harry potpot in takeshi’s castle
Tuesday, November 29th, 2005Wala talagang kalatuy-latoy ang Tri-Wizard Cup na pinanalunan ni Harry Potpot. Sinabi ko sa nakaraan na mas matindi pa ang mga pagsubok sa Takeshi’s Castle, ang Hapones na TV show. Para sa mga mambasabasang hindi pa pinapanganak noong ipinalabas to sa atin, ang Takeshi’s Castle e inspired ng mga video game na reality TV, bago pa man nagkaron ng mga Extra Challenge, Fear Factor, at kung anu-ano pang reality TV challenge ek-ek.
Kung sumabak kaya si Harry Potpot doon e mangyayari sa kanya? Pinilit kong maging objective sa pagsusulat nito. Base sa mga napanood kong Harry Potpot movies at episodes ng Takeshi’s Castle e inassess ko ang tsansa niya. Kakayanin kaya ng buto niya ‘to? At ika nga ng mga mahilig gumamit ng usong slang e “kakayanin kaya ng powers” ni Potpot ‘to?
Unang pagsubok: Ang pader. Kung sa Goblet of Fire e isinuka ang pangalan niya (kahit na me napili nang taga-Fagwarts), dito e iba ang sistema. Ang mga napiling mala-isang daang tao e aakyat sa pader para makaalagwa sa mga susunod na pagsubok.
Hindi kaya ni Harry Potpot na umakyat kaya dinaan niya sa powers-powers at sumakay sa lumilipad na mahiwagang walis tambo. Nakaalagwa naman siya. Lusot si lembot.
Ang sumunod e pagkapit sa mushroom. Madali lang ang objective. Kumapit ka sa kaboteng higante at tumalon ka sa kabilang isla. At dahil sa kailangang kumapit siya ng dalawang kamay e nabitawan at naihulog niya ang kanyang lumilipad na mahiwagang walis tambo.
“Blimey!I dropped the fuckin’ broom.”
Kapit-tuko ang batang takut na takot. Nanginginig ang tuhod at namimitig ang kanyang mga braso. Gusto niya nang sumuko pero naisip niya si Weasley.
"I shall not fail you, Ronnie."
At ilang saglit pa e nakita niya ang sariling ilang pulgada na lang mula sa isla. Tumalon siya. Nakalusot rin naman kahit papano. At nakaalagwa naman siya sa kabilang dulo. Nakaalpas siya sa pagsubok na ito. pero, pagkapa niya sa bulsa niya e nalaman niyang nahulog naman ang mahiwagang wand niya.
"Blimey! I dropped my magic wand."
Ang sumunod ay ang bowling. Para malaman ang pwesto ng manlalaro e bubunot sila ng numero. Swerteng otso ang nabunot niya dahil sa likod siya napapwesto. Kakabug-kabog ang dibdib niya. Dumagundong ang gumugulung na higanteng bato. Sumalpok ito sa gitna. At sa unang tingin e mukang strike. Lumihis ito nang konti at hindi tumaob lahat. Tumimbuwang ang mga numerong 1, 2, 3, 4, at 10. Nakaswerte si Harry Potpot.
![]()
"I think, I shat my trousers."
Ang sumunod e ang pagsalpok sa pader. Ang iba e solidong pader na pinintahan, mala-cartoons. Merong namang tunay na daan. Ang nauna ke Harry Potpot e sumalpok sa pekeng pinto. Nabalian siya ng balikat. Kinabahan si Harry Potpot. At parang ayaw na niyang dumiretso. Pero naalala niya ang sinabi sa kanya ng gay lover niya na wag sumuko. Pikit-matang tumakbo patungong isa sa mga lagusan si Potpot. Napunit ang pintadong lagusan. Yari lang sa papel. Pagmulat ni Potpot ng mga mata niya e hindi siya makapaniwalang nakalusot na naman siya.
Ang sumunod na pagsubok e sumo wrestling. Palabunutan uli ito. At ito ang tumambad sa kanya. S i Shino-Ryu, ang pinakamabigat na sumo sa team ni Takeshi!
“This guy’s a whale. Ron, hug me. I’m scared.”
Dinapuan na naman ng swerte ang Harry Potpot dahil sumakit ang tiyan ni Shino-Ryu. Umayaw ito at nanalo siya by default. Sumakit nga ba ang tiyan o me ginawa si Hermione?
Ang sumunod e ito. Santambak na nagkalat na batuhan ito na nakausli sa tubig. Ang iba nito e peke, yari lang sa styro. Ang iba e totoong semento.
“How amI to proceed this challenge?”
“You just run like Forest Gump.”
“Will that work?”
“If it worked for a retard, it’ll work for someone as strong as you.”
“Run, Harry, run!”
At sa ikalimang bato ay peke ang natapakan niya. Hindi na siya umabot sa iba pang pagsubok. At dito natapos ang kanyang kasaysayan.
"I need a hug. Yup, I admit. Tri-Wizard’s child’s play. Takeshi’s Castle is the big league. Take me back home to Fagwarts. This was all a mistake."
"Harry, you cunt. You let Fagwarts down."
![]()









“Mahal ng anak ko ang dalaga mo. Pagbigyan mo na kami at wikain ninyo ang katumbas na halaga ng inyong anak at ang regalong nais ninyong matanggap at aming ibibigay,” wika ni Hamor ke Jacob.




Bad trip e. Isa sa pinakamahusay na wrestlers to ng WWE sa aspeto ng mat skills at acting. Yun ang da best sa kanya. Hindi siya puro hype lang at arte (na anaknamputang kagaling niya) pero pagdating sa laban e makakaexpect ka ng mga intense match-ups, mga technical na moves, etc. Kahit bida o kontrabida e patok sa fans. Magaling kumunekta sa fans at alam kung pano kukuha ng reactions.
Tuwang-tuwa talaga ako noong nagchampion sya laban ke Brock Lesnar at saka noong nananlo siya sa Wrestle Mania XX laban ke Kurt Angle noong niluwagan niya ang boots niya para makapandaya. 


