Archive for October, 2005

electric fan

Wednesday, October 26th, 2005

000_0762_1 Naninibago pa rin ako dito. Tuwing tatayo ako sa tapat nito e pakiramdam ko’y merong buwitre/ gargoyle/ o kung anumang ma-imagine na bagay na nagle-lurk sa ulunan ko. Ngayon lang ako nakakita ng banyong merong electric fan.

portfolio

Tuesday, October 25th, 2005

Dapat e nung Biyernes ko pa naipasa ang portfolio ke Mr. Fumar kaso dahil sa pagiging busy sa SISC at extrang bagay (mga pag-aaksaya ng oras sa kung anumang anyo) e hindi ko naibigay. Pumayag naman siya na sa Lunes ko ibigay. Pero tulad ng istorya nung portfoliong hindi ko naipasa noong Biyernes e hindi ko rin naipasa uli.

Eto, Miyerkules na at ipapasa ko na ang portfolio. Halos mag-leak mula sa tenga ko ang kaluluwa ko sa pagsiksik sa kin ng matabang aleng tumabi sa kin sa bus (at oo, nagtaas na rin ng pamasahe ang Arabia Boy Bus Lines, pero kumapar sa P38 ng TAS e ayos na rin ang P33) byaheng Lawton.

Unang_grupo_057

Nasa larawan mula sa kaliwa: matabang ale at ako. Hindi kita: Pag-alpas ng kaluluwa ko.

At naiwan ko pa ang reg form ko.

Sana e hindi nawala. Eto nakatago sa bulsa ko ang visitor’s ID.

At ang bumulaga sa kin e mga bakanteng kwarto. Walang anino ni Fumar o kung sinumang instructor kahit sa canteen. Tanging isang kapwa engot kong estudyanteng babae lang ang nasabat ko sa hallway.

Sa labas e me nakita kong janitor. “Manong, me pasok ba ang mga teacher?” tang ko sa pag-asang baka nag-early lunch lang sila ng alas onse.

“Wala.”

“E kahapon ho?”

“Ewan ko.”

Ganitong klase ng usapan ang dapat mong tiisin kung hindi umabot sa takdang panahon.

tinapay ng buhay

Tuesday, October 25th, 2005

Unang_grupo_053

Nakakasira talaga ng mood pag ikaw e nakaupo sa bus at merong basta na laang me taong magsasalita ng tungkol sa salita ng Diyos. C’mon, hindi naman kapos sa advertising/ marketing campaign ang salita ng diyos. Karaming nakaimprentang kopya ng bibliya. Bawat bayan e merong simbahan/ sambahan/ templo ng diyos. Bawat kaibigan mong nagbabagong buhay e isinasama sa sentences niya ang salita ng diyos. Pilipinas naman ‘to. Metro Manila ‘to. Hindi ito dulo ng disyerto ng Iran. Kulang pa ba ang pagpapalaganap nito? Bakit kelangang sa bus, sa palengke ng Tanza, sa intersection pa ng Casimiro ito ipalalaganap? NOISE POLLUTION laang iyan. Siempre alam ninyo na ang sagot sa tanong -LOVE OFFERING.

"Ang inyong pagtulong ay hindi nasasayang sapagkat para ninyo na rin itong ininvest na kayamanan sa langit. Ang kayamanan sa lupa ay nabubulok, kinakalawang, nginangatngat ng daga, ngunit ang kayamanan sa langit ay habambuhay, ayon sa Mateo…" 

tinapay

Friday, October 21st, 2005

Katatapos ko lang mag-almusal. Bungad sa kin ng co-teacher ko, "Kumain ka na? ‘Yo na lang ‘to."

Tinanggap ko ang inabot niya sa aking bagong pagkain sa 7-Eleven, ang Jumbo Tops. Pagsayad ng kutsara’s tinidor ko e alam ko na ang storya. Puro breading, akala ko sa Goldilocks galing ang breaded chicken fillet rice toppings, parang yung Zesty Garlic Chicken Sandwich ng Wendy’s.

000_0632_1

7-Eleven’s Jumbo Tops. Not shown: little amount of chicken

Pero pagkumparahin mo ang dalawa e mas me chicken naman to. O baka naman mas mabait lang ang rating ko dahil hindi ako ang gumastos nito?

Solusyon? Tanggalin ang chicken mula sa singkapal ng Islander tsinelas na breading at ihalo sa Mongolian Rice in a Box.

000_0623

hindi-hindu

Friday, October 21st, 2005

Madyo napatagal ang meeting namin. Shet. Dami ko pang ipapasa sa PNU bukas. At sa group work e mukang ako laang ang nakagawa. Free ride na kamembro ko. Ayos lang. tropa naman. Basta makapagpasa.

Sabi ko sa sarili ko e kelangan ko ng break. Kahit hindi naman ako gutom naisip kong huling araw na ng mga booth sa school (SISC) at ibig sabihin nun e huling araw na rin ng masarap na bente pesos na mojos. Tumayo ako mula sa computer unit at pumunta ako sa labas, sa mga booths.

“Isang order ng mojos,” sabi ko sa nagtitinda.

Sa kaliwa ko e me lalaking nagtatanong tungkol sa carbonarang itinitinda sa stall ng mojos atbp. “Miss, anong sauce niyan?”

“White sauce na may ham.”

“Magkahalo na yung ham?”

“Oo. Muslim ka?” tanong ng tindera.

“Hindu.”

“Ano? Hinde? E ano?”

“Hindu.”

Paglingon ko e si Alfred Guevarra pala ng Wuds. Kaso tinawag ko siyang, “Aji!”

“Alfred.”

“Alfred pala.” Si Aji nga pala e drummer nila. “Hindu to. Wuds to,” sabi ko sa tindera.

Nagkakwentuhan kami ng konti. Sinabi kong fan ako, Kinwento kong pinanood ko sila sa Montano Hall sa Cavite City, yung kasama nila ang Intermidya. Yun palang henna tattoo booth dun e kanya. Nagtatattoo yun e (para sa impormasyon ng mga inosenteng nagtataka). At kung anu-ano pang kwentuhan.

“Alam kong hindi ka rockstar o ano, pero pwede bang pakuha ng picture?”

“Okey lang.”

At pumows naman siya.

000_0644

Noong umalis ako mula sa tattoo booth niya e parang nawala na yung burden ng pag-iisep sa mga requirements sa PNU. Ewan ko. Hindi naman Zen-Zen yun o ano. Wala lang, parang nagpahinga lang utak ko.

107_0743

Kaliwa: Bobby Balingit na maganda ang asawa. Kanan: Alfred Guevarra Hindi pinapakita: Asawang maganda ni Bobby Balingit

bata

Tuesday, October 18th, 2005

000_0479 Nanggagantso lang kaya ang KFC? Aba e katagal na nitong picture sa alkansya ng batang ito e! Aba e buhay pa ba to? Naoperahan na ba? E bakit siya pa rin ang nasa picture? E ayan o 2003 pa.

side gay

Tuesday, October 18th, 2005

International Week na namin sa SISC. At bilang panimulang handog e konsyerto ng Side A. Oo, Side A para sa mga batang mula pre-school hanggang college ng SISC. Me promo pa. Kung 100% ng section ninyo e bumili ng tiket, meron kayong papremyong KFC party. E di siyempre, papabili mga bata sa mga nanay-nanay at tatay-tatay nila. Para lang malaman na ganun pala ang Side A.

E wala nang nanonood niyan. Third year high school pa ko nung pumatok ang Hold On nila a. Mukang patugtog-tigtog na laang sa mga otel-otel to. 

At ayun nga nanood ako ng concert ng Side Gay. Ang front act e KJWAN (pronounced as kwan). Ayun, ang tunog kwan-kwan din.

000_0380

Patuk na patok sa mga taga-accounting department ang Side Gay. Kung ang Aegis e mga reyna ng  beerhouse rock, ang mga hari/ reyna ng accountant rock e Side Gay. At mula sa bandang gumagawa ng mga kantang Hold On at For-ever-ever-more e naging whore rock na sila, tulad ng mga dating show band sa mga bar na tumutugtog ng kahit ano. Mga 90% siguro ng kinanta nila e cover. Ni hindi nga nila kinanta ang Hold On nila e. Pero aminado kong nabuhay ang dugo ko noong kumanta sila ng mga Queen covers. Ahahay, si Joey Generoso lumalabas ang pagkaberde ng dugo pag Queen ang kinakanta.

Narinig raw ni Meina off mic si Joey Generoso na nagsabi, “Kundi lang nagbayad to, sasampalin ko nang walang humpay ang girlash na to!”

000_0416_2

Pero okey din ang concert dahil natuwa naman si Meina. Minsan mo lang makikitang natutuwa yun sa kung anuman.

paawa

Sunday, October 16th, 2005

Kumakain ako sa Dampa-dampaan sa Phase 1 ng BF, kasama ng mga kasama ko sa trabaho, noong pinakita sa TV ang imahe ng mga nagrarally ke GMA. Binobomba sila ng firehose. Kasama ng mga walang pangalang tao e sina Guingona, Ja-Ja-Jamby at kung sinong pari ‘yun. Sabi nila mga reliyoso at mga pari raw yung binomba ng tubig.
Rallyists

Habang nanonood nito e kung anu-anong comment ang naglabasan mula sa mga kasama ko. Hindi ko na isusulat kasi narinig ninyo na rin sa mga jeepney driver, magmamani, kasama ninyo sa trabaho, etc. yun. Wala na ring bago.

Etong sa ‘kin (malamang hindi na rin bago, pero blog ko to kaya kung ano nasa isip ko e sasabihin ko):

Bakit naka-costume na pampari yung mga pari? Para ano, sa dramatic effect? “Kawawa naman yung pari, binomba ng tubig?” Yun ang gusto nilang reaction? Kalokohan. Nagpapaawang mga nilalang. Pag ba me nagsasabong o nagbi-beer house (twisted red cross, di ba sa Isabela meron?) ang mga pari e nakareligious costume pa rin? Hindi naman a. For effect lang yun. Paawa. Ibig ba nilang sabihin, kung kunwari si Alvin Patrimonio e sasama sa rally, isusuot niya yung number 16 niyang jersey sa Purefoods? Labo ng mga paring yun.


At muka namang nag-eenjoy sila o. Parang wet t-shirt contest. May naging magka-close pa nga… Rallyistslove
“Wag dyan, me kiliti ako dyan. Ahay!”

2977

Sunday, October 9th, 2005

Padala sa akin ng 2977 (yung Globe na nampopropaganda na minsan e kala mo’y meron kang message yum pala’y 2977 laang): (note: ang spelling na pangtext e hindi binago para sa epek) Nomin8d n nman c RACQUEL! Masave kya cya vs CASS sa PinoyPigBrother? (Oo, PinoyPIGBrother) TXT ON BBNEWS to 2366 for daily upd8s… etc.

Ano e pakelam ko sa mga rachel rachel na yan? Pampabobo lang yang palabas na yan.

pelicula

Tuesday, October 4th, 2005

Sa halagang trenta pesos e meron ka nang tiket sa Pelicula at me libre ka pang isang sachet ng Colgate sa GreenBelt. Nanood kami ni Meina ng Lunes Al Sol noong Linggo.

000_0222At yeah! Nabili ko rin ang librong ‘to! Matagal ko nang gustong mabasa to. Ayos na ayos to. Nasa pang34 na pahina pa lang ako. Naalala ko yung panahong nagtu-tour kami nina Error, Twisted Red Cross at Oslac sa malayong Norte at South (Soute?), na tanging sapat (o salat) na salapi at lakas ng loob at konting damit at santambak na casette tapes lang ang baon. Walang plano-plano basta larga lang. Bahala na kung saang mumurahing motel, inn, chappel, kami matulog/ makitulog. Basta ang mahalaga e makapunta ng Abra, Aparri, Tuguegarao, Baguio, Bicol, Vigan, etc. at makita ang buhay nila doon, ala Road Rules ng MTV at Lonely Planet. 

At noong nakupo nga pala kami sa malambot na kutsong upuan ng Music1 e sinita kami ng guwardiya at sinabing, "Bawal hong magpicture dito."

"Okey."

000_0213

Kaso huli na siya. Etong larawan namin. E pano ang cell phone na me camera? Pano nila pipigilan iyon? Wala namang natamaang logo. Maaadvertise na nga sila kung sakali. Nandiyang santambak ang pirated, nagsusuplado pa. Hehe.