Archive for December, 2005

Oo, mahabang post na pamBagong Taon at walang kaakibat na picture

Saturday, December 31st, 2005

Dates. Dahil sa imbensyon ng kalendaryo e merong pagdiriwang ng kung anu-ano tuwing sasapit sa eksaktong date na yun sa bawat na taong iyon e sasapit. Halimbawa: birthday. Ipinanganak ka noong Jan. 15, sa tuwing darating ang Jan. 15 e isecelebrate mo yun kasama ang pamilya at mga kaibigan. Sa tingin ko ang New Year ang naunang naimbentong celebration (pwera na laang yung mga ibinabase ang pagsecelebrate a muka ng bwan, tulad ng Holy Week at Ramadan).

Sabi ng mga unang tao, “Dapat tuwing sasapit ang unang araw ng taon e isecelebrate natin yun. Dahil yun ang simula ng bagong taon e tatawagain natin itong Bagong Taon.”

Kahit noon pa e mas gusto ko ang Bagong Taon kesa sa Pasko. Magkahiwalay lang sila ng isang linggo kaya medyo parang pareho na rin ang selebrasyon. Pareho ang panahon, parehong malamig. Parehong inaabangan ang alas dose, pero mas epic ang dating ng Bagong Taon dahil merong mga paputok, maingay, mas festive kumbaga. At hindi ka kasing obligadong magregalo, di tulad ng Pasko.

Ang mas nakakatuwa sa Bagong Taon e yung merong mga superstition pang nalalaman. The best e yung kung anuman ang mangyari sa yo bago mag-alas dose e masasabihan kang isang taon kang ____________________.

Halimbawa: Bago mag-alas dose e eebs ka

sana

, kaso sa hindi malamang dahilan e nag-back out ang ebs mo. Isang taon kang hindi eebs nang ayos. Dito sa isang taong blank nakabase ang halos lahat ng pamhiing Bagong Taon.

Polka dots at mga handang bilog –ibig sabihin e pera, dahil hugis ng barya. Isang taon kang mapera kung me suot kang polka dots at me handa kang bilog. Mas ayos raw kung doseng bilog na handa dahil 12 months o isang buong taon kang magiging masagana. E kung inutang mo pambili nun, paano na? Isang taon kang masagana o isang taon kang me utang?

Aba

e ewan. Wala namang manual o set of rules dun tulad sa mga gameboards.

Pagpupuno ng kung anu-ano –tanda rin ng kasaganaan ‘to. Kaya dapat e puno ang drum ng tubig, puno ang bigasan, puno ang tangke ng gas, puno ang tank eng kotse, marami kang load sa cell phone, etc. Ewan ko kung ano pang puno ang maiisip eventually. Yung sa cell phone e nung nauso lang ang cell phone noong nauso. Baka pati load ng dial up na internet dapat puno.

Marami pang ganyan. Pero ang ishe-share ko ngayon e mga imbentong pamahiin ko at ng mga kaibigan ko. Hindi ko na lalagyan ng credit kung sino nakaisip at hindi natin nabili ang rights sa pagsulat ko sa blog ko ng mga ‘yun. E kung mabasa ninyo at husto ninyong macredit kayo, e sumagot lang kayo sa comments.

Pagsigaw ng “Babae” –magdadala raw ‘to sa ‘yo ng babae. Magkakatsiks ka raw pag isinigaw mo ‘to. Ginawa ko rin ‘to, pati pinsan ko e naengganyong gumaya rito. Di ko matandaan kung effective ‘to. Basta sa taong ‘to e hindi ko na kelangang isigaw ‘to. Mas maraming GF, mas maraming panonood ng mga sineng tulad ng Harry Potter at Exodus.

Panonood ng indie/ artsy/ kung anuman ang tawag dun na films –ipinangsalubong ko dati e panonood ng Clerks ni Kevin Smith. Para sa mga gustong gumawa ng sariling movie e ito ang pinakamagandang inspirasyon. Napakaliit na budget, B&W pa, pero putsa hanep a humor. Ewan ko. Pakiramdam ko lang magandang pangsalubong ang magandang movie.

Pero namputa, ipagdasal ninyo ang kaluluwa ko dahil ang una kong mapapanood sa sine ngayong 2006 e Mulawin! Oo, ang naknamputang Mulawin! Sa libreng TV nga ayokong pag-aksayahan ng panahon, maglalabas pa ng pera? Ewan ko. Gusto ng nanay ni Meina na si Dragon Lady, ng kapatid nyang dose anyos. Ewan ko kung talagang gusto niya ‘yun. Kung gusto niya ‘yun e idedeny ko na lang. Iisipin ko na lang na inaasar niya lang ako. Namputa naman Mulawin. Mulawin? Inunahan ko na lang ng pekeng DVD ng Curb Your Enthusiasm kanina. Technically speaking e hindi naman movie yun kung TV series. Sitcom.

Para

naman hindi buset ang pinakauna kong mapapanood.

Pagsusuot ng pula, pagyosi ng tabako, pagpapakalansing ng mga susi, at pagtayo sa pinakamataas na pwesto kumpara sa kinatatayuan ng mga kaanak mo sa bahay –lahat ng ‘to e galing lang sa isang tao. Ang pula obviously e ibig sabihin e swerte sa Chinese. Ang tabako e simbulo ng tagumpay, tulad noong nagchampion ang Bulls, binigyan si

Jordan

ng tabako. Noong nanalo ang Earth laban sa mga aliens sa Independence Day e nagtabako si Will Smith at Jeff Goldblum. At marami pang examples nito. Ang susi e nangangahulugang susi sa mga pinto ng oportunidad. Ang pagtayo sa pinakamataas na bahagi ng bahay kung saan mas mataas ang pwesto mo sa mga kaanak mo e para hindi ka nila mapangunahan o mapangibabawan sa diskarte mo sa buhay.

Ang nakakatawa sa mga pamahiing ito e pag minalas ka sa buwan ng March o August e hindi mo naman isisisi sa ginawa mo noong bago mag-Bagong Taon. Kunyari, naging lagi kang constipated, hindi mo naman ilu-look back o maaalala na, “Oo nga pala, hindi nga pala ako mapaebs noong bago mag-Bagong Taon. So kung hindi ka makascore sa chicks, hindi mo naman maiiisip sa banding September na, “A nalimutan ko kasing sumigaw ng Babae! noong bago mag-Bagong Taon.

Ano nga bang exciting sa pagdating ng Bagong Taon? Noong elementary ako natutuwa ako pag isusulat ang date sa notebook at bago na yung taon. Nakaka kasi, uuy, ibang taon na ang isusulat ko. Tapos kapag me kaklase kang yung lumang taon ang isusulat, masarap sabihin uy, 1988 na hindi 1987.

New Year’s resolution ko? Wala. Pangformal theme lang yun, hindi naman nasusunod. Sabagay nasusunod naman for a week. Sa loob ng isang linggo e hindi ako magmumura, tapos pagdating ng January 10, e "Asan na yung si putang nang anong pangalan nun?".

wwe sa pinas -meron na kong tiket!

Wednesday, December 28th, 2005

At pupunta ako sa WWE Raw Tour sa Araneta sa February 24! Hindi pa inaadvertise pero merong WWE addict sa katauhan ng kaibigan ni Etey na nagbalita sa kanya. At nakabili na kaim ng mga tiket. Sa Upper Box A kami sa halagang P2088.

Nanganganib ang aking perfect attendance award sa trabaho dahil Biyernes ‘yun. Screw the perfect attendance award! Kahit bigyan na nila ‘ko ng Goat Employee of the Year, ala akong pakelam. Basta makapanood ako nito! Kungsabagay, Feb. 25 e EDSA EDSA. E dahil sa style ni GMA, malamang e gawin niyang holiday ang 24. E kung hindi, e di ‘wag.

000_1120Napalampas ko yung dating show nila noong nagpunta sila sa ‘tin noong college pa ‘ko. Pero ngayong me trabaho na ‘ko’t pambili ng tiket, kahit harangan ako ng sibat susugod ako. Kasama ko mga kapatid ko at si Meina.

000_1122 Gusto ko sana e sa front row kaso e P10000 naman. Namputang si Vince McMahon e hindi pa minurahan ang tiket dito sa third world. Vince, ang sampung libpo rito e sweldo na buong buwan ng mga tao dito.

Sana e dumating si Batista. Half-Pinoy half-Greek ‘yun e (para sa impormasyon ng hindi nakakaalam). Kaso Smackdown na ‘yun e. Ayos na rin.

“Baka magulo kayo dun?” tanong ni Meina.

“Nagkukkwento pa nga lang ako sa ‘yo punung-puno na ng exclamation point. Hinahabaol ko na nga hininga ko habang binabalita ko say o ‘to. Ano pa’ng ineexpect mo?”

“E di mgaulo mga tao run?”

“Nakapunta ka nab a ng sabungan? Alam mo kung gaanong kaingay mga tao sa sabungan? E mga manok na nag-aaway ‘yun. Ito pa WWfuckingE!”

“Sinu-sino darating?”

“John Cena.”

“Yun OK.”

“Triple H.”

“Ayoko run.”

“Big Show. Kane. Kurt Angle. Carlito Caribbean Cool. Chris Masters.”

“Kapapangit naman.”

“Wrestlers tong mga ‘to, hindi boy band. Shawn Michales.”

“Yan ayos din.”

"Ito na ang date natin sa Velentine’s Day ha…"

"Sampung araw nang tapos ang 14 nun. Kilabutan ka nga diyan."

"Ako nga nakakatanggap ng regalong Merry Xmas at Happy Birthday! E 2nd week pa ng January yun."

tenchu atbp pinagkakatuwaan ngayong bakasyon

Tuesday, December 27th, 2005

Sa Enero raw e lalabas na ang PS3. Ni wala pa nga akong PS2, meron nang lalabas na 3. Kaawa-awa akong nilalang. Pero ayos lang kasi me emulator naman yung computer sa bahay. PangPS 1 nga lang. Ayos na rin kasi nalalaro ko uli ang isa sa mga paborito ko -Tenchu. Ilang oras din ang kinakain sa ‘kin nito sa isang araw.

Noong isang araw e nakaanim na sunud-sunod na episodes ng Voltes V (o Voltus sabi ng cover ng pirated DVD ko) kami ni Jun Jun. Japanese na subtitled ng English yung kopya ko. Nakakapanibago kasi noong sumigaw si Mrs Armstrong (o Mrs Go dito) e hindi “Steve, Big Bert, Little John!” kundi Kenichi, etc.

Sa loob ng anim na episodes na yun pala e maraming memorable na nangyari. Sa second episode yung pagkamatay ni Mrs. Armstrong, naroon din yung Butterfly Returns technique, yung pagbabalik ng kabayo ni Mark na si Alpha (Eiffel), etc. Magpapakasawa na ko sa pagba-bum dahil sa Enero e balik pasok na. At oo, wala pa rin akong pambili ng PS 2 nun. Wag na PS 3 at pangarap na lang yun.

ang mensahe mula sa kung sinumang holly yun

Tuesday, December 27th, 2005

Matagal-tagal rin akong hindi nakalog-in sa friendster. At ito ang ilan sa mga natanggap kong mensahe. Isang nanggaling sa kung sinumang holly yun na taga-Akron. Akron? Parang pangalan ng planeta.

Hi there,
My name is Holly, Your profile is pretty hott! We seem to have some things in common. So, I think its time that we got to know each other more.

What do you do these days for some fun?
What would you say would be an ideal first date?
Where have you traveled that would excite me?
Can you send me some more pics of you? You can see mine here http://annswepage.50webs.com/index.html

I am recently single, 5 months to be exact.I am 5-6′ tall. I have blond hair and I go to the gym 5 days a week, I’m in good shape physically. The best thing about me is, it’ll have to wait so let me just say my eyes, they are bluish green.

Well, for one message, that is enough info I guess, I don’t want you to think that all I do is ramble.

I hope to hear from you soon.

~ Holly ~

Yeah right. Chineck ko ang kanyang site at ito ang nakita ko. Oo, dapat mong i-click ang nakahighlight na salitang ito.

Bakit kaya lagi akong nakakatanggap nito. Kahit sa e-mail ko. Dahil ba sa e-mail address ko e hardcorepoetry? Pamagat ng kanta yun e. Yung kantang, “This is a song, not necessarily sweet. I’ll pass it on… etc. etc.”

O yung mga walang magawa, dumaan kayo sa site nito. Holly, nakalibre ka ng advertisement dito. Mga apat na tao rin ang nagbabasa nito.

star city, film pesteval, at pangangati ng kamay ko sa pagsapit ng holy week

Tuesday, December 27th, 2005

Bakit ba obligado ang mga taong pasayahin ang mga sarili pag Pasko? Dec. 25, ano ang karaniwang ginagawa para sumaya?

Mag-Star

City

o kaya e manood ng Metro Manila Film Pesteval. Iyon ang top 2 na gawain. Buti na laang at hindi kami nag-Star City. Naranasan ko ‘to dati, siempre laban sa ‘knig kalooban, na magpunta sa siksikang

Star

City

. Ride All You Can? Ride all You Can’t ‘kamo. Mas mahaba pa ang oras na ipipila mo sa dalawang minutong ride. Buti na laang at nakaligtas ako sa ikatlnog magkasunod na taon. Mas nag-enjoy pa ko noong ako e naisugod sa ospital dahil nadale ako ng allergy sa hipon, dalawa-tatlong taon na ang nakakaraan.

E kaso sa Film Pesteval naman ako hindi nakaligtas. Buti pa noong taong merong Crying Ladies, at least meron kang choice. E ngayong taong ‘to, namputa, mas maganda pang kumain ng isang banyera ng hipon para magkaexcuse sa panonood. Ano ba’ng line up?

·        Enteng Kabusitan 2 –corny. Sorry, pero lipas na ang komedya ni Vic noong nagwatak-watak sila ng TVJ.

·        Mulawin –Hesukristo! Hindi pa ba sapat na pamemeste yung ginawa nila sa TV?

·        Ako Legal Wife (Mano Po 4) –dapat sa unang Mano Po pa laang e wala nang dumagdag. Komedya ba ‘kamo? Ewan. Basta, nabubuset ako sa ideyang kelangan pang samahan ng Mano Po ang titulo para panoorin ‘to ng mga fans ng mga naunahang titulo.

·        Terrorist Hunter –movie ito ni Eddie Garcia at Dennis Roldan kung saan gumanap na kidnapper raw ang nahuli. Malamang makatotohanan ang pagganap niya dito –totoong kidnapper to e.

·        Kutob –puso mga Starstruck fuckheads ‘to, kaya ‘wag na laang.

·        Shake, Rattle and Roll 2K5 –sisirain lang nito ang alaala ng SR&S na tumakot sa ‘kin noong bata ako, yung ke Tetchie Agbayaning manananggal at yung Pridyider. Ai Ai? Namputa naman.

·        Exodus –Kung matitiis mo muka ni Bong at Jolo, baka umubra. At saka Erik Matti ‘to, baka me silbi. Ito ang pinanood namin. At tulad ng inaasahan ko: ang panonood nito e ang Exodus ng pera sa bulsa mo patungong Imus Productions. Sa kakulangan sa budget e pinaikli ang pelikula. Bitin sa adventure. Hindi ko na ikukwento dahil aksaya sa blog space. Kaya wala akong ganang manood ng mga adventure na Pinoy na nangangailangan ng mga special effects e dahil hindi sila makapagcommit nang lubusan sa paggasta. MEdyo nag-improve na rin ang effects natin kumpara sa panahon ng Super Wan-Tu-Tri. Pero sino pa bas a tin ang hindi nakakapanood ng Inggles na palabas na merong mas mahuhusay na CGs?

Palabas sa min noong Pasko, tulad ng mga nakaraang taon, e Jesus Christ Superstar. Dito e walang mahaba’t matagal na pagpila at wala ring mag-eExodus na salapi. Negrong Hudas na kumakanta, meron.

muslim cr sa divisoria

Thursday, December 22nd, 2005

Ihing-ihi na ko sa Divisoria Mall. Sa dami ng tao run ‘pag nakausad ka ng dalwang hakbang na wala kang hinahawing tao e maituturing mo nang tagumpay. Kaya’t ang makarating sa dulo ng building kung saan naroon ang CR e para na ring narating mo ang dulo ng ikapitong bundok kung saan naroon ang hinahanap mo sa adventure mo. (Namputa, walang sinabi ang Tri-Wizard Crap ng Harry Potter and the Goblet of Turd sa pagdidivisoria.)

E di nandoon na ko sa dulo ng building para unihi. Ayus na ayos. Kasarap ng buzzer beater na pag-ihi. Pupunta na ko sa banyo e merong karatulang nakasulat “Abdesalan, (Abesalan, Abessalam, aba e ewan) o wash area for Muslims”. Ha? Kelan pa nagkaron ng sariling ihian ang mga Muslim? Pagiging racist ba ‘to o ano? At sino ang nare-racist-an sa sitwasyong ‘to? Kase parang sa unang tingin e parang special privilege yun sa mga Muslim. Parang ano yun, sila lang pwede run? Na siya ngang kaso. Malamang. Pero pag inisip mo, para namang kabababoy nila kaya ayaw silang pagamitin ng banyo na pangkristyano. E ano nga kaya.

Sa labas e merong apat na Muslim na nakacostume na pangmuslim. Yung sumbrerong walang pantakip sa mata. Ewan ko. Bukod sa iniiwasan mong mainitan ang tuktok mo, di ba kaya ka nagsusumbrero e para matakpan ang mga mata mo mula sa araw? Yun ang suot nila at damit na dire-diretso hanggang paa. Sa mga kristyano mga pari nagsusuot nun.

Muslim_id Me goatee rin naman ako ng araw na ‘yun, sabi ko sa sarili ko e makapagpanggap na lang. Kaso baka ukitan ako ng mga salitan “infidel cur” sa aking atay pag mahuli ako. Sumenyas ako sa karatula at tumango sila sa kin. Maayos naman ang ngiti. Mababait naman. Kaya nagbow ako at sabi ko e “Namaste”.

“Sa baba meron pang CR.”

Kaya bumaba ako. Wala namang pahirap o ano. Habang binababa ko ang zipper ng shorts ko e narealize ko kung bakit me sarili silang CR. Sa mala-pari nilang damit magmumuka silang mga manyak pag inangat nila yun para umihi. Aaaah… yun pala.

Naalala ko tuloy ang usapan namin ng pinsan kong si

Elgin

. Nasa jeep kami at galing kaming Quiapo noon, mga five years ago, siguro.

Sabi ko, “Bakit hindi pa ko nakakakita ng seksing Muslim na babae. Puro matataba. Hindi chubby. Matataba. Tapos mga tatlong ganun ang pakakasalan nila?”

Sagot ni

Elgin

, “E paano’y dahil sa damit nila. Hindi nagsisinturon yung mga yun. Walang pumipigil sa tiyan nila kaya hindi agad nabubusog.”

Tapos dati me nakita akong mga Muslim na nagsha-shopping sa SM Bacoor at nag-aavail ng Christmas discount. Ano yun? Christmas sale, tapos bibigyan sila ng discount? Instantly. Ni hindi nila kelangang magpanggap na kristyano sila. Christ-mas. Kristo. Para sa mga naniniwala ke Kristo lang dapat yun. Mga infidel dogs tayo tapos mangdidiscount? Ano yun? Tapos sa CR e ayaw tayong pasaluhin? Kelangan ko pang magpanggap na Muslim kung talagang gusto kong pumasok. Yun ang pinagkaiba ng Kristyano sa Muslim. Padidiscountin ka niyan pag Pasko pero ang Muslim hindi ka paiihiin sa Abdesalam nila.

Bakit? Kasi hanggang ngayon e Old Testament pa rin sila samantalang ang mga Kristyano e New Testament na. Hindi pa nila nahuhukay ang pinagbaunan ng New Testament ng Qur ‘an kaya parang nagmemenopause na dios tulad sa Old Testament Bible si Allah.

Iiwanan ko muna kayo ng teaser ng gagawin kong post tunkol sa mga Kristyano at Muslim sa mga larawang ‘to.

4 

divisoria part 2

Thursday, December 22nd, 2005

Nanggaling ka na. Bakit babalik ka pa? Graaah! Wala talagang kaligtasan mula sa Divisoriang ‘to. Sa kung anumang dahilan e bumalik kami sa Divisoria makalipas ang isang linggo. Ang resulta: halos tatlong araw na lagnat.

Namputang kapalit yun sa ngalan ng pagtitipid. Nagpasama uli sa ‘kin si Meina. Ang dalawang items n dapat iwasan kung ayaw mapatagal –bags at sapatos.

000_1103

Anu-ano ang nabili ko? Dalwang sombrero sa halagang tigbebente.

000_1106 At… Dalwang DVD ng VOLTUS V! At oo, ganun ang spelling. Yaan na lang. Basta’t pag nagsalita na ang mga cartoons e Voltes V ang tawag nila e okey na. 

Pero at least e meron namang nangyaring kwento. Sa isang section e merong hawak-hawak na pitaka ang nanay ni Meina. Nakabalot yun sa plastic.

“Bawal hong buksan yan. Meron ho ritong sample,” sabi ng tindera.

“Hindi ko binubuksan. Gusto ko ngang bilhin.”

“E bawal hong buksan iyan.”

“Hindi ko nga binubuksan.”

“Bawal hong buksan yan. Meron hong sample,” sabat ng Intsik na me-ari. Mukang totoy-totoy pa. Bandang bente ang edad.

“Gusto ko ngang bilhin. Gusto ko yung kulay. Maroon.”

“Maroon. Ma-ma roon-roon,” ulit ng Intsik na totoy.

“’lika na nga. Wag na tayo rito,” yaya ng nanay ni Meina.

At umalis sila. Pero hindi pa ko nakakahakbang e narinig kong sinabi ng tindera e, “Sira-ulo…”

Binuweltahan ko. “Sinong tinatawag mong sira-ulo? Ano ang problema mo? Sabi niya nga e gusto niyang bilhen!”

Narinig ni Meina ang pagtaas ng boses ko. “Ano raw?”

“Narinig ko tong bumubulung-bulong. Sira-ulo raw mommy mo.”

A patay na ngayon ang tinderang ‘to. Nanay ni Meina, ang Dragon Lady ang hinamon niya.

“Hoy wag kang OA ha! Tindera ka lang dito. Masyado kang maksipsip sa amo mong Intsik a!”

At mukang sasagot pa ang Behong Totoy.

“Piao si! Bo le sa!” sabi ni Meina.

Nanlaki ang mga mata ng Intsik. Hindi nakasagot. Nakakatatlong tindahan palayo na siguro kami noong natauhan yun.

“Ano ang ibig sabihin nung sinabi mo?”

“Walang galang.”

"Kung sa pagtawad mo ba ginagamit ang Chinese mo at hindi sa pakikipagsagutan, malamang e mas nakatipid pa tayo."

Ewan ko. Siguro para sa kanya ang pagsasalita ng Mandarin e parang martial arts na sa self-defense lang ginagamit.

000_0516 Nasa larawan: Ako at si Meina, Kuha noong Oktubre.

divisoria part 1

Wednesday, December 21st, 2005

Dalawan Linggo ang ginugol ko sa pamimili sa Divisoria kasam ni Meina. Isipin ninyo ang dami ng tao sa All Saints’ Day at ilipat ninyo sa isang mall -iyon ang Divisoria. Ito ang ilan sa mga nabili ko sa 168 Mall:

000_1060_1Mga nakasabit na unggoy –P50 isa. Kung ano ang silbi ng mga unggoy na to bukod sa pangulet e ewan ko.

Shorts na pangsummer –P40.

000_1063 Pantalong merong konting tuldok ng matsa – natawaran sa halagang P190. Kung magagawa mong utusan ang utak mo na kalimutang me mantas ang pantaloon mo e ayos na rin. Kung heart breaks nga nalilimutan at napaghihilom, kapirasong mantas pa kaya?

Mala-ataul na bag –P300 (yata) Si MEina bumili nito kaya hindi ko alam ang eksaktong presyo. Mahal nay un sa level na Divisoria pero mura na rin kumpara sa mga mall. Yata.

000_1061 Spiderman –P200. Hanggang P195 lang ang natawad ko. Kahigpit nung Instik na me ari.

“Sige na, Intsikin mo na para makatipid makatawad tayo,” sabi ko ke Meina na merong dugong Intsik. Oo, me lahing Intsik ang kayumang bubaeng to. Kalakas ng dugo ng ina niya kasi kaya ganyan itsura. “Sayang ang ipinasok mo sa Chung Hua kung hindi mo magagamit sa pagtawad.”

Pero hindi siya matinag. Sa mga ganitong pagkakataon ko namimimiss si Iron Chef, ang tatay niya. Bukod sa pagluluto e napakalupit tumawad nun. Yung tipong mahihiya kang kasama sa baba kung tumawad. Pero oras na mabili ninyo ang tinawarang halaga e ipagpapatayo mo ng rebulto sa paghanga. 

Ang Spiderman na ‘to e me tumatalsik na tubig at me web shooter. Maganda naman ang proportion at mukang okey ang galaw ng mga limbs. Sa halagang P195 e ayos na. Ang tibay na laang ang kelangan pang mapatunayan ng panahon. Pagdating na masira ng inaanak ko to e malamang Pebrero na at hindi na ko makikita. Hehe.

Marami-rami pa kaming naibili, tulad ng skirt na pambatan, yung parang paldang sinusuot nung Megan na New Age Girl character sa Tabing Ilog, pambatang jacket, damit, etc.

000_1062 Eto ang da best sa lahat –ang mala-Chips Ahoy na chocolate chips na nabili ko sa tinderong nagkakariton.

“Bosing, bili na kayo. Pasalaubong ke Misis.”

Na sinagot ko ng kapwa low-brow na humor, “Oo, kesa ikaw ang salubungin ng platong lumilipad, no?”

Sa halagang bente anong lasa ang aasahan mo? E akala ko e meron namang lasa, parang Choclate Chips. Hindi primera klaseng chocolate chips, pero at least e chocolate chips. Tulad ng nasa picture.

Aba

e mas me lasa pa ang ostya sa simbahan.

000_1067 Pagbukas ko e eto ang itsura. Walang kaeffort effort na itago sa itsurang chocolate chips ang produktong ‘to.

000_1050At ang iiwan kong larawan ang kinuha ko sa Binondo Church kung saan kami nagpark. Ganito kahusay ang Pinoy sa pagsunod sa batas.

Hindi nga naman sinabing bawal magsampay ng damit.

pasko at ang pagdawdaw ko sa divisoria

Monday, December 12th, 2005

Matagal-tagal rin akong hindi nakapagposte sa blog ko.

At malapit-lapit na ang Pasko. Kahit papano e nararamdaman ko na rin ang simoy ng Pasko. Nagsimula noong narinig ko ang mga Xmas songa na niremix sa

Linkin

Park

noong nagPuregold kami ni Meina.

“In the end it doesn’t really matter!

I tried so hard to ________ (kung anuman ang susunod na linya)

Tapos sasalimbayan ng

“Last Christmas I gave you my heart

The very next day you gave it away… etc. etc.”

Balik Linkin Par tapos Xmas song. Salitan. Hindi ko alam kung mas maayos pa yun o yung tunog ng tatlong sets ng Xmas lights sa barangay hall sa min. Pawang mga musical musical yun at lahat e tumutugtog. Siempre kahit anong gawi mo e hindi magsasabay ang tugtog ng mga yun. Kahit tatlnog tao pa kayong bumilang ng one-two-three

Malabo

pa ring mapagsabay ninyo.

E pero ang da best na kantang pampasko e sa Aegis. Soundtrack namin noong tinanggap namin ang thirteenth-month pay namin.

“Ibigay mo na ang Christmas bonus (bonus!)!

Pati nang thirteenth-month pay para lahat okey na okey!”

E sa inaanak rin naman napupunta.

Ika nga ng nakasulat sa t-shirt sa Bambang, ang four stages in life e:

  1. You believe in Santa Claus.
  2. You don’t believe in Santa Claus.
  3. You ARE Santa Claus.
  4. You LOOK like Santa Claus.

Nasa gitna ako ng 2 at 3. Hehe.

Para

na rin akong Santa Claus nito, hindi nga lang sa tunay kong anak pero sa ibang mga bata. Solusyon? Divisoria.

Oo. Pumunta ako kahapon.

Ano sa dami ng mga nilalang dun sumugod ka?

Ganito lang iyan. Anong katangian ang mananaig sa katauhan ko? Uunahin ko ba ang kawalang tiyaga ko sa ganyang klase ng kumpulan ng tao? O pangingibabawin ko ang kakuriputan ko? Sa nakakakilala ng alamat ng kakuriputan ko e alam na ang sagot dito.

Teka, i-flashback ko muna kayo sa panahong ang minimum wage e P1.50 at ang pamasahe mula Tanza hanggang Noveleta e tres pesos laang. At one point noong nag-aaral pa ko noong college at ang pamasahe ko mula Tanza hanggang UST e P13 laang, oo trese laang, e P26 lang ang nagagastos ko balikan pag M-W-F. Ang schedule ko noon e pepwedeng magbrunch ako sa bahay, tapos e magmeryenda ng bahaw pag-uwi ko sa amin ng banding 2:30. Kahit kendi hindi ako bumibili, nag-aabangan laang ako ng mahihingian. (Mga dati kong kaklase sa UST –yoohooo! Hehe) Mga tatlong linggo lang ‘to kasi nagpabago ng sked ang prof na buset (Mga dati kong kaklase sa UST -tatlong linggo lang akong nanghingi ng kendi ha. Tang na mo Arthur, wag kang ngingiti-ngiti diyan, aba e mas Ilokano ka pa sa taga-Ilocos Sur –Hehe).

Pero i-overwrite ninyo na ang dalawang naghaharing katangiang ‘to dahil nariyan si Meina, ang isinakarneng katauhan ng dios ng lumang tipan. “Thy will be done,” ika nga. So ayun sumugod kami sa Divisoria alas siete ng gabi, kasama ng kapatid niya’s nanay.

Bukas e ipoposte ko ang mga nangyari sa misyon naming bumili ng regalo para sa mga inaanak. Sulit ba ang mala-PRC pag deadline ng pagfa-file sa LET sa dami ng tao (kung hindi ninyo naranas tong PRC, All Saints’ Day na laang ang imagine-in mo), ang pakikipagsiksikan, ang hirap sa pagbibitbit, byahe, etc. kumpara sa matitipid ninyo?

eddie guerrero marathon

Sunday, December 4th, 2005

Eddie_guerreroDahil three weeks na late ipinapalabas sa ‘tin ang mga WWE shows e ngayon lang ipinalabas ang mga tribute episodes ke Eddie Guerrero. Namiss ko yung last match ni Eddie sa Smackdown, yung laban ke Mr. Kennedy. Kaninang 9 AM e inireplay. Napanood ko. Pucha, vintage Eddie Guerrero rin yun. Medyo maigsi nga lang yung laban, pero naroon yung pagbabalik ng sigla ng career niya bilang lying, cheating and stealing na Eddie. Ginamit niya yung gimik niyang pagnawalan ng ulirat saglit ang referee e kukuha siya ng silya. Pag naikta niyang parang lilingon na e ihahataw niya yung silya sa mat at ihahagis sa kalaban para magmukang pinalo siya ng silya sa ulo. E wala pang talo si Mr. Kennedy nun. Umepek yung gimik, nadisqualify si Kennedy. Kulit e.

Kagabi pinalabas yung RAW at kanina yung Smackdown. Iyakan ang mga wrestlers at fans e. Bad trip talaga. Kakalungkot.

Nung bandang 12 noon e pinanood namin ni Jun-Jun yung Cheating Death Stealing Life CD ni Eddie Guerrero na binili para sa ‘kin ni Meina. Apat na oras rin yung video nay un. Eddie Guerrero Marathon ako weekend na ‘to, lalo na ngayong araw na to. San kaya makakabili ng arm band na EG?

Tinext ko ke Meina na hindi muna ako mag-aahit bilang tribute para ke Eddie.

"Pwd bng d muna ko mag-aHit bilang 3bute ke Eddie Guerrero>"

"Ano ka! D pwd!"

Hindi nakalusot. Kung si Daniel Radclit yung namatay at sinabi niyang papasok siya sa school na nakasakay sa walis-tambo papayag naman ako. Ayos lang, ibinili niya ako nung video ni Eddie.