pagkabuhay muli ng mulawin at blog ni gary estrada

November 8th, 2007 by hardcorepoetry

Noon e meron akong sinulat na review ng Mulawin The Movie at meron rin akong isinulat na blog kuno ni Gary Estrada. Merong estrangherong nakabasa’t nagkainteres na ilagay sa kanyang sariling site. Binigyan naman niya ko ng credit sa pag-aari ng nilalaman. Mas masarap nga laang kung pinadalhan na rin ako ng chocolates via FedEx.

Gary Estrada

Mababasa ang Mulawin review rito sa porky fun! at Gray Estrada Blog dito rin sa dalawa pang entry sa porky fun!   

emo o homo

October 21st, 2007 by hardcorepoetry

Nalilito ba kayo kung yung weirdo sa harapa ng mesa mo sa isang fast food e emo o homo? Pag tiningnan mo kasi ang pananamit ng dalawa, e para na ring pareho na laang. Halimbawa, itong nasa ibaba. Emo ba ito o homo?

Nakagawa ako ng sureball, 100%, siguradong pamamaraan para matukoy mo ang isang lalaki knug emo o homo. Ang tawag ko rito e emo-homo test.

Ipagpatuloy ang pagbabasa sa bagong tahanan ng sansinukob ni lupisan sa link na ito.

ang paglipat

October 14th, 2007 by hardcorepoetry

Lilipat na ko ng sansinukob. Magsusulat pa rin ako rito, pero mas mga bagay na nangyayari sa aking araw-araw na buhay na hindi ko naman maisusulat ng araw-araw. Tama, magmula ngayon e magiging boring na blog na io dahil sino ba ang me pakelam sa nangyayari sa buhay ko? Para kang nagbasa ng mga online jornal o onlie diary. Ugh.

At tulad ng sabi ko, lilipat laang ng tahanan ang sansinukob at hindi ko ititiklop ito at ireretiro. Magmula ngayon e dito na mababasa ang sansinukob ni lupisan. Kung trip ninyo pang magbasa, i-click laang ninyo dito.

karahasan at video games: isang pag-aaral

October 8th, 2007 by hardcorepoetry

Lagi ko na laang naririnig ‘to at malamang e kayo rin.

Violent video games=violent minds=violent acts.

Ayon sa pinakahuling nabasa ko, nagreklamo ang Philippine Alliance Against Pornography na pinangungunahan ni Etta Mendez, dating pinuno ng MTRCB, tungkol sa mga mararahas na laro. College ako noong siya yung MTRCB chairman. At kabilang sa mga pelikulang binigyan niya ng X rating dahil sa kahubdan malaswa man o hindi e ang mga sumusunod:

  • Schindler’s List
  • Belle Epoque
  • Bridges on Madison County
  • The Piano
  • At malamang e siya rin yung nagpaputol ng eksena ng pagpapakamatay ni Romeo sa Romeo+Juliet. Hindi ako sigurado rito pero nasa kolehiyo ako nung nangyari ‘to. Iniligtas man ako ni Mendez sa panonood ng isang Leonardo De Caprio, pero no thanks pa rin. Pre-Titanic na Leonaro yun kaya’t hindi nakakahiyang amining napanood m siya noong panahong iyon.

At heto si Alfredo Lim ang mayor ko tuwing Sabado (dahil nag-aral ako sa PNU sa ganoong araw), e pinag-iisipan ang pagpapaban sa mga larong ito: Resident Evil, Counterstrike at iba pa.

Ito ang dalawang nangunguna sa ideyang ito. Isang nagbawal ng mga pelikulang napatunayan ang kanilang husay sa mga mata ng mga kritiko at isang talunang kandidato sa pagkapangulo na dating nagpaskel, nagtatak, nagpintura ng "Shabuwista ng pamilyang ito" sa mga bahay ng hinihinalang  durugista’t tagatulak.

Ipinag-utos ni Lim ang pag-aaral ng kaugnayan ng video games at karahasan.

At kahit ako e sumasang-ayon sa ideya ng pagbabawal sa mga estudyanteng maglaro ng mga ito sa oras ng klase mula 7 AM gang 6 PM, ang oras na minsan e nangangailan kong mag-internet, e hindi ako sumasang-ayon sa karamihan ng mga ideya ng mga taong ito.    

Inquirer Oct. 3/1756 MANILA - Minors may soon be prohibited from playing violent video games in arcades and amusement centers in Manila after Mayor Alfredo Lim ordered his officials to study the effects of such games on children.

1. Teka, sino ang mag-aaral nito?

Ang munisipyo e binubuo ng mga matatandang kumuha ng civil service at ang edad na hindi nakakaintindi ng mga hairstyles na hindi barber’s cut. Mga edad na tulad ng mga magulang at lolo mo. Ang uri ng mga taong makukuha ni Lim na mag-aral ng video games e mga taong ang tanging nalarong ‘video game’ e Snake sa 5110 at solitaire sa PC. Mga taong madaling maririmarim sa pagkamatay ng ghost monsters sa Pacman. Sa simula pa laang e magiging biased na ito dahil wala silang alam sa video games. Anumang bagay na makita nila na merong makitang umiigkas na bahagi ng katawan e ituturing nilang bayolente. Ang Mario e nananapak ng halimaw, si Pacman e lumalamon ng mga multo, at ang Tetris e subtext para sa pag-iisang katawang ng taong hindi pa kasal.

Screenshot ng Tetris: Pagmasdan ang simbulo ng dilaw na bloke sa bahaging kaliwa. Dahil sa kanilang Freudian background, ituturing nila itong bastos, kung hindi man marahas.

Paanong maiintindihan ng mga edad na ito ang kaligayahan ng mga larong ito, e kung ang mga usong hairstyles nga e hindi nila ma-dig?

At muli, heto na naman ang formulang:

Violent video games=violent minds=violent acts

"While the usefulness of the Internet in cyber education is imperative (naks, me nalalaman pang imperative ang gurang na ‘to), what bothers me is the cutting of classes by students and the playing of war games, which is not good in the proper upbringing of our youth," Lim said, adding that it may cause the children to eventually develop violent tendencies.

2. Nariyan na ang mga ‘mararahas’ na laro, wala nga lang sa screen. Ibig sabihin ba nito e ayos laang ang ‘marahas’ na laro basta’s wala sa screen?

Siguro dapat sa Chapter 2 Review of Related Literature ng thesis ng kung sinumang naatasang mag-aral nito e dapat na isali ang larong pinagmulan ng Counterstrike. Noong panahong ang ibig sabihin ng laro e gumalaw, magpawis, mandaya at mangbagoong ng taya, e meroon nang Counterstrike sa anyo ng baril-barilan. Ito ang laro namin ng mga pinsan ko noon. Walang pagkaubos ng bala noon at hindi na kelangang bumaril ng crate para sa bagong kahon ng ammo. At pag sinabi mong magtago, hindi ibig sabihin nito e igalaw mo ang arrow keys sa kanang bahagi ng keypad mo kundi, igalaw mo ang katawan mo’t maghanap ng matataguan, tulad ng likod ng pader, puno, at taas ng bubong. Kapareho lang ito ng "CS" (kung gusto mong maging cool o hip CS o OCounter ang itawag mo kesa Counterstrike). Ibig sabihin pwede itong lauin kung baril-barilan laang, pero hindi pwede kung makikita mo ito sa screen.

Mahahanap ang pinagmulan ng Resident Evil sa lumang laro na kung tawagin e Aswang-aswangan kung saan ang taya e aswang na nanghahagad ng mga hindi kalaro niyang hindi taya. Ang mahuli’t makagat ng aswang e magiging aswang rin. Matatapos ang laro pag ang lahat e nahuli’t naging aswang na rin. Ang susunod na taya e ang unang nakagat. Para na ring gustong sabihin ng mga ‘to na ‘pag merong nabuhay na bangkay at gusto kang kagatin, ang pinakamagandang gawin e ang kumaripas ng takbo kahit na ikaw e miyembro ng STAR at meron kang santambak na sandata dahil masama ang mamaril kahit na ang papatayin mo e technically speaking dapat patay na dahil ma zuvembies ang mga ‘to. Ito rin ang taktikang ginamit ng mga Pinoy noong tinanggal nila ang medical team sa Iraq.

Pagmasdan ang mga zuvembing ito. Huwag mong sabihing hindi mo babarilin ‘yan ‘pag nakita mo ‘yan sa tunay na buhay. Hindi mo na kelangan ng Resident Evil para turuan ka nun. Survival instincts ang magdidikta sa ‘yo niyan at hindi isang video game. Lalo na’t nagretiro na si Kumander Bawang, ang aprubadong paraan ng mga ito sa pagpuksa sa mga aswang.

Ang tanging delikado laang naman rito e kung mapagkamalang zuvembie is Alfredo Lim at mabaril siya. Yun e kung hindi siya maunahan ng mga kaaway niyang gusto siyang barilin buhay pa man siya o patay na.

Kung ang batayan e karahasan sa laro, dapat e wala nang nilarong laro noong araw dahil napagbawal na ito, tulad ng bahay-bahayan na merong ‘tatay at nanay’, Maskarado kung saan ang lalaking ginulpi at muntik nang mamatay  maghihiganti sa mga kalaban niya parang The Crow, hagarang upo kung saan meroong nababagoong na taya na magiging sanhi ng para magdevelop ng lonely thoguhts sa isang bata at dahilan para maging emo ito balang araw, atbp. Ang pinagkaiba laang e WALA ITO SA SCREEN, pero ganun rin ang karahasan.

At ang karahasan e hindi laang naman sa video game makikita kundi pati sa panitikan. Bigyan ko kayo ng isang halimbawa ng pinakabayolenteng naakda pero hindi mo makikita sa screen. Heto ang ilang bahagi ng naturang akda.

15 "This is what the Sovereign LORD says: ‘Because the Philistines acted in vengeance and took revenge with malice in their hearts, and with ancient hostility sought to destroy Judah, 16 therefore this is what the Sovereign LORD says: I am about to stretch out my hand against the Philistines, and I will cut off the Kerethites and destroy those remaining along the coast. 17 I will carry out great vengeance on them and punish them in my wrath. Then they will know that I am the LORD, when I take vengeance on them.’ "

Ito e galing sa Ezekiel 25:15-17. Basahin mo ang kabuuan ng Ezekiel at sabihin mo sa aking hindi ito marahas.

3. Ibig sabihin, kung masama ang karahasan sa screen e masama rin ang pelikula. Oo, nase-censor naman ito, pero…

Kung ang karahasan sa screen e masama, dapat e harapin ni Lim ang sarili niya dahil noon e meroong pelikulang inilabas tungkol sa buhay ng isang taong humawak rin ng baril at lumaban, hindi man sa mga terorista, kundi kriminal. Pero oo nga pala, sabi ni Etta Mendez, e mas mapanganib raw ang video games kesa pelikula dahil pwedeng putulin ang mga esksenang pagpapakamatay ng tauhan sa isang William Shakespeare(!) na dula, samantalang sa video game e hindi. O nga pala, mas mahusay pa ke Shakespeare ang Punyetta Mendez na ‘to.

Former Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) chair Henrietta Mendez, noted that unlike movies and TV shows, video games remain unregulated. She said the games influence players because they are "interactive." "Children might think their world is really violent, so they learn to be violent and no one is regulating them.

A game called Sniper, for example, teaches a child how to be the best sniper and how to shoot the enemies in vital parts of the body to ensure death," she said. "The more people you hit, the higher your score will be and you are even rewarded for it," added Mendez.

The PAAP also reported that violent games encourage players to be good at hitting or killing a computer-generated enemy with guns or explosives.

Kung ganito ang siste, kung ganito ang senaryo, e ipinagpapalagay niyang mga tanga ang kabataan natin. At hindi video games ang problema natin kundi katangahan. Sinong bobo ang mag-iisip na "Uy, ganito pala ang mundo, punung-puno ng mga terorista, dapat maging marahas rin ako para makaligtas at kelangan e marami akong mapatay para magkamal ng santambak na puntos."

Tanungin mo ang santambak na kabataan nito:

______ 1. Ano ang mapapala mo kung papatay ka sa tunay na buhay?

              A. reward points             B. jail term

Tanga laang ang sasagot ng titik A. Ganito ang tingin ni Etta Mendez sa kabataan natin. Ganito rin ang uri ng pag-uutak meroon siya nung MTRCB chair pa siya na iniisip niyang manggagahasa ang mga Pinoy pag nakanood ng hubad ng katawan ng umeedad na Meryll Streep sa Bridges of Madison County. Kung ito ang senaryo, hindi karahasan ng problema natin kundi katangahan.

4. Anong statistics ang gagamitin para patunayan ang kaugnayan ng dalawang ito? Pearson r, test of correlation, etc?

Tulad ng sabi ko kanina, sang-ayon sa pagbabawal sa paglalaro sa mga oras na yun dahil talaga namang mapapatunayang merong nagka-cut ng klase at madali itong patunayan. Tumingin ka sa internet cafes at makikita mong merong mga estudyanteng nagka-cut ng klase. Malinaw. Pero, ang ipakita ang kaugnayan ng karahasan at video games e mangangailangan ng panahon at pera. Paano nga susubukan ito? Meron bang control group? Aba’y sa panahong matapos nila ang pag-aaral na ito e malamang hindi na uso ang Counterstrike. Ibig sabihin nito e meroong babayarang nilalang para  mag-aksya ng oras para gawin ‘to. Oras na babayaran ng buwis ng mga tao ng Maynila.

Para madali nating magawa ang lahat, tunghayan natin ang statistics sa krimen mula 2003-2005. Alam konbg hindi pa kasama ang 2006 at 2007 rito, pero makikita ninyo ang trend na pababa ang dami ng krimen, bagama’t nagiging mas creative sa pagdidispatsa ng bangkay ang mga kriminal, tulad ng pagsisilid ng bangkay sa maleta.

Crime Rate Statistics ayon sa National Statisics Office laang naman. Kung sa tingin ninyo e imbento laang ‘to, tingnan ninyo sa website nila: NSO

At heto ang graph ng krimen base sa mga stat na nakalap ko mula sa NSO. Mapapansing bumababa ang krimen kasabay ng pagtaas at pagkauso ng mga bayolenteng laro. Bakit kaya? kasi, laging nasa harap ng screen ang kabataan. Hindi tulad noong 90s na puro frat (gang talaga) ang inaatupag.

Kung meroon mang problema, hindi Counterstrike kundi mga road accidents. Dapat bang higpitan lalo ang batas sa paggamit ng cellphone habang nagda-drive? Dapat bang higpitan ang quality checking sa mga car manufacturers dahil ang laki ng itinaas ng mga kaso ng mechanical deffects? Sagutin mo, Mayor. E ano nga ba ginawa ni G. Puting-buhok? Aba e inilibre laang naman niya ang mga traffic violators sa kanilang fines sa unang araw niya sa opisina at nangakong babaan ang fines. Kungsabagay, para na nga naman ring sampal yung singilin mo pa nang mahal yung patay na lasing na driver. Pero, base sa mga stats na ito, merong mas nangangailangan ng atensyon mo, Lim. At ito e matatanaw mo sa bintana mo at hindi yung mga larong meroong zuvembies at barilan. 

Kaya kong tambakan kayo ng statistics, gamitan ng mga statistical tools na tanging mga statisticians laang ang nakakaintindi, pero, para saan? Kung babayaran ako ng gobyerno ng maynila, siguro gagawin ko. t lalabas at lalabas ang katotohanan: There is no significance evidence that video games lead to violent crimes. 

Sabi ni Lim, "While the usefulness of the Internet in cyber education is imperative, what bothers me is the cutting of classes by students and the playing of war games, which is not good in the proper upbringing of our youth," he said, adding that it may cause the children to eventually develop violent tendencies.

5. Ang linyang ito e narinig na ninyo noon pa. Masama ang karahasan sa kabataan.

Makasasama sa mga bata ang ganitong karahasan. Para bang pamilyar? Oo, dahil ito in ang sinabi dati ni Marcos noong pinagbawal niya ang Voltes V. Buong buhay ko e hindi ko tuloy napanood ang ending ng pelikula, isang kahungkagan ang namuo sa aking buhay at muntik na akong maging emo kundi ko ito napanood nung ipinalabas ito noong taong 2000 something dahil sa pagkauso ng Dating Doon ng Bubble Gang.

Emo.

Sa huli sino ang tagumpay? Sa malaking screen pa ipinalabas ang ending ng Voltes V at hanggang ngayon e namumutawi ito sa mga piratado nitong kopya, samantalang hindi kamatayan (nailibing na ba ang diktador o nasa ref pa rin?) at kahihiyan naman ang inani ni Marcos.

Sa edad kong trenta y uno anyos e wala pa akong hiniwa sa hugis V kahit buset na buset na ko sa buhay. Hindi noong bata ako at hindi rin ngayon. Kahit sa luncheon meat hindi ko naisip gawin. Ngayon laang habang sinusulat ko ‘to. Hinanap ko sa NSO ang bilang ng mga taong nahiwa sa hugis titik V at zero results ang natanggap ko sa kanilang search.

Kaya’t, kung ang pagbabasehan e ang statistics ng mga kabataang nanood nun kontra sa mga pumatay ng paghiwa sa hugis ng titik V e mukang itlog ang makukuha nilang datos. Kung meroon mang dapat ipagbawal e hindi Voltes V, kundi diktador na nagsasabing nakasasama ang mararahas ng laro o palabasa sa mga kabataan.

Gamit ang kaparehas na argumentong ito, e tingnan natin kung ilang kabataan ang aktwal na namaril dahil sa Counterstrike. Sa lahat ng indikasyon e mukang malabo ang senaryong ito dahil kelangan e meron kang tunay na baril. Para makabaril ang isang kabataan, e hindi Counterstrike ang dapat sisihin kundi ang law enforcment na dapat nagkokontrol ng baril. Law enforcement na hawak sa yagbols ni Lim.

Isa pa, mahal ang baril. Sa halagang iyon e malamang na ipambili na laang ito ng kabataan ng PS2, PS3, X-Box o kung anumang game console ang uso. Kung gusto nina Mendez at Lim e makipagpustahan pa sila sa akin dito.

Kahit sinong adik sa video games ang tanungin mo B ang isasagot saiyo. Kung meroon mang pumili ng A, yun e dahil psycho siya sa simula pa laang at hindi dahil sa naklita niya ito sa Counterstrike.

A game called Sniper, for example, teaches a child how to be the best sniper and how to shoot the enemies in vital parts of the body to ensure death," she said. "The more people you hit, the higher your score will be and you are even rewarded for it," added Mendez.

Muling balikan natin ang statistics. Alam kong hula laang ‘tong datos na ‘to ng assassination dahil sa Sniper, pero meron ka na bang nabalitaang kabataang nanggaya ng Sniper at merong aktwal na inassassinate? Inassassinate sa tarmac ng eroplano meron. Ipinangalan pa nga sa kanya ang dating Manila Inetrnational Ariport.

6. E hindi naman mamaril ang kabataan, pero baka manapok.

E di ipagbawal na rin natin ang mga palabas na ginagawang bayani ang isang taong hindi nagtapos ng kolehiyo’t nag-aral ng high school sa alternatibong programa’t tumakbo pang kongrsista dahil pananapok laang ang alam nito dahil baka gayahin rin ito ng mga bata.

Alin ang merong punto sa buong kagustuhan ng mga ito?

Alam mo ang tunay na peste sa mga larong iyan? Hindi karahasan, kundi ingay. Kung ikaw e nakasubok nang magresearch, mag-email, magbasa ng sansinukob ni lupisan o anumang pag-aaksaya ng oras sa isang internet cafe na merong mga laro, e alam mo kung gaanong kaingay ng mga naglalaro nito. Pero mapagbabawal mo ba ang ingay sa laro? Hindi, dahil hindi mo ito mapagbabawal mga taong nanonood ng patayan ng mga manok sa sabungan.

pikon

October 5th, 2007 by hardcorepoetry
Daming nasusot na Pinoy sa Desperate Housewives dahil sa isang joke. Ito e sa isang eksena kung saan e sinabi ng doktor na ang karakter ni Teri Hatcher (ng Lois and Clark sa Channel 5 noong araw) e maaaring nagmemenopause na. Heto yung palitan ng linyang iyon.
"Listen, Susan, I know for a lot of women the word ‘menopause’ has negative connotations. You hear ‘aging,’ ‘brittle bones,’ ‘loss of sexual desire,’ " the gynecologist tells her.
"OK, before we go any further, can I check these diplomas? Just to make sure they aren’t, like, from some med school in the Philippines?" Susan fires back.
Ikinasuya ito ng mga Pinoy dito at ng mga Pinoy na doktor sa US. Nakakasira raw iyon sa imahe ng Pinoy.
Bilang sagot ni Biazon, Secretary of national Defense, i-ban raw sa Pinas ang palabas.
Pag-aralan natin ang pangungusap. Bagama’t hindi ko napanood ang partikular na palabas na ito, e suriin natin. "OK, before we… Just to make sure they aren’t, like, from some med school in the Philippines." 
Ang salitang ’some’ rito pwedeng ipalusot bilang quantifier raw. Some, hindi lahat.
Pero ang some rito e hindi laang sa ganoong paraan ginamit. Para na rin yang "Some boyfriend you got" na comment ng kaibigan mo dahil napakalaking kupal ng shota mo. O kaya e "Some defense" -reaksyon ko sa reaksyon ni Biazon. "Some vacation this is," habang nanonood kayo ng shota mo ng Jaws sa imbes na mag-Boracay kayo tulad ng pangako mo. O kaya "Some face you have…"
Pag sinabi mong some med school in the Philippines, ibig sabihin ba noon e lahat ng med school sa Pinas e patakbuhin o… baka sa isang patakbuhing school sa Pilipinas, tulad ng ________________ (insert name of your rival school)?
Ito ba:
  1. Just to make sure they aren’t from, like, some med school in the Philippines. Since you know, not all are good schools there. Some are patakbuhin, y’know. But some are good, like UST.   
  2. Just to make sure they aren’t from, like, some med school in the Philippines. Since you know, ALL schools are patakbuhin, y’know.
Alin man roon. Humingi na ng paumanhin ang palabas at pinagworkshop na sila sa cultural sensitivity na para na ring katumbas ng nahulian ka ng traffic violation at pag-aaralin ka uli ng pagmamaneho. Pero, hindi naman ito cultural insensitivity. Talagang cheap shot ‘to. Hindi naman tanga yung mga yun na hindi naisip na maaari silang makapikon ng isang lahi.
Isang lahi na hindi mo rin naman maituturing na sensitibo. Halimbawa: Kapag makulit ang bata ano panghirit ng mga magulang? "Ibibigay kita sa Bumbay." E lugar sa India yun e. Ni hindi nga iyon dapat pangalan nila. Hindi tayo maabala para tawagin sila nang tama, tapos mapipikon tayo?
Pag Muslim sa isang lugar Luzon, ang tawag kagad sa kanay Muslim. "Naghahanap ka ba ng sinturon? Ke Muslim meron nun." 
Sa mga pelikulang komedya noong 90s e lagi na laang merong bayong na dala ang karakter promdi na hindi alam kung pano tatawid ng kalsada.
Sa isang episode ng "Aalug-alog" o kung anumang shitcom yun (oo, napanood ko ito) e merong eksena na ang isang mataba’t kalbong karakter e sinabi ng isang karakter na kamuka raw ni Buddha. Tapos, yung isang estatwa ni Buddha e nag-morph at naging kamuka nung nabanggit na karakter. Ito ang cultural insensitivity dahil talagang tanga ang karamihan sa mga Pinoy pagdating rito. Hindi nila alam na merong mga Buddhist. Ang alam nila sa Buddhist monk e yung mga sumisirko sa ere at merong tuldok sa noo.
Ano ba ang pagkakakilala ng mga Pinoy ke Buddha? Alkansya. Matabang kalbong merong maraming anak. Ano kaya’t baligtarin ng ang sitwasyon?
Jesus Saves… your coins for you
Masyado tayong pikon para sa isang lahing insensitibo sa kultura ng iba. Ang kapareho natin e yung kaklase mo noong elementary na malakas mang-asar, pero pag siya inasar e napipikon at nagsusumbong sa adviser. 
E ano pa aasahan mong aanihin kung meron mga kang kalahing doktor at pupunta ng US para maging nurse? Ito yung matagal ko nang sinasabi tungkol sa mga lintek na doktor na yun. Dahil sa kagustuhan nilang kumita sa ibang bansa e hindi nila iniisip na hindi lang sarili nila dala nila kungdi ang bansang pinanggalingan nila. Doktor natin e nurse nila. Pag sinabi nilang sila e naghihirap, aba’y e papaano na yung mga hindi doktor dito? Hindi paghihirap tawag run kundi paghahangad -na kung hindi laang alkansya’t pelikula laang ang alam mo sa Budismo e siyang mitsa ng lahat ng paghihirap mo sa mundo.
Ngayon, kung meron mang dapat sisihin e yung mga doktor na nagpaka-nurse. Walang ibang dapat sisihin. Bilang isang palabas na desperado sa ratings e hihirit yan ng kahit ano. Ginawa ng mga dok-nurse na target ang ating  bansa sa kanilang desisyong maging nurse.
Alam ko na nasa isip mo. Huwag mo nang ihirit ang "Mahirap na kasi ang buhay kaya nila nagawa yun." Kung ganoon kahirap ang buhay, wala ka nang panahon para mapikon dahil tungkol sa pagkita ng pera ang iisipin mo at hindi ang panonood ng Desperate Housewives. Alam kong magagaling ang mga Pinoy. Marami tayong mahuhusay na Pinoy na doktor run na hindi nagpaka-nurse (At mahuhusay rin ang ating mga nurse doon). Nadadamay sila dahil meroroon tayong mga doktor na nagpaka-nusrse nga kasi. Dahil sa kagagawan ng ilang ito, damay-damay na tuloy lahat. Bilang Kano, anong iisipin mo pag nalaman mong ang isa sa mga nurse sa staff mo e doktor pala dati sa bansa niya? Di ba iisipin mong some med school lang siguro yun o kaya e talagang walang kwenta ang PInoy na doktor kaya’t nurse siya.
Isipin mo kung meron isang Indonesian sa Pinas. Nalaman mong siya radiologist sa bansa nila pero taga-xerox siya ng mga handouts mo sa university. Anong iisipin mo? Some radiology school in Indonesia? O kaya e teacher siya sa Indonesia. Dito e assistant siya ng teacher. Some normal school in Indonesia.
Kung meron mang dapat masusot rito e ang mga Pinoy na base sa Pinas. Fil-Am man sila o imigrante dahil doon naganap ang lahat. Na-establish ko na na tayo bilang isang lipi e hindi dapa pikon dahil tayo mismo e mga gago rin pagdating sa kultura ng iba. Pero sila na patuloy na makikihalubilo sa mga Kano at ibang lipi e apektado nito. Pero para sa mga Pinoy na hindi naman nakakanood nito sa tv (palabas ba ‘to sa Channel 9 o 5 ngayon?), walang problema. Tayu-tayo laang naman magkakasama. Asarin na laang natin yung mga Bumbay, mga Kano, Budist, promdi, atbp. Pero, ganun pa rin, yung mga kapwa Pinoy dok-nurse rin na yun ang dapat sisihin.
*Para iligtas ko na kayo sa pag-aaksaya ng oras sa akala ninyong minamaliit ko ang mga nurse: Hindi ko minamaliit ang mga nurses. Napakalaking bagay ang naiaambag niyan sa atin. Mula sa remittances abroad, mga taos-pusong pagtulong nila sa sariling bayan hanggang sa pinakaseksing uniporme sa lahat ng uri ng trabaho sa mundo (daig pa ang sa Watson’s).
Pero ano pa nga ba tawag mo run kundi demotion? Doktor ka dati sa Pinas, tinatawag kang "Doc" ng marami, ng ka-batch mo kahit hindi mo sila pasyente, ikaw ang humihing dati ng scalpel, pero ngayon e ikaw na ang tagaabot at Dela Cruz na ang tawag sa yo ni Dr. Anderson. Ano tawag mo run?

sarah silverslam

September 14th, 2007 by hardcorepoetry

Una kong nakita ‘tong si Sarah Silverman sa isang maliit na pagganap sa "There’s Something About Mary" bilang isa sa mga kaibigan ni Mary. Di ko akalaing ‘tong magandang babaeng ito pala e isang magaling na stand up comedian (hindi stand up comedians yung mga bakla na pinapasok ninyo na kumakanta’t nang-ookray ng matatabang kostumer sa bar na pinasok ninyong merong cover charge). Sampulan ninyo ang komedya ng babaeng ‘to sa Jesus is Magic, isang stand up perfromance at pinaghalu-halong bits at materials niya na ginawang pelikula. 

Nitong linggong ito e nagbalik sa entablado ang durugistang Britney Spears sa MTV. Bukod sa pang-uuyam ng mga tao sa kanyang walang kaayus-ayos na pagli-lipsynch ng kanyang kantang merong lyrics na "Gimme, gimme, gimme", matamlay na pagsasayaw at matabang katawan (mataba na para sa showbusiness ang gay-on), e inislam siya ni Sara Silverman. Heto ang kanyang hirit:

Comedian Sarah Silverman laid off Paris Hilton (for the most part) during her monologue at the MTV Video Music Awards Sunday night, and instead claimed Britney Spears as her latest victim.

Immediately following Spears’ glittery opening performance, Silverman poked fun at the singer’s early rise to fame. “Was that incredible?" she asked the crowd. "She is amazing. I mean, she is 25 years old and she’s already accomplished everything she’s going to accomplish in her life.”

She continued: “It’s weird to think that just a few years ago on this very show, she was this, like, sweet innocent little girl in slutty clothes writhing around with a python. That’s not nice…calling Madonna a python.”

Even Spears’ sons, Jayden and Sean, who turn 1 and 2 next week, respectively, were fare game.

“Have you seen Britney’s kids? Oh my god, they are the most adorable mistakes you will ever see!” Silverman trilled. “They are as cute as the hairless vagina they came out of.”

Masdan ang muka ni Britney Spears na parang American Idol contestant na naghihintay ng magandang comment mula sa mga judges.

Kegandang comeback. Napag-usapan na rin ang pagbabalik. Merong isang artista dating kasama sa tv show na "13, 14, 15". Hindi si Carmina dahil hindi naman nawala sa showbiz yung bubaeng yun -naging kontrabidang apoy sa Darna at ngayon e nakikiangkas sa isang talk show na ang pamagat e Sis kahit obvious namang hindi siya sis nina Gelli at Janice. Si Aiko? Bukod sa napaaway sa bar, ano na nga ba nangyari run?

Ang sinasabi ko e si Rufucking Gutierrez ang bubaeng ang tanging talento e lumabas sa sinapupunan ng bubang nabuntes ng gwapo niyang tatay Eddie Guttierez na hindi na nagkakapelikula dahil natigil na ang mga action movies na kelangan ng kontrabidang congressman.

Oo… nakakapanood ako ngayon ng lokal na tv dahil sa bus. Napalitan na ang peste sa bus. Kung noon e Love, Yes, Radio, etc. Ngayon e tv na. Kung biyaheng Las Piñas kayo e malalaman ninyo sinasabi ko. Pati sticker ng anti-radio e napalitan na ng sticker ng anti-tv.

Sa ngayon e laging muka ng bubaeng ito ang maririnig mo sa showbiz balita. Bumalik siya’t nagngangawa dahil ginulpi siya ni Ylmas Bekhtas o kung paano man ang spelling nun. Tinawag siyang ’strong’ ng mga kaibigang showbiz dahil nakasurvive raw siya sa hirap na yun. Strong, kung strong dapat e binayagan niya ang hayup na yun na nagkulong sa kanya sa aparador.

Ylmas, sa susunod e imbes na sa aparador e sa maleta mo na lang ito ikulong para maligtas ang kukote ko sa lintek na to. 

ang verbong nagkatawang direktor

August 24th, 2007 by hardcorepoetry

Kinailangan kong sumandig sa pader noong nakita ko ang poster na nagsasabing darating ang verbong nagkatawang direktor na si Quentin Tarantino. Hindi ko alam kung anong ginawa ng Pilipinas para mabiyayaan nang ganito.

"Hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit isang salita mo laang e ang gagaling na ako."

Inimbitahan siya ng Cinemanila (ang film fest na taun-taon kong pinupuntahan magmula noong ito e nagsimula -pwera na laang nung nasa Indonesia ako) para bigyan ng lifetime achievement award. Tumanggap rin siya ng susi ng Quezon City. Kung ako tatanungin kahit susi sa kwarto ng pinakamagagandang bubae sa Pilipinas  dapat ibinigay sa kanya.

Sa Agosto 11, 2007 nang 1-4 pm e nakaiskedyul raw magbigay ng "master class" ang verbong nagkatawang direktor. Meron akong klase sa PNU. Binbin ang klase ko ke Yap-Aizon, ang klaseng nagtuturo kung paano sumulat ng tesis at ke Papango na nagtuturo kung paano makaintindi’t bumusisi ng literatura. Punyeta, bigyan na nila ko ng INC na grade o anuman, hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito na masagap at mahinga ang mismong hangin na hihingahin ng sugo sa katauhan at mundo ng pelikula na Quentin Tarantino!

Hindi ako reliyosong tao, pero sa tingin ko e maikukumpara ko ang kaligayahang ito sa mga Kristyano na mabibigyan ng pagkakataong kumain ng isda at tinapay kasama ang Tagapagligtas. Sa ngayon e naiiintindihan ko kahit papano ang mga taong nangangaral sa Salita ng Diyos, sa Kaligtasan, dahil gayun rin ang naramdaman ko nung pinamalita ko sa text kung kani-kanino ang araw ng pagdating ng verbong nagkatawang direktor.

Hindi ako paranoid sa araw-araw na sitwasyon, pero inatake ako ng paranoia dahil baka kung kelang Agosto 11 na e doon pa ko masagasaan ng bus, magkasakit at maratay sa ospital o merong ioospital na kamag-anak o anumang maaaring pumigil sa akin sa pagpunta. Kung hindi rin laang ako patay sa araw na yaon e pupunta ko. At kung ako man e mamatay sa kasamaang-palad, gagawin ko ang lahat para maging multo’t makadalo kahit ibig sabihin nito e patayin sa mga kamao ko si San Pedro sa harapan ng Trngkahan ng Langit at Lupa.

08.10.07. Biyernes. Bumili ako ng tinatawag na Gold Ticket noong isang para magkaroon ng pagkakataong makasalamuha sa iisang lugar ang verbong nagkatawang direktor. Biyernes ‘to; at habang ako e tumitingin-tingin sa iskedyul ng mga palabas e nakita ko ang verbong nagkatawang direktor sa harapan ng Cinema 5 ng Gateway, nagka-cocktail cocktail. Kamputa, isang karanasang tanging unang karanasang sekswal laang ang makakapantay sa narmdaman ko nung nasilayan ko ang kalamnan ng verbong nagkatawang direktor. Pinasasalamatan ko ang mga magulang ko at binuo’t ipinanganak nila ako noong taong 1976, sa isang era kung kelan pinili ng verbong nagkatawang direktor na magkatawang-tao at makapiling ang mga walang kwentang mortal na tulad ko. Kung natorpe ng tatlong dekada ang ama ko e baka hindi ko inabot ang pagsasakatawang lupa ng verbong nagkatawang direktor.

Quen-fucking-tin, karaming mga mortal na Pinoy na nagsilapit sa iyo’t nagpaulan ng papuri. Patawarin mo ako’t walang matinong katagang umalpas sa aking mga dila sapagkat hindi kinaya ng aking kukote na magpadala sa aking bibig ng mga mensaheng matino.

Noong siya e lumabas at nakipagkamay sa mga masang hindi karapat-dapat e tinanggap niya ang aking kamay, ang kamay na walang nalikhang matino, ang kamay na ginagamit ko sa mga walang kwentang bagay tulad ng pagtatanggal ng dumi sa ilong na dulot ng polusyong Maynila. Naramdaman ko ang mala-Father Corsy na kuryenten nanalaytay sa iyong ugat noong pinagbigyan mong hawakan ang walang silbing kamay ng abang nilalang na ito. Ang nananalaytay na henyo ay sumirit sa aking ugat. Ituturing ko itong binhi’t pagyayamanin. Balang araw meron rin itong gagawing matino bukod sa paglilinis ng bahagi ng mukha.

08.11.07 Isang Hapong Kaulayaw ang Verbong Nagkatawang Direktor

Wala ni isa sa aking kinatatakutan ang naganap. Walang naaksidente, walang nagkasakit nang malubha (tulad noong nagkonsiyerto ang Rage Against The Machine), walang lupang bumuka, walang kude-kudeta o rally (tulad noong nagpunta ang mga Raw Superstars sa Araneta), walang sibat na humarang, walang asong nangagat, walang nangulam, walang nagtangkang pumatay sa akin. natuloy ang lahat kahit na nag-uulan nung panahong yaon.

At naganap ang sandaling hinihintay ko. Nagsalita ang verbong nagkatawang direktor tungkol sa kung anu-anong me kinalaman sa pelikula. Maramot ako. Hindi ako tulad ng Kristyanong ipapamahagi ang magandang balita sa mga bus at palengke. Sasarilinin ko ang mga gintuang pinagsasabi niya noong hapong iyon, pero iiwanan ko ang madla ng mga larawan ng pagkakatong yaon para makasilip man laang kayo ng pag-asa sa buhay.

Hanapin ako: Ang lalaking nakasuot ng gray.

Noong gabi e nanood rin ako ng Death Proof, ang pinakahuling pelikula niya na dapat sana e kahati ng  Planet Terror ng santong si Robert Rodriguez sa Grindhouse, isang pagpupunyagi sa mga lumang pelikula na merong double feature. At sa hindi ko inaasahan at hindi naman yata inanunsyo ni Anghel Gabriel o sinumang propeta, e sumulpot ang verbong nagkatawang direktor na parang magnanakaw sa gitna ng gabi. Itinampok niya ang car chase scenes na hindi ginamitan ng CGI (o teknolohiyang pang-uto gamit ang computer) o kinuhan nang mabagal at pinabilis pagkatapos ng produksyon at ang kanyang pinakabidang Zoe Belle.

At sa ngayon e nakabalik na yata sa Bundok Olimpo ang verbong nagkatawang direktor at nilisan na ang pinagpalang bansang ito. Kung pwede nga laang na ang blog entry na ito ang ipasa ko Yap-Aizon. Tsk. Tang inang tesis yan. Mas marami pang nagbabasa ng blog ko (anim na tao) kesa sa ibu-bookbind na letseng pag-aaral yan. 

chris benoit 1967 -2007

June 26th, 2007 by hardcorepoetry

Chris Be-news

Nasa klase ako nung natanggap ko yung text sa akin ni Etey: Ayon kina Ian at Pilo, patay na raw si Chris Benoit at ang pamilya niya.

Unang pumasok sa sarili ko e kamputa yung mga pumatay sa kanila. Tsk. Siguro mga gunmen na pumasok sa bahay. O kaya naman e meron siyang gambling problem.

Nasa larawan: Chris at Nancy Benoit a.k.a. The Woman (di ako sigurado kung siya nga to dahil di ko naman siya napapanood dati).

Pero wala sa hinagap ko na maari palang murder-suicide ang pangyayari. Ito ang anggulong sinisiyasat ng mga imbestigador sa US. Walang sugat ng tama sa baril ang kanilang mga labi. Maaring lason o kung anuman. Isang autopsiya ang gagawain para makakita ng mga ebidensya sa maaring nangyari. Matatagalan pa’t ilang linggo pa ang aabutin para malaman ang resulta ng naturang autopsiya.

Tsk. Di ko maisip na magagawa yun ni Benoit. Hindi kasi siya kilala bilang isang taong me kasaysayan ng pag-abuso ng alkohol, droga o anumang elemento. Nakakagulat tuloy. Siyempre, sa TV ko lang naman siya nakikita’t iba naman ang personal na buhay niya, pero parang ang hirap matanggap na ganun nga (at kung yun nga) ang nangyari. (sinulat nung June 26, 2007)

Chris Ben-why?!

Ngayon e mas meron nang linaw sa mga naganap. Sa balita e iginapos at sinakal niya muna ang asawa nung Biyernes, isinubsob ang anak at pinatay nung Sabado, bago magbigti’t magpakamatay sa weight room nang Linggo. Nag-iwan siya ng biblliya sa tabi ng bawat labi. Tsk.

Ang hirap paniwalaan. Siyempre, magkaiba naman ang tunay na Benoit at ang persona nito sa tv. Pero, parang ang hirap pa ring paniwalaan. Bilang fan e, parang mas gusto ko pang isiping, meron siyang kaaway na tinutukan siya ng baril para gawin ang mga pagpatay. Kalokohan. Sobrang panonood laang to ng tv at pelikula. Harapin na ang katotohanan. Lumalabas na talagang ganun ang pangyayari.

Ikinakabit nila ang pangyayari sa ‘roid rage’ matapos me makitang mga anabolic steroids sa lugar ng eksena. Merong mga preskripsyon nga pala ang mga ‘to at ayon sa WWE, e pasado si Benoit sa isang drug test na ginanap nung Abril sa isang klinikang hindi pag-aari ng grupo. Pero lumalabas na ang pangyayari e mukang hindi bugso ng karahasan na matuturing na ‘roid rage’ sapagkat malaki ang oras sa pagitan ng bawat pagpatay.

Pero, ayon ke Dr. John Bradford, bukod sa roid rage, ang isang gumagamit ng steroids e maaaring dumanas ng matinding depresyong me kaakibat na psychotic features. At ayon rin sa kanya, ang pangyayaring ito e maaaring maituring na ‘extended suicide’ na kung saan ang isang taong suicidal e pinipiling isama ang kanyang mga mahal sa buhay sa hukay. Sa isang pamilya, kalimitan raw gumagawa nito e ang ama.

Isa pang haka-haka e ang maaaring natanggap na pressure ni Benoit sa kalagayan ni Daniel, ang pitong taong gulang na anak, na merong tinatawag na Fragile X Syndrome, isang kalagayang maihahalintulad sa autism. At meron ring mga hindi pagkakasundo ang mag-asawa na sa isang punto e nagkaroon pa ng usapin sa diborsyo. Pero mukang malabo ito.

Anuman ito, ‘roid rage’ man o hindi, hindi ko pa rin maintindihan. Mabigat laang talaga ang loob ko sa bagay na ‘to. Ano ang meroroon sa pagkamatay ng isang celebrity na nakakaapekto sa isang taong tulad ko, isang taong hindi niya man lamang nalalaan na nag-eexist at buhay?

Ano ba meron ke Benoit? Sa wrestling kasi, dapat ang wrestler e magaling umarte, tulad ni Eddie Guerrero (SLN), magaling sa mic, tulad ni The Rock at Austin, at mahusay sa pagre-wrestle, tulad ni Kurt Angle. Ang ibang wrestler e kumbinasyon ng lahat, o kulang ng isang component, etc. Si Benoit, bagama’t kulang sa kakayahan sa mic, e napakatindi sa husay sa wrestling. Marami siyang galaw at napakatindi ng intensity na pinapakita. Kung saan saan niya hinuhugot ang kanyang mga pamatay na galaw, tulad ng crippler crossface at sharpshooter. 

Nasa larawan: Chris Benoit ipinapataw ang Crippler Crossface ke Finley. Imagine-in na lang na ganto ginawa niya sa anak na pitong taong gulang -ugh!

Nasa larawan: Benoit at ang Sharpshooter. (isinulat June 27, 2007)

Meron palang nagpost sa Wikipedia.com ng entry na idinagdag ang pagpatay at pagpapakamatay ni Benoit, ilang oras bago pa matuklasan ng mga pulis ang  mga labi ng biktima. Hindi si Benoit ang sumulat nito. Pano kaya nalaman nung nagsulat na yun na merong ganung pangyayari? Sabi niya e base lang raw sa mga tsismis yun. Ano nga kaya yun?

Kelan laang e binawi ng WWE ang suporta ke Benoit matapos maging malinaw ang mga nakapalibot na ebindensiya sa pangyayari. Tinanggal ang mga mensaheng nagbibigay pugay sa kanya, atbp. Magmula raw sa pagkakataong iyon e hindi na babanggiting muli ang pangalan ni Benoit. Pano na kaya ang mga prospectsniya para sa Hall of Fame? Malamang e merong morality clause of kung anuman ang mga nanonominate dito. Baka hindi na makikita sa mga best matches man laang si Benoit. Ano yun, buburahin na nila sa kasaysayan si Benoit?

Tsk. Habang nagbabasa ako’t humahalukay ng mga detalye sa maaaring naging dahilansa pangyayari e nalaman kong meron pala siyang kasaysayan ng pambubugbog raw ng asawa, meron pala silang usaping diborsyo, nahuli na rin pala siya sa pagda-drive sa ilalim ng impluwensiya ng alkohol, atbp. Gayunpaman, e hindi matatawaran ang pinakita niyang husay, impact, kahalagahan sa wrestling. Nakakainis, nakakalungkot mans isiping ganito ang kanyang ginawa e, mas dapat siyang maalala sa mundo ng wrestling sa naiambag niya sa sport entertainment industry kesa sa kanyang ginawang kasalanan sahuli. Si Vincent van Gogh nga, merong ring ginawang mga kabulastugan (hindi nga lang pagpatay ng ibang tao, pero sinubukan niya), pero ang artworksniya ang mga mas natatandaan.

Sunugin man sa impyerno ang kaluluwa niya, pero mananatiling buhay sa akin ang uri ng mga larong pinakita niya nung buhay pa siya.   

balik-eskwela

April 15th, 2007 by hardcorepoetry

Finally, Lupisan has come back to PNU (at sa pagba-blog)!

Balik-eskwela ako ngayong summer -panahong meron ka lang igalaw na bahagi ng katawan mo e pagpapawisan ka na ng ga-timba.

Nasa larawan: Eksena sa Tommy Lee Goes to College. Hindi dahil mala-rockstar ako rito kaya ito ang nasa larawan, pero dahil kasing-handa ng utak ni Tommy Lee ang ang estado ko sa pagtanggap ng karunungan sa silid-aralan. Nung isang summer pa ko huling nag-aral at ilang buwan rin akong hindi nagturo.

Ilang araw ko nang iniisip kong pwedeng shorts ang suot sa pagpasok. Kanina e nakalusot naman ako. Maaring, hindi lang napansin ng gwardiya o kaya naman e talagang pwede ‘tong isuot. Sana’y pwede nga dahil kaineeeet! Lalo’t ganitong walang air-con sa kwarto ko sa unang klase. Sana meron yung susunod sa OPVRE. Kung saan man o anumang silid yun.

Balik-PNU, balik-pagkaing PNU. At bilang panimula at para ika nga e makapanimula ako sa right footing e yung malimit kong inoorder na pagkain ang kinonsumo ko -ang baked mac kuno combo meal.

Na-feature ko na to sa lumang entry ko noong isang taon. Ngayon dahil ako e medyo nag-aaral magluto, e gagawin ko itong parang cook book (o cook entry o ung anuman ang tawag dito).

Ingredients ng baked mac kuno:

  • kakarampot na giniling, ipabilang sa Pre-school student ang bawat piraso
  • elbow macaroning di kilala ang tatak
  • ga-timbang ketsup
  • lahat ng kesong mahahagilap para mag-compensate sa kakulangan ng giniling
  1. Lutuin ang giniling sa kung anumang paraang yun. Pakuluan ang elbow macaroning di kilala ang tatak sa hiwalay na lutuan. Paghaluin ang mga sangkap pagkatapos. Ilagay sa styro. Budburan ng santambak na keso. Huwag mag-atubiling sumunod sa hiling ng estudyante knug papadagdag nito.
  2. Isama ang hotdog na di rin kilala ang tatak na pinrito sa kawali.
  3. Iabot ang "libreng" 6 oz juice kapag hiniling ng estudyante. Pag nalimutan, huwag ipaalala.

Ngayon, kung hindi mo ma-imagine ang dami ng 6 oz juice, isipin mo yung plastic ucps na ginagamit sa mga free taste sa mga grosering tulad ng Puregold. Doblehin mo ang laki nito. Pero dahil kalahati ng laman ng baso e yelo, ibalik mo sa dami ng free taste ang ini-imagine mong dami. Ganun karami ang 6 oz.

Pagkatapos kong kumain e parang at home na ko uli sa set ng PNU, ng pagpasok. Parang hindi na ko kinakalawang. Mukang handa na ko uli sa pag-aaral.

At oo, ganun pa rin ang ratio, tulad ng ratio ng pork sa beans sa isang lata ng pork and beans. Saka na ule’t me klase na ko sa pangalawa. Sana merong air-con.

bulag, pipi, bingi’t bading

February 15th, 2007 by hardcorepoetry

Nung isang beses e bading na bingi’t pipi ang ang nagbenta sa akin sa isang tindahan. Mahaba ang buhok niya’t nakasuot ng spaghetti strap. Hindi ko nilalason ang isip ninyo ng mga imaheng ayaw ninyong makita at lalong hindi ko inilalarawan ito dahil ito’y kaaya-aya sa aknig paningin, pero gusto kong ilarawan kung paano ko nasabing bading ang taong nagbenta sa akin nung isang araw.

Ang kakaiba sa bading na ito e bingi’t pipi pala ito. Hindi ko alam. Sinabi laang sa akin nung tambay na nasa harapan ng tindahan. Nabentahan niya ako. At dun ko laang naisip kung gaanong katerible siguro ang maging bading ka’t bingi’t pipi ka. Hindi dahil tinturing kung ikalawang kapansanan ang una kong nabanggit na deskripsyon sa kanya, kundi dahil sa ideyang parang hirap siyang maka-identify, relate, umanib sa kanilang grupo. Harapin natin ang katotohanang ang kalahati ng pagiging bading e nasa salita at kalahati e sa kanilang gawaing sekswal. Wala namang gay sign lingo. Paano makikipagtalastasan ng kabadingan ang mga ‘to? Paano sila makiki-chenes, chuva, jubese, etc? E di hindi sila belong?

Hindi ko alam kung gano kaliit (o kalaki) ang porsiyento ng mga bading sa lalaki. Sa isang klase sa high school at college, makakasiguro kang merong isa o dalawa. Lima pag Fine Arts at tigsasampu sa Literature at Engineering. Sa kokonting iyon e ilan ang bingi’t piping bading? Kung meron mang dapat sumali sa kongreso bilang party list, yun e mga bading na bingi’t pipi. Sobra nga laang marginalized nito’t baka iisa miyembro.

E bading na bulag kaya meron?

Sa dalas naming mag-usap ni Etey e minsan nalilimutan ko kung kaninong ideya ang isang ideya kung iyun ay akin o sa kanya. Isa sa amin (malamang siya) ang nakaisip ng teoryang kung ikaw e pulubi o may kapansanan, wala kang espasyo sa sarili mo sa pagbabading. Pulubi siguro. pero yung meron nang kapansanan tulad ng putol ang binti o kaya walang braso? Ika nga ng mga Kano, "Can’t be bothered into going gay" dahil sa dami ng "shit they have to put up with".

Huwag nating isipin ang teoryang ito sandali (teoryang sa kapatid ko yata). Isipin na lang natin ‘to: PARANG WALANG BULAG NA BADING.

Nasa larawan: Ray Charles, bulag at mahilig yakapin ang sarili, nguni’t hindi bading.

Bakit kaya? Iyon kaya e dahil masyado silang biswal? Kelangan nilang makita para sila mabading?

Teka, bago ko mapagkamalang anti-bading o nagge-gay bashing ako, gusto kong linawing naiiintindihan ko ang mga bading. Kung nakita mo na si Alan Paule, sa loob ng anim na segundo e malalama’t maiiintindihan mo kung bakit meroroong bading.

Kung biswal ang mga bading, pepwede kayang mabading ang isang tao kung siya e bulag pero nakakarinig?

Oo. Kung narinig mo na ang "Sige" ng 6 Cycle Mind (o Six Cycle Mind o 6Cycle Mind na walang space sa gitna ng 6 at C o 6_Cycle Mind) o kung paano man nila naisip baybayin ang pangalan ng kanilang grupo e alam mo na ang sagot. Ang kantang dapat sana e pang-inuman e parang buttfuckingsong.

Kung narinig na ninyo ang boses, ang tono ng pagkakakanta, ang tunog mga instrumento, mga nilalamang salita, e makukumbinsi kang isinulat ito ng isang grupong nag-gu-group hug at nagpapasahan ng tissue tuwing nanonood ng Oprah.

"Ahhh-yos lang, basta’t magkasama! Konting alak lang kahit walang pulutan!"

Aba’y mas bading pa ‘to sa "I am what I am, I am my own special creation" o kaya e "I love the night life, I love to party (o boogie yata) to the disco toniiiiiight, yeah!".