raw live tour: ang mga matches
Sunday, February 26th, 2006
Kakapanibago dahil bukod sa walang Titantron (para sa casual WWE viewer: ito yung malaking screen kung saan pinapakita ang mga videos ng entrance at mga nangyayari sa show) e wala ring commentary nina King, Joey Styles, at Coach (o ni JR na mukang di pa rin nagbabalik sa pagkocommentary)
At oo nga pala, ang show na to e mga dark matches, mga laban na hindi mapapalabas sa actual na Raw event. Kaya walang mga WWE cameras. Malamang ipapalabas ang mga highlights nito sa mga Livewire-Livewire (o Afterburn?).
Ang mga matches:
Dumating si Eugene na nakasuot ng Team Pacquiao. Kahit na talagang nabubuset ako sa wrestler na ‘to dahil nakokornihan ako sa abnoy gimik niya e okey na rin. Enjoy na rin. Si Tyson Tomko e malaki-laki na ang tyan, hindi tulad noong unang labas niya.
Tang inang kalaki ng katawan ni Masters! Marami rin palang natutuwa sa lokong ‘to. Patok yung pinapagalawa niya yung muscles sa dibdib niya. Nanalo siya laban ke Venis. Maayos naman yung laban. Marami-raming mga slams.
Rico: Kalalaking tao e no?
Ako: Kala mong mga mechs. Pwede tayong ipasok sa loob ng mga katawan nito.
Viscera vs. Snitsky
Kalalaking tao ng mga yun. Mga halimaw! Para ka na ring nasa front row dahil kalalaki ng mga ‘to e. Si Snitsky e parang yung Ecce Homo na Hesus ng Julugan (yung nag-iisip) na ginagamit sa prusisyon sa Mahal na Araw. Pano na kaya si Big Show, e di lalong anlaki nun? Talaga namang lumalagabog ang ring tuwing me naiislam sa mga to. At si Big Vis ang nanalo sa pamamagitan ng Samoan Drop.
Usapan nina Etey at Ian pagkatapos ng show:
Etey: Bad trip talaga yungVisagra* na yan. Kakaawa kung ikaw yung wrestler na magaganyan.
Ian: Mamili ka: iyan o stinkface ni Rikishi?
*Visagra -galaw ni Viscera kung saan pinapapataob niya yung kalaban niya’s kakadyutin sa pwet kuno na parang prion bitch.
*Stink face -galaw ni Rikishi kung saan ingungudngod niya sa muka ng kalaban yung pwet niya habang nasa korner ng ring.
Trish vs. Tori for the Women’s Championship
Kagaganda’t kasesexy nung dalawa. May pag-asa pa mga Pinoy ke Trish kase 5′4" lang ang listed height nito.
Pero talagang nagsimulang tumindi ang mga labanan nung ke Carlito vs. RVD na.
RVD vs. Carlito Caribbean Cool
Pag-entra ng music ni Carlito e itinaas ko kagad ang ginawa kong poster! Noong hinubad niya yung damit niya e naghintayan ang mga fans na ihagis niya dahil mukang ipamimiagy niya. At naghanap-hanap siya ng magandang pwestong mapupukulan. Naglakad siya hanggang sa dulo ng kurtina ng entrance at doo itinago ang ang damit na inaasam-asam ng mga fans.
“Booooo!” siempre ang mga tao.
Headbang ako sa pagpasok ng mala-Helmet na entrance theme musicni RVD. Matagal-tagal ring na-sideline to dahil sa injury. At dahil bihira na rin akong makapanood ng Raw lately e, halos parang ngayon ko laang siya napanood uli.
At putsa, lumilipad at sumisirko ang dating hari ng ECW. Dinala niya ang laban sa labas ng ring. Nakalasalampak ang leeg ni Carlito sa rehas na bakal na harang o
railing na tulad ng nasa larawan at sinirkuhan niya ito ng lumilipad na leg drop mula sa apron. Nagrolling thunder rin siya at kung anu-anong sipa. Kelan bibigyan ng Heavyweight level na championship ang taong ito? Panahon na, kesa yung si Rey Unano Mysterio pa ang pinapaburan ang career. Tang kalupit ni RVD kung skills ang pag-uusapan. Meron din namang mic skills, tulad nung pinamalas niya sa ECW One Night Stand, kung saan mas malawak kesa sa "Whatever" at "Cool" ang kanyang bokubolaryo.
Nagulat rin ako dahil hindi marami rin palang fans ni Carlito. An daming bumili ng t-shirt na ‘to dun sa “shop zone” nila sa Gateway.
Jett: Balang araw magiging parang Eddie Guerrero yan.
Ako: Oo nga.
Tingin ko rin magiging parang Eddie Guerrero yun na kahit madaya, mayabang, arogante, e sisikat at katutuwaan ng mga tao dahil nakakatawa. Marunong rin naman siyang mag-wrestle. Nakakapagdrop kick pa nga e.
Pagkatapos ng match e nagkaron ng 15-minute break. Hulaan ninyo kung me tuminag sa aming kinauupuan? Siempre wala! At sa sandaling ito sila nagpamigay ng mga libreng t-shirts. Siempre e hindi na umabot sa ming upuan yung mga pinamato ng announcer dahil wala naman siyang parang tube na shooter. Hagis-kamay laang yung mga t-shirts.
Ric Flair vs. Sheldon Benjamin for the Inercontinental Championship
Bago ang laban e inanunsyong meron raw bagong Intercontintal Champion noong isang linggo sa Raw. (Note para sa mga casual WWE viewer: Ang pinapalabas sa ‘tin sa Jack TV e delayed ng mga tatlong weeks sa actual time, kaya huwag magtaka kung makikita ninyong si Flair pa rin ang me suot ng belt)
Ang unang wrestler na nagsalita sa gabi. Sa wakas me nagsalita’t drama rin. Hindi kasi wrestling yun kung walang salitaan at yabangan na ganun. At nakapag-What na rin kami ng mga kapatid ko sa tunay sa WWE! Kami-kami laang kasi ang nagwa-Whatan sa bahay.
Jun Jun: Nakita mo ba yung…
Ako: What!
Jun Jun: … charger ko.
Ako: What!
Jun Jun: Gagamitin ko kasi…
Ako: What!
Jun Jun: Isang bar na…
Ako: What!
Jun Jun: lang ang
Siempre alam ninyo na ang patutunguhan ng usapang yun.
Nung napuno sa kawa-what si Benjamin sabi niya, “Cut it out. That’s starting to annoy me.”
Noong tumugtog ang music ni Flair e nag-bow kami ng mga kasama ko sa pormang sumasamba.
Tinawag niyang Flair Country ang Manila. Inanunsyo niya ring birthday niya at magse-celebrate raw siya with five Filipino women. Hehe.
At si Nature Boy pala e fit pa rin ang katawan. Yung tiyan niya e defined pa rin pala yung abs. Pero hindi naman mala-Rick Rude o John Cena. Pero ayos pa rin at hindi taba. Astig talaga si Flair sa mic. Bentang-benta ang mga pinagsasabi niya na sinasalubong ng mga "Woooooo!" sa mga fans. At ilang beses ring sumabog ang mga Momma’s Boy chant na pinangunahan ni Nature Boy Ric Flair.
At nakita ko nang gawin ni Flair yung figure four leg lock na ginawa niya ke Benjamin. Nakahawak nga lang to sa ropes kaya na-break yung hold. Eventually matapos makatanggap ng mga chops, low blows, sundot sa mata mula ke Nature Boy, e nanalo rin si Benjamin sa pandaraya. Humawak siya sa ropes habang pinned niya si Ric Flair. Dahil hindi nakita ng ref e nakalusot.
Triple H vs. Big Show, Streetfight
Announcer: This match is a streetfight!
Jett: Streetfight! Aabot hanggang EDSA yan.
Ako: Ipapa-choke slam at Pedigree ko si Randay David!
Rico: Ayos ‘to.
At sumabog (oo, nauubusan na ko ng salitang pangdescribe -dagundong, sabog, sambulat, yumanig ang buong lugar, etc.) ang Araneta noong tumugtog ang music ni The Game. Mangilid-ngilid ang luha ko e. Puta, astig talaga ang music niyang tinugtog ng matatandang metal rockers na Motorhead. Pang-main event talaga ang dating (oo, hindi main event tong match na to). Sayang nga laang at nakatalikod siya sa amin nung umakyat siya ng ring at ibinuga ang tubig niya. Taas kami ng mga kamay namin!
At puta, kalaking tao ni Big Show! Parang nasa front row seat lahat ng tao pag siya tiningnan. Akala mong kalabaw na pinatayo.
Inaabangan ng mga tao yung sledgehammer niya na kung tawagin niya e Equalizer. Kaso hindi niya nailabas. Ang mga armas na ginamit sa laban: extension cord, silya (siempre), at steel steps (na nag-iisa lang pala). Medyo bitin kasi wala yung Equalizer.
Inihagis ni HHH ang steel steps sa loob ng ring. Muntik pa niyang mabitawan. At doon sa steps niya sana ipe-Pedigree si Show kaso e naiangat siya nito sa isang mala-modified back body slam (o kung anuman talaga ang tawag run). Tapos e binuhat ni Show yung steps at ihahataw ke Trip kaso e naunahan siya ni The Game. Pinalo siya nito ng steel chair sa tyan. Nagtaob siyang una ang muka sa steps. Doon sa wedge ng steps e nasubsob ang ulo niya. Pinalo siya ng silya at ayun: 1-2-3. Panalo si Triple H.
John Cena vs. Edge with Lita for the Championship with Mick Foley as Special Guest Referee
Ito laang ang tanong ng mga babae kong kaibigan, kasama na si Meina dun: Pogi ba si Cena? Aba e pogi!
Ilang beses lumabas ng ring si Edge para pumunta sa piling ni Lita. Nogn naghalikan sila e pinagbawalan sila ni Mick.
Mick: I don’t want to see anything that disgusting again. You two kiss one moce time and you’re out.
Tawanan ang mga tao. React yung magshota na nababad trip at nagugulat sa sinabi ni Mick.
Mick: Unless, you wanna kiss my ass!
Tawanan uli.
Ilang beses nakapandaya si Lita. Sinasakal niya si Cena sa ropes habang dinidistract ni Edge si Cena. Pero nahuli rin si Lita at pinaalis ng ringside.
At ilang mga palitan ng blows at holds e inispear ni Edge si Mick. Sabay pasok ng isa pang referee at pagbabalik ni Lita. Natamaan uli ang pumalit na ref at nakatulog.Nalimutan ko na ang pagkakasunud-sunod ng detalye. Saka ko na aayusin.
Basta nanalo uli si John Cena. Binawian naman ni Mick sina Edge at Lita sa pamamagitan ng Socko.
At pinasalamatan ni John Cena ang mga fans na tinawag niyang the craziest, etc.
Balita ko sa August at October e Smackdown naman ang pupunta! Ayos, Batistang Pinoy naman! Malamang (sana) magaling na siya nun.






Narinig naming naghiyawan ang mga tao. Kala ko start na. Yun pala e yung ref pa laang. Lumabas siya para I-check yung turn buckles sa ring. Sigawan na yung mga tao at nagpalakpakan. 

Kanino kayang ideya yung papuntahin ang mga Bb. Pilipinas sa ring? Engot. Umani laang ng "Boooo" ang mga babaeng sa ibang pagkakataon e sisipulan ng madla, tulad ng Bingo Social sa isang fund-raising ng isang simbahan o kaya e kampanya ng isang pulitiko sa panahon ng eleksyon. C’mon, WWE to, bakit me pampatagal pang ganoon? Tanga.
Ni wala nga kaming pakelam sa nangyayari sa labas, sa mga nagrarally sa EDSA. 

Anything for a WWE brother in need. At ayun, nagpalitan kami ng cell phone number at e-mail. (Rico, eto na yung pics ninyo. Hehe. Ayos bang Live Tour? Pare, sa Smackdown uli!)
Bakit? Dahil dito. Kumain ko ng saging. Oo, kumain ako ng nakakatamad na saging na lokal. Kahit pakiramdam ko e pang-unggoy laang yung mga natitira sa ‘tin at yung ineexport natin ang pangtao. Mas mabuti na yun kesa pag pinulikat e ihirit uli sa kin yung saging agenda.