit kong iligtas."

HIndi ko na ilalagay ang mga pinag-usapan namin dahil hindi ko rin matandaan. Malamang e ikiwento ko laang yung nangyari. So, i-copy and paste ninyo na laang yung pagkakasalaysay ko dun sa una.

(Eto ang resulta pagkatapos ng aksidente. Itunulak na laang ito pababa at ipinwesto rito dahil hindi na mapapaandar. Hindi ko nakunan yung kotse sa kung asan ako huminto. Mapagalitan pa ko’t sabihing, "Nabangga na nga e kung anu-ano pang pinagkokodak mo!")

Nag-time in ako sa bundy, tapos nag-CR. Nakaharap ako sa salamin ala Travis Bickle ng Taxi Driver -may gasagas pala ang noo ko sa bandang kilay. Doon ko laang narealize na delikado pala ang ginawa ko. Kung nahuli ako nang konti e maaaring naipit ang binti ko sa pinto. Hindi man ako nalumpo nung pulikat -e yung aksidente naman ang tatapos sa trabaho.

Ngayon ‘pag iniisip ko: Wala pang isang kilometro kong naidadrive yung kotseng yun sa buong buhay ko. Dati, pina-test drive ni Daddy yung kotse sa pinsan kong si Kuya Dodie. Ito e noong bago pa ‘to. At noong nasa Bacao kami, bandang EPZA, pina-drive niya sa ‘kin ang kotse. Baka mga wala pang isang kilometro yun. Tapos, dagdagan ng ten feet ngayon. Ganun kagisi ko laang napaandar ‘yun. At sa pagkakaalam ni Daddy e yun ang una’t huli kong pagdadrive dahil hindi niya alam yung sa EPZA. Una yung EPZA, ito yung huli.

"Malamang e nagpapalit na ang kotse…" sabi ni Daddy habang tulalang umiinom ng kape’t iniisip kung bakit hindi nya naihandbrake ang sasakyan.

Baka nga -SAMPUNG TAON na rin naman kasi yun! Pabalik-balik sa talyer. Lahat ng mga kasabayan niya sa management e nakapagpalit na ng mga sasakyan. Siya laang ang hindi ko maintindihan kung saan napupunta pera.

Tapos e maririnig ko ‘to:

Sablay kasi ang diskarte ni Jerome. Hindi kasi marunong magdrive. Dapat… Dapat…

Eto mali ko -hindi ko ginamit ang handbrake. Ngayon, ipagawa nila uli sa akin ang stunt, sige, lalaban ako ng pustahang maisasalba ko yung kotse. Gawin pa nating ganito: Pumili sila ng ibang kotse, ayahin uli yung pwesto, isasalba ko. Pag sumablay ako e babayaran ko.

Namputang kadaling sabihin ngayon kasi wala sila sa sitwasyon ko. Kahit si Michael Schumacher e hindi makakahirit sa sitasyong yun kung kapareho eksakto ang sitwasyon. Eto ang mga factors:

  • Bagong gising ako mula sa pagkapuyat na pagtulog nang 2:30 dahil sa PNU requirements.
  • Biglaan yun. Kunyari sasabihan siyang matulog dun. Wala siyang ideyang ihuhulog pala siya sa basement parking.

So dapat e hindi planado at walang ideya ang bagong gising na puyat na Michael Schumacher na ganoon ang mangyayari. Tingnan ko kung maisalba niya yun.

O kaya, huwag na si Michael Schumacher, ikaw na laang kung feeling mo e kaya mong gawin yun.

Aba’t ang Daddy ko e mukang alalang-alala sa sasakyang sampung taon na. Mukang ewan laang sa kanya yung pareho kaming ligtas -lalo na akong sumuong para iligtas ang sasakyang hindi naman dapat kakailanganing iligtas kung hindi laang niya kinalimutan yung handbrake. In the first place nga hindi dapat siya dun tumitigil. Siya ang gumawa ng panget na habit na doon tumigil.

Tapos e maririnig kong na-aggravate ko raw ang damage dahil minaneho ko pa. Sana hinayaan ko na laang mahulog mag-isa. Yeah, right. Sa susunod, maggawa ka ng instruction manual ala -ISO na tuwing me pagkakataong me mahuhulog tayong sasakyan e hindi ko na hahabulin para hindi ma-aggravate.

Tatampo ka?

Hindi ‘to tampo. Nililinaw ko laang kasi sinabi sa ‘kin ni Meina na may mga nagsabing palpak ginawa ko. Eto sa muka ninyo ang paliwanag ko.

Alam mo dapat matuwa kayo’t ligtas kayo. Walang nasaktan.

Sa isang banda e naiiintindihan ko kung anong pinanglulumo ni Daddy. Yang ganyang klase ng paliwanag e kalokohan. E di sa lahat na laang e ganoon ang paliwanag tuwing me nangyayari sa yong masama.

Halimbawa:

  • Nasagasaan ang alaga mong pusa.  E di isipin mo na laang na at least e hindi kamag-anak ang nasagasaan.
  • Nanakawan kayo sa bahay. E di isipin na laang na at least e hindi kayo nasunugan. Tutal lagi rin namang sinasabi ito sa mga taong nasunugan. "Mas mabuti pang manakaawn ka kesa masunugan." For a change e ganun agad ang sabihin mo sa taong nanakawan.
  • Buset ang presidente natin. E di isipin mo na lang na kesa naman panahon ni Marcos. O kaya at least wala namang gera sa tin tulad ng Iraq.
  • Kunwari ikaw e nagtatarabaho sa pabrika, nabagskan ng mabigat na makinarya ang daliri mo’t naputol. Isipin mo na laang na at least hindi buong kamay ang naputol sa ‘yo.
  • O kaya e matigas ang kutson ng kama mo. E di isipin mo na laang na at least hindi bundok ng basura ang hinihigaan mo, tulad nito. (Nasa larawan: trak na panghakot ng basura kung saan me nakita akong taong natutulog)

  • ______________. At least e hindi _____________. Kayo na magsingit ng halimbawa ninyo.

Kaya walang kwenta yung paliwanag na yun.

Pero kung gagamitin natin yung Richard Capili case kung saan laging sinasabi e sana hindi na lang nanlaban siya nanlaban at hindi sana siya nabaril, e mukang naiintindhian ko na. Tingin mo ba e me epek yun? Tingnan ninyo nangyari sa sitwasyon ko. Naisip bang mabuti’t hindi ka na sumakay para iligtas yung sasakyan? Hinde. Hindi dahil ang konseptong iyon e malabo dahil hindi naman nangyari. Kung si Richard e hindi nanlaban -habambuhay na sermon at paalala yun. Tulad nito. HIndi ka naman direktang sasabihan pero maririnig mo sa iba. O baka sa tatay ko laang ganito.

Sa isang banda e okey na rin. Panahon nang palitan yung kotseng yun. Blessing in disguise na rin.

bakasyon muna

Sunday, March 12th, 2006

Men_at_work

Hanggang leeg ang trabaho kaya bakasyon muna ko sa ‘king blog. Mga dalawang linggo munang mawawala ang sansinukob ni lupisan. Kaya kung isa ka sa tatlong nagtitiyagang magbasa nito e magbasa na lang muna ng kung anumang ipinambalot sa tinapang binili ng nanay ninyo. Ganun rin naman ang silbi ng mga nilalaman nito.

Ang maganda nito sa blog, kung walang kwenta sinusulat mo, tulad nito, e hindi naman magagawang pambalot ng tinapa. Hindi ka gaanong masasaktan ‘pag dahil kahit isipin niyan ipambalot ‘to ng tinapa. Pwera na laang kung mag-aaksaya ka pa ng tinta at ipiprint mo ‘to. Sa ganun paraan e hindi ang blog ko ang ginawa mong pambalot ng tinapa, kundi ang bond paper na ninakaw mo sa kompanya mo.

Hanggang sa muli. Baka mawalan ako ng trabahong pinagnanakawan ko ng internet time ‘pag hindi ko natapos ang dapat kong tapusin.

bwenger

Thursday, March 9th, 2006

May nadaanan akong namamalimos na pilay noong Sabado. Binigyan ko ito ng limang piso.

Ano’ng big deal? Wala. Naging mala-Mother Teresa na ba ako sa lagay na yun na nag-abot laang ng limang piso? Hindi kasi ako talaga palabigay sa mga namamalimos. Pero magmula noong napulikat ako nang napakatindi e natuto na kong mag-abot sa pilay. Aba e napakahirap maging lumpo.

Hindi naman yan tulad ng ipinanganak na bulag. Lagi tayong naaawa sa bulag. Bakit dahil hindi sila nakakakita? Mas kawawa ang pilay. Ang pilay alam nilang kawawa sila dahil nakikita nilang hindi sila makalakad samantalang ang buong mundo e nakakatakbo, samantalang ang pinanganak na bulag e hindi namamalayan na ang buong mundo e nakakakita, samantalang sila e bulag.

Ibig mong sabihin hindi karapat-dapat na limusan ang mga bulag, pero ang mga lumpo at pilay e dapat?

Linawin natin. Magmula sa puntong ito, pag sinabi kong bulag, ang pinatutungkulan ko e yung mga pinanganak na bulag. Hindi yung mga tipo ni Stevie Wonder na nabulag noong bata.

(Nasa larawan: Stevie Wonder. Sa tingin ko ang kawawa sa bulag e hindi niya alam kung muka syang engot sa picture niya. Pero ano naman malay niya kung muka syang engot? Hindi naman niya nakikita sarili niya.)

Ang mga pilay maikukumpara nila ang sarili nila sa mga nakakalakad dahil nakikita nila ang mga ito na naglalakad, tumatakbo, at naghahagarang upo samantalang sila ang laro nila e hagarang tayo. Meron silang pagkukumparahan. Iyon ang isa sa mga component para ang isang tao e maging kawawa.

Component? Anog ibig mong sabihin?

Para masabi mong kawawa ang isang tao o ang sarili mo e dapat maihambing mo ito sa iba. Kunyari laging luma ang damit na suot mo. Kung ang lahat ng mga taong nakikita mo e ganun rin ang suot dahil wala kang nakakasalamuhang iba at sa sobrang kahirapan mo e wala kang tv na pwedeng mapanooran ng F Channel, sa tingin mo ba e maaawa ka sa estado mo? Hindi. Hindi mo maiiisip na kawawa ka dahil iyon ang normal para sa iyo.

Isa pa: Halimbawa nasanay kang ang tanging kinakain sa buong baryo ninyo e suman laang. Maituturing mo bang kawawa ang sarili mo e lahat naman kayo e suman laang ang kinakain? Kung wala kang makikitang ibang tao na me kinakaing iba, tulad ng letson, at makakatikim ka nun, maiisip mo bang kawawa ka? O kaya ang tanging iniinom ninyo e tubig na nakulekta sa dram na isinahod sa ulan, maiinggit ka ba sa Bailey’s kung wala ka namang nakikitang tubig kundi yung unang nabanggit?

Pano ka maiinggit sa isang banggay na wala kang konsepto kung ano? Pano ka magkukumpara sa isang bagay na hindi mo alam?

Ang bulag pano nila ikukumpara sarili nila sa mga nakakakita? Ni hindi nga nila siguro alam ang konsepto ng "kita" e. Halimbawa, bulag ka’t narinig mong me mga nag-uusap:

Lalaki # 1: Puta pare, nagpakita si Rica Peralejo ng boobs dun sa pelikulang yun.

Lalaki # 2: Sinong Rica Peralejo? Yung dating TGIS?

Lalaki #1: Yun nga.

Tingin mo pano maiinggit yun dun? Pano niya maiiisip ang itsura ni Rica Peralejo? Pano siya maiinggit sa isang konseptong hindi niya mabuo sa kanyang utak?

Baguhin natin ang halimbawa para mas maintindihan mo ang pakiramdam ng bulag na makakarinig ng ganoon.

Lalaki # 1: Puta pare, nagpakita si Talia Shire ng boobs dun sa pelikulang yun.

Lalaki # 2: Sinong Talia Shire?

Kamot ka siguro ng ulo, no? Sinong Talia Shire. Ngayon kung hindi kita kapatid o hindi ka malaking fan ng Rocky o kaya Godfather, e hindi siguro papasok sa utak mo ang itsura ni Talia Shire na topless. Pano ka maiingit nun?

E ang pinanganak na bulag -hindi naman nila alam na hindi sila nakakakita.

Sampol -nakaumpok kayo sa harap ng TV at may nagsabi ng, "A puta, nagpakita pala ng boobs dito si Rica Peralejo!"

Bulag silang pinanganak, di ba? Wala silang konsepto ng puti at itim. Pag sinabi mong maganda, malamang ang papasok sa utak ng mga yan e yung nakapa nilang "magandang" hugis at texture ng muka.

Ano epekto sa kanya noon? Aba e malay niya ba ke Rica? Baka boses ni Sarah Geronimo ‘pag kumakanta yun ng "Ikaw ang Champion ko, Video City Vicdeo City!" alam niya ‘pag may sinasamahan silang umaarkila sa Video City

Sampol uli. Maituturing mo ba ang sarili mong kawawa dahil hindi ka nakaka-"bwenger"?

Anong bwenger?

See? Pano ka maiinggit dun sa hindi ka makabwenger e wala ka namang konsepto kung ano yung bwenger? Kunyari ang sense pala ng tao e anim. Lahat kami nakakabwenger pero ikaw e hindi. Sa estado mong hindi makabwenger maiisip mo ba kung ano yung bwenger? Maiingit ka ba? Kawawa raw yung mga bulag (uulitin ko yung mga pinanganak na bulag) e hindi naman nila alam kung ano ang kulang sa kanila.

May nagtanong sa ‘kin dati -alam kaya ng mga tanga na tanga sila? Sabi ko, hindi naman siguro dahil tanga sila. Pero malamang alam nilang maraming mas matalino sa kanila. Pero ang bulag, hindi nila alam na bulag sila kasi hindi nila alam ang ideya ng nakakakita. Ang hindi ko alam e kung meron silang ideya na "Siguro merong akong kulang sa aking senses at mas madali kung bukod sa nakakapa ko laang ang mga bagay, maganda rin siguro ang kung meron ding picture." Pero pano niya maiisip yun? Pano papasok sa utak niya ang konsespto ng kita?

Nagbibigay ka ba ng limos sa bulag?

Hinde. Pero kung mahusay na gitarista nagbibigay ako pero hindi dahil sila e bulag kungdi dahil sila e mga struggling artists na walang recording contract. Kaya kung ako sa GMA 7, ang isusunod kong season ng Pino Pop Superstar e Pinoy Blind Superstar -mas makakatulong pa sila nun.

ang perv sa male cr sa sm southmall

Wednesday, March 8th, 2006

Ito ang CR na ituturing ni Michael Jackson na langit. Walang splash guards, ang harang na magbibigay sa ‘yo ng pee privacy, ‘ika nga ni Larry David.

Merong isang lalaki* sa SM Southmall na natatandaan ko na ang gimik. Madali laang namang mabuking dahil napakaobvious. Kasi para ikaw e umihi ng sampung minuto nang dire-diretso e malamang madehydrate ka na. Pati ang brain fluids mo e sasama sa ihi mo sa ganung katagal na pag-ihi.

Itong lalaking ito e pupwesto sa bandang gitnang urinal at habang ikaw e umiihi e sisilip ‘to nang sisilip. Dahil ilang beses ko na ‘tong nakikita sa Food Court ng SM Southmall na ganun ang modus e naghintay akong mabakante ang urinal na malayo sa kanya at doon umihi.

Pagkatapos ko e tinititigan ko sya para siya’y manliit (no pun intended -aba nagamit ko rin ‘tong phrase na ‘to na lagi kong nababasa laang). E ewan ko kung epektibo yun. Ganun rin naman yata yung mga pervs, parang mas natutuwa pa kapag nabababuyan ka sa kanila. Dapat ko kayang isumbong sa mga guwardiya?

E naisip ko parang nonsense.

"Guard, merong namboboso run sa CR ng mga lalaki."

"So?" na siguro ang pinakamahabang isasagot sa ‘kin. "Ika nga e anong mawawala e lalaki ka naman. Pero hindi pa rin nakakatuwa na halos lumapat na ang eyeballs ng katabi mo sa tyan mo ‘pag ikaw e umiihe.

Gumaya na laang ke George Costanza na stall guy kung talagang naasiwa ka.

*Note: hindi ko ginamit ang salitang bading para hindi mamisinterpret na lahat ng bading e ganito. Ang ginamit ko e lalaki dahil biologically spaeking e meron siyang lawit rin.

*Note: Ang nasa larawa n e iba pang CR; hindi ‘to yung sa SM Southmall Food Court.

sinesinukob # 8 memoirs of a geisha

Monday, March 6th, 2006

Isipin mong ginawang pelikula ng Hollywood ang buhay ni Rizal at pinili niyang gumanap e isang Malaysian -matutuwa ba kayo? bad trip ba? O sige, sabihin na nating hindi Malaysian kundi isang aktor sa katauhan ni Tony Leung ang napili. Okey pa rin naman di ba? At least magaling siyang umarte at medyo mukang Pinoy na rin naman. Pano kung sa halip na kunin ang iba pang all-star cast na nasa isip mo, tulad ni Rachel Anne Wolfe as Josephine Bracken, Ronel Victor as Paciano, yung batang model ng bareta ng sabon as batang Rizal, etc. e ang mga kinuha e ang mga Bollywood actors ang pinaganap, ikaw ba’y matutuwa?

Kunyari ito ang cast:

Aamir Khan as Jose Rizal.

Anil Kapoor as Jose Rizal.

Ikaw ba e matutuwa? Ganun ang pakiramdam ko habang nanonood ng Memoirs of a Geisha. Lalo sigurong bad trip yung mga Japanese at Chinese. Parang si Sven sa Curb Your Enthusiasm na nad trip noong napagkamalan siyang Swede samantalang Norwegian siya.

Bakit wala bang artistang Japanese na makukuha para gumanap? Kunyari Chiaki Kuriyama o kung sinuman. Bakit puro mga taga-Hong Kong  ang pinagkukuha para sa isang pelikulang Hapon? Dahil me hatak na sa Holliwood kasi ‘tong mga artistang ito.

Nasa larawan Zhang Ziyi -artistang hindi Haponesa.

Nasa larawan: Chiaki Kuriyama -artistang Haponesa

Kungsabagay si Hesus nga sa The Passion of the Christ hindi Hudyo gumanap, kungdi Kano. Kahit na… Santambak naman ang mga Hapones/ Haponesang artista diyan.