Archive for July, 2005

subliminal message ng w.i.t.c.h

Friday, July 22nd, 2005

W1itches_yeah_3

“Bili mo naman ang sister ko ng sister ko ng W.I.T.C.H.,” sabi sa kin ni Meina.

“Ilublob mo na lang sa child prostitution ang kapatid mo,” sagot ko.

“Anong klaseng sagot yan?”

“Alam mong subliminal message ng komiks na yan?”

“Subliminal message na naman? Lahat na lang may subliminal message.”

Kumuha ako ng ilang kopya ng nakadisplay na W.I.T.C.H. sa rack.

“Tingnan mo ang katawan nila. Mga ilang taon sa tingin mo ang mga yan? Dose. Trese. Katorse. Hindi na aabot pa sa third year high ang mga yan. Tingnan mo ang mga katawan nila diyan sa Sheffield.”

At tiningnan niya nga.

“Ngayon?”

“Tingnan mong mabuti ang bust size nila sa Sheffield. Ikumpara mo sa size nila sa Kandrakar. O bakit biglang lumaki? Tingnan mo, pwede na silang pangkalendaryo ng alak diyan sa katawan nila sa Kandrakar.”

Pinag-aralan niya ang mga artworks.

“Maluwang lang ang mga damit nila sa Sheffield. Sa Kandrakar kasi spandex.”

“Mali. Kumuha ka ng tracing paper. Babakatin ko ang katawan nila sa loob ng mga damit nila sa Sheffield at ikukumpara natin sa Kandrakar. Makikita mong mas sexy silang di hamak sa Kandrakar.”

“Oo nga no!”

“Sabi na sa yo e. Ano ang ibigsabihin nun? Ang Sheffield ang kanilang tunay na buhay. Bata. Pinagagalitan. Merong mga gawain sa bahay. School. Homeworks. Projects at kung anu-ano pang lahat ng hassle sa kanila. Sa Kandrakar, dun nagaganap ang lahat ng kanilang gusto. Iyon ang kanilang fantasy world. Sexing katawan. Boys. Powers ng tubig (wet dreams), apoy (naglalagablab na passion), lupa (makalupang pagnanasa) at hangin (ewan kung ano yung hangin). Dun sila tumatakas sa mundong iyon ng Kandrakar kung saan mas sexy sila’t may powers. Meron pa nga silang astral drops. Iwas talaga sa mga responsibilidad at trabaho.”

“Hindi ba superheroes lang sila?”

“Ang superheroes inililigtas ang Eart. Hindi naman Earth inililigtas nila kundi Kandrakar -ang kanilang fantasy world. Ang sex fantasy world nila ang at stake, hindi mundo, hindi Townsville, hindi Metropolis, hindi Gotham. Ang pimp nila e yung kalbo -si Oracle, ang kunsintidor na na tagapangalaga. may gusto pa sa kanila yun.”

“Wala namang gusto sa kanila yun.”

“E ano yung mission nila na gisingin yung batang anak ng kalaban nila, si Maqi. Di ba yung bata e hindi nagsasalita, hindi nakikipagcommunicate, hindi nagpapakita ng emosyon. Ano sa tingin mong sinisymbolize nun? Kailangan ko pa bang i-spell out?

“Halika, hanap na lang tayo ng Archie Comics.”

“Alam mo bang…”

casshern!

Thursday, July 21st, 2005

Tigas-panga sa aksyon! Pagbubuhulin ni Casshern ang Fantastic Four! Kokontakin ko si Mang Pileng at papagawa ako ng maskarang gawa sa yero. Tapos e maninipa ako ng soda vending machine.Casshernmain_1

ebs

Monday, July 18th, 2005

Kung hindi dahil sa nakita kong mga batang tumatae sa tulay sa Lawton, hindi ako magsisimula ng pag-uusap sa isang jeepney driver. Pero kahit siguro ikaw ang makakita ng ganun e mapapasalita ka rin nang kahit papano. Mga apat na batang edad dalawa ang nakahilera, nakakapit sa rehas, ang nagsisitae nang walang pakialam sa tulay ng Lawton.

“Ayos,” sabi ko sa katabi ko. Sa unahan ng jeep ako nakaupo. “Napapabayaan na lang.”

“Dapat kinukuha ng DSWD ang mga ganyan,” sagot ng katabi ko.

Sumabat ang driver at may sinabing hindi ko naintindihan. Yung mahina na umoo ka na lang dahil nakakahiyang ipaulit. “Niloloko na tayo ng gobyerno. Tayong maliliit ang inaapakan.”

“Oo nga. Gulo na, no?” sagot ko. “Tapos may E-Vat pa yata ang gas, di ba?” Wala talaga akong alam sa mga news news, current issues-current issues na yan. Kaya walang kwenta ang mga opinion sa politika. Hindi ko alam ang detalye sa GMA Hello Garcing iyan.

“Ano? Lalagyan pa ng buwis ang gas?! Magkano na ang magiging presyo ng gas? E di isangdaan na ang pasahe niya?” sagot ng driver na mukang aatakihin na sa puso.

“Bad trip, no?” sagot ko. Sabi na sa inyo walang kakwenta-kwenta ang mga komentaryo ko.

“Isipin mo knug isangdaan lang sweldo mo sa isang araw. E di sa pamasahe na lang mapupunta.”

“E di maglalakad na lang ang lahat ng mga tao, parang noong unang panahon noong may tulay na lupa pa.” Ewanko kung alam ng driver yung sinasabi kong tulay na lupa sa prehistoric times ng Pilipinas.

“Baka hagisan na sila ng Granada sa Malacañang. Mas maganda pang manghodap na lang.”

“Oo nga. Wala pang buwis yun.” Sa puntong iyon naiiisip ko kung magkano sa sweldo ko ang napupunta sa buwis-et.

“Dapat yung big time na ang holdapin mo. Yung mayayaman.”

“Manghoholdap ka na rin lang e di yung malaki na nga. Parang rape. Mangre-rape ka na rin lang panget pa. E di pumili ka na ng maganda. Tipong artista. Pareho lang naman ang sintensya noon.”

Mula sa itsurang parang malalagutan ng ugat sa utak e ngumit ang driver. Parang natutuwa siya sa ideya ng mangrape ng artista.

“Oo nga, no? Tapos pag nabuntis, sabihin mo pakakasalan mo. Yayaman ka pa.”
Ewan ko kung anong logic niya ruun. Driver kasi e. Ewan ko kung paano ka yayaman sa ganun. Alam ko makukulong ka doon. Papakasal ba sa kanya si Francine Prieto? Ewan. Lawton na. Pumara ako ako’t bumaba sa sakayang ng bus sa Lawton. Napapaihi ako. Pumunta ako sa public toilet na iniihian ko dati. Namputa, pati bayad sa pag-ihi at pagdumi tumaas na rin.

IHI –P5
DUMI –P10

“Manang, limang piso na pag-ihi a?”

“Oo, mahal na rin kasi ang tubig e,”

Hindi naman pina-flush. Dilaw ang kulay ng likido sa loob ng bowl.

tabla pasahe

Thursday, July 14th, 2005

Pi_jeepney_wl_1 Bagong gupit at ahit ako. Putsa, ang laki ng muka ko, parang Judy Ann. Bukod sa style ko

sana

ang goatee, nagsisilbi rin itong pang-outline ng nawawala ko nang baba.

Baki ganun ang mga tricycle sa Las Piñas? Parang dinisenyo ang mga upuan para mahulugan ka ng barya sa bulsa mo. para bang sinukat ang anggulo na 65 degreees para dumausdos ang mga bagay mo sa loob ng bulsa mo, tulad ng barya, cell phone, etc.

Hindi naman ganun sa Tanza. Mga manggagantso. Magkasabwat dito ang designer ng tricycle at TODA. Buset. Nagtitipid ako kaya tricycle ang sinakyan ko imbes na jeep kasi P6.00 sa trike at P7.50 naman sa lintek na jeep. Tapos mawawalan ako ng tatlong piso. Buset na buhay talaga.

Tatlnog sakay ang kailangan ko para makauwi ng Tanza mula sa bahay nila Meina. Pagsakay ko ng jeep e ganito pa nangyari, Di ba nakakabuset yung sa harap ka umupo, sa tabi ng driver, maganda na ang pwesto mo, tapos e me tatabi sa iyong malaking mama, samantalang makapagsasakay pa ng isang basketball team sa pinakaloob ng jeep?

“Magkano hanggang Zapote?” tanong ng lalaking tumabi sa akin.

Yan ang tanong na hindi mo dapat itatanong sa isang jeepneys driver dahil siguradong huhudyuhin ka niyan.

“Onse-singkwenta,” sagot ng manggagantsong driver ng jeep.

Sampu lang talaga. E wala ngang pasaheng P11.50 e. P11.25 na ang sumunod sa diyes.

Sasabihin ko bas a lalaki na dinedenggoy lang siya? Hinde dahil…

1. napakalawak sa lob ng jeep at sa akin siya tumabi.

2. hindi siya pasok sa loob ng aking sansinukob.

Pag ako hinudyo nito sa pasahe makakatikim sa akin to, sa isip-isip ko lang.

Malapit na kong bumaba nonog nagbayad ako. Inabot ko ang bente ko at sinabing, “Kabila galing Moonwalk.”

Sinuklian niya ako ng P11.50.

Aba

, tingnan mo nga naman. Nakaisa siya ng P1.50 doon sa lalaki pero binigay niya lang sa akin. Baka akala niya estudyante ako dahil nakaputing undershirt at itim na pantalon ako.

Huling sakay ko ay jeep na pa-Tanza. P18.50 ang pamasahe. Nakatulog ako kahit na parang bineblender ang utak ko sa tagtag ng biyahe. Malapit na akong bumaba nang magbayad ako. Bente uli ang ipinambayad ko. Tres ang sinukli a akin.

Aba

, napagkamalan siguro akong estudyante uli?

Nawalan ako ng tres pero bumalik sa akin.

Nawalan ng P1.50 ang lalaking tumabi sa akin. Bayad sa panggugulo niya sa sansinukob ko?

Pumatas lang ang mandedenggoy na driver.

Nalamangan ng tres ang driver ng biyaheng Tanza.

Sino ang malas? Yung driver ng Tanza? Baka may nadenggoy din siya sa ibang pasahero niya. Yung lalaking tumabi sa akin? Baka nakadenggoy din yun sa kung anumang paraan. Basta ako, tumabla.

Aba

, teka yun palang tricycle driver nakagarnatsa!

imbensyon

Thursday, July 7th, 2005

Nasa SM kami ni Meina at namimili ng kung anu-ano, tulad ng bola ng dahon at mga laman ng pinaslang na nilalang ng dagat na isinalata.

“Baka lampas na tayo sa budget?” tanong niya.

“Oo nga e,” sagot ko. “Alam mo yung parang motorized/ electronic na shopping cart dito sa SM?”

“O… parang nakita ko dati. Yung nasasakyan? So?”

“Walang kwentang imbensyon.”

“Para sa mga disabled yun.”

“E di wala ring silbi. Disabled ka’t mayaman, bakit ika pa ang mamimili? E di katulong mo na lang. Kung mahirap ka naman, e di sa palengke ka maimimili hindi sa mga aircon na mall. Sino gagamit niyan? Wala. May nakita ka na bang gumamit niyan? Wala.”

“Kape nga pala bibili tayo.”

“Alam mo kung ano magandang imbentuhin nila, kesa electronic shopping cart?”

“Ano?”

“Shopping cart na nagko-compute ng binibili mo. Tuwing ilalapag mo sa cart ang produkto mag-aadd nang kusa. Gagamit lang sensor ng tulad sa checkout counter. Pag daan sa sensor mag-aadd,” sabi ko habang minumustra ko ang paglalagay ng kape. “Tulad nito plus P34.25.”

“E paano pag magbabawas ka?”

“E di magsa-subtract. Pag pababa ang motion ng pagdaan sa sensor mag-aadd. Pag pataas magsa-subtract. Ganoong kasimple.”

“Hindi yan mangyayari?”

“Hindi naman parang Jetsons to a? Kaya naman yan.”

“Hindi ko sinabing hindi natin kaya. Hindi lang nila gagawin kasi instead na maparami ang kuha ng buyers ng mga paninda, mako-conscious sila a presyon, sa budget. Hindi na sila gaanong bibili. Hindi na makakadenggoy ang mga tindahan.”

“Yan ang dahilan kung bakit gasoline pa rin ang ginagamit nating fuel sa mga sasakyan. Di ba me nakaimbento na ng kotseng sa tubig umaandar? Anong nangyari? Hinaharang ng may mga malaking interes sa kalakalan ng langis. Gobyerno. Oil companies. Etc. Kaya eto kataas ng pasahe.”

lettuce at repolyo

Saturday, July 2nd, 2005

Lettuce
Magfi-field trip ang kapatid ni Meina at dahil mabait siyang ate ay ipaggagawa niya ito ng tuna sandwich.Namimili kami ng lettuce sa SM Supermaket para sa naturang sandwich.

“Ganit talaga ang presyo nito? Sitenta-otsenta?” tanong ko. “kasinglaki lang ng ulo ng sanggol to e.”

“Hindi ka pa ba nakakakita ng lettuce? Talagang ganyan ang presyo niyan,” sagot niya.

“’Tang kamahal. Saan ba pinatubo ito? Sa lupain ni Hesikristo? Magrepolyo ka na lang. Bola ng dahon lang naman yan. Bola lang din ng dahon ang repolyo.”

“Ang repolyo pangsopas at cole slaw. Lettuce ang inilalagay sa mga sandwiches.”

“At saka pwede namang wala nang lettuce-lettuce ang tuna sandwich.”

“Sa inyo pwede kuripot kasi mga magulang ninyo. Kung magtuna sandwich e manipis ang pahid. Parang sa patay.”

“Nakatikim ka na ba ng tuna sandwich namin?”

“Yung binaon mo sa sinehan last week.”

“A yun ba? Galing ngasa patay yun. Yun lang naman ang social life ni mommy –lamay at nobena.”

“Bakit ba puro ka reklamo? Ikaw ba’ng magbabayad? Bibigyan nga kita bukas e.”

“Eto. Maliit na lang. Fifty lang.” Sabay abot ko sa kanya ng lettuce.

Kinabukasan masarap ang pagkain ko sa eskwelahan.